Chapter 2 : Love

62 0 0
                                    

Masaya ang dalawa, kwentuhan dito,kwentuhan doon, hindi sila nauubusan ng kwento. Niyaya ni Angel si Kier sa kasal ng kuya niya, agad namang pumayag si Kier at yun ay ikinatuwa ni Angel. Sobrang excited ang dalawa lalo na ng malaman ni Angel na pinayagan nga si Kier sa Quezon City. Dahil 2 hours ang byahe mula Laguna hanggang Manila, nagaalala si Angel at tinanong si Kier kung kaya niyang magbyahe ng ganun katagal, "Oo naman baby ko, kayang kaya ko, makita lang kita sa araw na yun masaya na ako".

Dumating ang araw ng kasal ng kapatid ni Angel, hindi mapakali si Angel. Agad itong naglinis ng bahay, nag-ayos at tinawagan si Kier. Paalis na daw sila sa Laguna. Kinakabahan at the same time excited itong si Angel, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Kier. Nahihiya siya dahil huling nakita siya nito ay bata pa sila at payat pa siya noon, pero ngayon mataba na. "Baka biglang umayaw si Kier sa'kin" iniisip ni Angel.

Maya maya pa ay nag-text na si Kier kay Angel, " Baby ko, malapit na kami sainyo, excited na ko makita ka, I love you". Nataranta si Angel sa sinabi ni Kier. Nag-ayos, nag-pabango at nagpalit ng damit si Angel. Nagtext ulit si Kier, "Baby,dito na kami sa baba ninyo". Nakatira kasi sa isang condo sila Angel, sa 3rd floor sila kaya noong naririnig na niya ang mga pagyapak ng paa ng mga kamag-anak nila at si Kier, kinabahan lalo siya.

Nagkahiyaan sila, nag-ngitian pero parang nagpapakiramdaman. Nagyaya kumain ang tatay ni Angel, niyaya ni Angel si Kier sa mesa at sabay sabay silang kumain. Hindi makakain ng maayos si Angel sa sobrang kakatitig niya kay Kier, iniisip nito kung paano naging sila ng isang gwapong katulad ni Kier. Natutunaw si Angel sa mga titig ni Kier sa kanya, at gustong gustong titigan ni Kier ang mga mata ni Angel na mayroong mahahabang pilik mata at katamtaman ang laki.

Nang matapos silang kumain, niyaya ni Angel si Kier sa kwarto dahil mag-aayos si Angel at kanyang mga kaibigan na sina Gaile at Jus. Nag make up ang tatlo at nagkukulitan, nakatitig pa din si Kier kay Angel na sobrang ganda ng maayusan, "ang ganda mo ah, pero alam mo nagtataka lang ako, bakit kailangan mo maglagay ng make up, mas ok yung wala,mas maganda ka". Kinilig si Angel sa mga bagay na sinabi ni Kier. Nang matapos ang kanilang pagaayos,lalong na-inlove si Kier ng suotin ni Angel ang gown niya.

Pababa na sila ng hagdan nang mapatigil si Angel, " daddy, wait lang,masakit na paa ko" tinanggal ni Kier ang mataas na sapatos ni Angel at binuhat ang bag na dala dala ni Angel. Sumakay sila sa kotse nila Angel at doon naghawak ang kanilang mga kamay at nagpalitan ng kanilang matatamis na ngiti.

Give me one more chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon