I don't know how I was able to finish the meeting knowing that I'm in the same room as him. Looking at him now, makes me think that maybe he did the right choice.
If I'm going to work with him, I need to remain a professional. I cannot lose myself again.
Never again.Its okay for me not to be on set kapag magsimula na ang shooting pero ayaw ni Direk kasi ako daw ang nagsulat, so ako din ang mas nakakaalam kung paano ilalabas ang emosyon. Gusto ko sanang kumontra kaso ayoko naman na ma disappoint si Direk sa akin kaya shut up nalang ako.
Tapos na ang meeting ngunit nasa loob pa rin ako kasama ang lead cast at executives. Hindi lang kasi dito sa Pilipinas ang shooting, meron din sa ibang bansa.
"So, Mae, ano sa tingin mo? Unahin nalang ba natin dito o sa ibang bansa?" tanong sa akin ng producer.
"Mas madami naman po ang scenes dito e. Dito nalang po muna para na din mas mapaghandaan yung mga scenes na iba. Pero okay lang po sa akin kahit saan ang unahin natin." magalang kong sagot.
Tumango-tango naman ang producer. Naiilang ako kasi kanina pa panay ang titig sa akin ng lalaking 'to."Ikaw, Z?" baling ng producer sa kaniya. Uminom muna ako ng tubig.
"I agree with Mae." simple niyang sagot. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Close tayo kuya?
"Uy, First name basis na kaagad kayo? You just met." tudyo ni Direk. I flashed an uncomfortable smile to everybody.
"Maikli lang kasi pangalan ko Direk kaya halos lahat iyan kaagad ang tawag sa akin." sabi ko ng natatawa. Totoo naman kasi.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nag-iwas lang ako ng tingin.
Nang matapos ang pag-uusap namin sa loob ay agad akong lumabas kasi pupuntahan ko pa ang restaurant ko.
Aside from being a writer, owner na din ako ng restaurant. Hindi naman kasi araw-araw may project at ayokong umasa totally sa pagsusulat kasi may pinapaaral ako.
"Ms. Mae!" lumingon ako sa tumawag sa akin. It was his manager.
"Po?" ang galang ko ngayong araw ah.
"Gusto ko lang po sanang magthank you kasi pumayag kang gawing pelikula ang libro mo. Itong alaga ko kasi mapili, pero ng makitang ikaw ang writer aba'y oo agad." masaya niyang sabi. So, kilala niya na ako bilang manunulat?
"Wala po iyon. Kay Jane po kayo magpasalamat kasi siya ang pumili sa ka- sa alaga mo." magalang ko pa ring sagot.
"It's your story. I should thank you." medyo nagulat kami pareho ng manager niya nang bigla nalang siyang sumulpot galing sa kung saan.
"It's thank you for accepting the project." sagot ko sa kanya. I mentally applauded myself for not stuttering.
"Really?" he flashed a smile.
"Yeah. I mean they like you for the movie. I don't really care who the actor would be as long as he can give justice to my story." I said trying to sound normal.
"Ay, makakaasa ka Ms. Mae." sabat ng manager niya. Hindi na siya nagsalita, tumitig nalang siya sa akin.
"Una na po ako." paalam ko sa manager niya.
Itinuloy ko na ang paglalakad patungo sa parking lot nang parang lumindol dahil sa dami ng nagtatakbuhan at nagsisigawan patungo sa direksyon ko, or more like sa likod ko.
"Z!Z!Z!" sigawan nila. Mostly babae. Tumabi muna ako, nabangga na kasi ako ng ilan sa kanila.
"Ang gwapo niya talaga. Wahhh!" napangiwi ako kasi kulang nalang mangisay sila sa kilig. Gwapo ba yan? Totoy lang yan dati e.
Napafacepalm nalang ako kasi hindi pa rin ako makadaan. Nasaan ba ang guard at nakapasok ang mga ito dito?
"Guys si Ms. Mae oh!" nag-angat ako ng tingin pagkarinig ko non. Akala ko invisible na talaga ako. Kinareer ko na e.Biglang lumapit sa akin yung iba. Napaayos tuloy ako ng tindig.
"Ms. Mae pwede po magpapicture?"
"Ms. Mae confirmed na po ba ang movie?"
"Ms. Mae close na po ba kayo ni Z?"
"Ms. Mae-" naputol yung itatanong ng isang babae kasi biglang nagsidatingan ang mga bouncer. Ang iba ay tumakbo papunta sa likod kung saan dinudumog pa rin si Z.Ang iba naman ay sa akin. Agad nila akong inalalayan patungo sa kotse ko. Nakasunod pa rin yung ibang fans. Hindi pa rin ako nasasanay sa ganito kahit ilang taon na.
Nakakailang. Panay picture pa rin yung iba. Agad kong pinatakbo ang kotse palayo sa kanila.
Nakita ko sa side mirror na nagtakbuhan palabas yung mga dumumog kay Z. Shit! meaning nasa daan na naman sila ngayon. Sana sa taas nalang siya ng building tumakbo para hindi na siya sundan. Naman e.
Agad akong napapreno ng huminto sila ng manager niya tapat ng kotse ko. Mapapatay ako ng mga fans niya kapag mabangga ko siya!
I saw his fans, papalapit na sila. Pero mas nagulantang ako kasi sumakay siya sa kotse ko at ang manager niya naman ay nasa backseat na.
"Drive please!" hingal na hingal niyang wika. Sinunod ko naman. Mukha na ring na rape ang manager niya. Gusot na gusot na ang shirt nito.
Nang makalayo na kami doon sa building ay hininto ko ang sasakyan.
"Salamat Ms. Mae." medyo hingal pa din na sabi ng manager niya sabay baba. "Tara na Z. Safe na dito." aya niya sa alaga niya.
He didn't move. Tumaas na ang kilay ko. Baka akala niya driver niya ako!
"Pwede ka nang lumabas. May pupuntahan pa ako." I said flatly.
"Sorry." Aniya. Kinalas niya ang seatbelt niya at tumingin sa akin. Para saan ang sorry na yan?
"Okay lang. Grabe fans mo." walang emosyon kong sabi.
"N-no I me-"
"Labas ka na. May pupuntahan pa ako." pagputol ko sa sasabihin niya. I don't want to hear it.
Tumango siya ng bahagya.
"You've changed." mahina niyang sabi.
"Everybody does, eventually." I replied.
He sighed before opening the door and stepping out.
Agad kong pinaharurot ang sasakyan paalis doon.
He didn't expect me to stay the same, does he?
I'm not the same Mae, you knew Zandro. Not anymore.
YOU ARE READING
Back to You
RomanceSometimes it only takes a minute to fall in love with someone. Sometimes you can find that one person who would mean so much to you in a very unlikely situation. When you're broken, vulnerable and lost. When you're half alive and just trying to sur...