Chapter 1 : The Beginning

141 0 0
                                    

 Angel,  Mataba, hindi kagandahan, masayahin pero may dinadalang problema sa kabila ng mga matatamis na ngiti. Matalino ngunit may pagka tamad sa mga Gawain, lalo na sa mga gawaing bahay. Nasusunod ang luho ni Angel kahit pa hindi sila ganoon kayaman. Noon, laging may bagong kasintahan itong si Angel, ngunit noong isang taon,taong 2011, siya ay pina-ibig ng kanyang long time crush na si Kier.

 Si Kier ay gwapo, matangkad, singkit at maganda ang mga labi, in short, dream guy ito ng mga babae. Mabait itong si Kier, matalino din, mahilig sa sports lalo na ang billiard at basketball at masipag naman sa pag-aaral. Kabaliktaran ito ni Angel, hindi niya nakukuha lahat ng gusto. Matagal niyang itinago ang mga nararamdaman niya para kay Angel.

 Isang araw, tinitignan ni Kier ang news feed niya sa Facebook. Nagulat siya ng makita niya ang isang friend ng pinsan niya sa facebook, si Angel. Inadd ni Kier ito at nag-message,”Hi,naaalala mo pa ba ako?”,hinintay niya ito sumagot, nang sumagot ito ay napangiti si Kier sa mga nabasa niya, “Hi, oo naman no,naaalala kita,ikaw si Kier, kamusta ka na?  “. Inisip ni Kier na naaalala pa siya nito kahit hindi sila nagkikibuan noon.

 Masayang nag-usap noon at halos 1 hour silang magkausap nang magpaalam na si Angel, “Sige Kier, out na ko ah, inaantok kasi ako eh” , “sige po, ok lang ba makuha number mo? Para naman text text tayo, kung ok lang sayo”, hindi nagdalawang isip si Angel na ibigay ang cellphone number niya kay Kier. “ Salamat sa time mo Angel ”  

 Nagtext si Kier kay Angel, sa hindi inaasahang pagkakataon, napangiti ito at nagreply. Hanggang sa araw araw na silang magka-text, magka-usap at halos hindi na nga naibababa ang cellphone sa sobrang kakausap nila. Tulog na lang ang nakakapagpatigil sa kanilang dalawa.

Isang araw, nagtanong si Kier, "Angel, pwede ba ko manligaw sa'yo?", nagulat si Angel, dahil matagal na niyang hinihintay ang mga pagkakataong ito, ngunit ng mga oras na iyon, may kasintahan si Angel, si Eric. Pinsan ito ni Kier, ang awkward naman kung aagawin niya ito sa pinsan niya, kaya sinabi na lang niya kay Angel, "hihintayin kita kahit gaano man katagal, mahal pa rin kita"

Kinilig si Angel, hindi niya ito pinahalata ngunit, gustong gusto na niya si Kier, subalit hindi naman niya alam kung paano kumawala sa pinsan nitong si Eric. Hindi din naman gusto ni Angel si Eric, napilitan lang ito dahil gusto niya lang ng ligal na BF.

Nakalipas ang isang buwan, may nalaman itong si Angel tungkol kay Eric, nakipagbalikan pala ito sa kanyang ex at iiwanan na niya si Angel, umiyak si Angel hindi dahil sa mahal niya ito, umiyak siya dahil inisip niya "Ganun ba ako kapanget para ipagpalit niya ko?panget na nga niya siya pa talaga may ganang mang-iwan". Hinayaan na niya ito at tinext niya si Kier." Tawag ka naman oh, kailangan ko ng kausap ngayon" tumawag ito at naririnig niyang umiiyak si Angel.

"Bakit ka nman umiiyak,sino nagpaiyak sa'yo?" ani niya, "si Eric kasi e, iniwan niya ko, hindi ko naman siya mahal e,pero di ba nakakahiya yun,siya pa nang-iwan?" "Hindi kita papabayaan Angel, mahal kita at sana dumating ang panahon na ako naman ang pagbigyan mo ng pagkakataong ipakita sayo ang mga nararamdaman ko" "Bigyan mo ako ng 1-2 weeks Kier, pag-iisipan ko"

 Lumipas ang limang araw, magka-text pa din si Angel at Kier, pinapasaya ni Kier ang araw araw ni Angel para lang mapatunayan niya ang kanyang pangako. "Ang saya natin Kier no?Sana ganito tayo lagi." "Ganito naman talaga tayo lagi ah" "Oo nga, pero alam mo, para kasing mas okay kung tayo na lang" " HUH!!?? seryoso ka ba sa sinasabi mo Angel? sasagutin mo na ko?" "Oo,araw araw mo ko pinapasaya, pinapangiti at pinapatawa, ano naman masama kung sagutin na kita ngayon, hindi na kasi ako makapaghintay e" "YES!!!!!!!!Napakasaya ko ngayon March 8,2011 ngayon, Mahal na mahal kita Angel" " Mahal na mahal din kita,Kier"

Give me one more chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon