"Ang daming lalaki sa mundo,pero siya ang nahanap ko. After 8 years naging kami. Small world" Yan ang nasa isip ni Angel araw araw. Kapag kausap niya si Kier, ayaw na niyang matulog at hindi matinag sa pag ngiti. Puro love songs ang pinapakinggan, puro love stories ang pinapanood, at puro LOVE ang nasa isip ni Angel. Masaya siya sa tadhana na nakatakda sa kanya. Sa tagal ng panahon niyang nag hintay kay Kier, sobrang saya at abot langit ang ngiti nito araw araw.
Matagal na nilang gusto ang isa't-isa ngunit dumating ang panahon na sila din ang nagkatuluyan. Destiny o tadhana daw ang may gawa. Ilang araw pa lang sila mag-on, pero parang isang taon mahigit na ang lumipas kung mag-usap ang dalawa. Natutuwa din si Angel dahil close si Kier sa Mom niya. Para bang nafifeel nila na sila na talaga habang buhay. "wala ng makapaghihiwalay pa sa atin" sabi ni Kier kay Angel.
Lumipas ang tatlong linggo, nagbago ang ihip ng hangin, nag-aaway, may sumisigaw at may umiiyak, yan ang sitwasyon ni Kier at Angel dahil sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan. Away dito,iyak doon, hindi na nila malaman kung ano ang kailangan nilang gawin para matapos ang away. Mainitin din kasi ang ulo ni Kier at iyakin din at maarte ng konti si Angel, minsan hindi sila nagkakaintindihan. "Lahat naman ng pumapasok sa relasyon nag-aaway. Hindi yan masama dahil diyan niyo masusubukan ang pagmamahalan ninyo" sabi ni Gaile kay Angel.
"Alam ko naman yun Gaile. Alam ko na hindi naman lagi kaming masaya, dahil ang pagkakatampuhan ng ganito ay nakakapagpatibay ng relasyon di ba?" "Oo Angel,tama si Gaile,tsaka hindi ba ikaw na rin ang nagsabi ikaw ang laging nagpapakumbaba?Eh bakit ganyan pa din siya? Huwag ka ng umiyak Angel ha?" ani Jus.
Ilang oras din ang lumipas nang nagkatampuhan si Kier at Angel. Umiiyak si Angel at hinihintay ang text ni Kier. Madami ng tawag at text si Angel kay Kier pero hindi ito sumasagot o nagrereply. Tinext nito ang kapatid ni Kier na si Ken. Panganay sa 6 na magkakapatid si Ken, nagtatrabaho at kuya ni Kier. " Ken, tulog ba si Kier? Hindi kasi siya nagtetext e, magkagalit kasi kami" "Naglalaro ng bilyar Angel, Ok lang yan, lilipas din galit nun, di ka naman matitiis niyang si Kier e hahaha" "sana nga maging Ok na kami, namimiss ko na siya e, pakisabi na lang miss ko na siya,at sana magbati na kami" "Sige ba. Makakaasa ka"
Nag ring ang cellphone ni Angel, pero hindi niya ito napansin dahil nakatulog siya sa kakahintay ng tawag ni Kier. Pero ilang saglit lang, napansin niya ito at nakita niya naka 10 missed calls na pala si Kier sa kanya at 27 na text messages. Nagsosorry si Kier sa kanya. "Baby ko,sorry na po sa lahat ng nagawa ko. Sorry din baby kung mainitin ulo ko, sana mapatawad mo pa ko. Sana sagutin mo na din tawag ko, miss na miss ko na boses mo baby.I love you so much". Kinilig at napangiti si Angel. Nagulat siya nang makita niya na nagri-ring ulit ang cellphone niya, tumatawag si Kier. Pag sagot ni Angel, hindi niya akalain na umiiyak si Kier sa kanya at nagso-sorry. Napangiti si Angel at sabi, "huwag ka na umiyak daddy, mahal na mahal kita at kahit gaano kalala yang init ng ulo mo, tanggap ko yan. Hinding hindi ko kayang magalit sayo daddy e. Sorry din I love you"
Di ba ang sarap sa pakiramdam nung kahit gaano man kahirap ayusin ang problema ng bawat magkarelasyon, sa huli magiging masaya pa din at ang pag hingi ng kapatawaran ang solusyon hindi init ng ulo. Ano man ang maging problema,maliit man o malaki, kayang ayusin basta nagkakaintindihan ang dalawang tao at siyempre,NAGMAMAHALAN!
BINABASA MO ANG
Give me one more chance
RomantizmInspired from the movie One more chance starring Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Maja Salvador.