Face From The Past

143 3 0
                                        

"Ate baba ka na! Kasing lamig na ng Siberia ang pagkain!" sigaw ng kapatid ko sa labas ng kwarto ko.

Kanina pa yan talak ng talak sa akin. Kesyo hindi na daw ako nagbago, ang bagal-bagal ko daw kumilos.

Kung makapagsalita sa akin itong batang 'to akala mo siya ang ate.

Agad kong tinungo ang kusina at nadatnan ko siyang nakabusangot habang nakaupo sa hapag kainan.

Nginitian ko lang siya.

"Pray ka na." utos ko sa kanya.


Pagkatapos ng matiwasay na breakfast ay naghanda na ako para umalis.

"Ito na yun Mae. May project ka na naman." excited kong sambit sa aking sarili.

"Ate sino ba ang bida sa pelikula mo ngayon?" tanong ng kapatid kong si Mon. Nagkibit balikat lang ako bilang sagot.

"Ngayon ko pa nga malalaman. May casting diretor naman kasi kaya sila lang iyong namili." sabi ko. "Umayos ka ha! Wag kang magaadik sa school!" paalala ko sa kanya.

"Tss." ang sungit nito ngayon a. "Pwede na akong makapagmotor next month ate ha kasi mag e-eighten na ako." aniya.

"No. Twenty one pa ang debut ng mga lalaki uy." asar ko sa kanya.

"Ate naman! eighten ang legal age sa Pilipinas at hindi debut pinag-uusapan natin dito." aniya sabay kamot sa ulo. Naiinis na to. Napangiti ako.

"Habang buhay kang baby ko Edmundo at ang mga baby hindi nagdadrive ng motor." pabiro kong paliwanag sa kanya sabay gulo sa magulo niya ng buhok.

"Aish! Alis ka na nga 'te!" pagtataboy niya sa akin. Pero, humalik din naman muna sa pisngi ko. Kunyari pa 'to. Mahal na mahal naman ako.

---

Mabuti naman at hindi ako nalate sa meeting. Pagkarating ko sa venue ay ang direktor palang ang nandoon at ilang kasama sa pelikulang gagawin.

Ako ang writer ng pelikula. Actually, libro ko ang pagbabasihan nito pero ako parin ang gagawa ng script.

"Good morning Direk!" masigla kong bati kay Direk Susan sabay beso sa kanya.

"Morning Mae. Naku sigurado bebenta na naman ng malaki itong kwento mo kasi sikat at magaling na actor ang kinuha ni Jane." aniya.

Si Jane ang casting director namin.

"Talaga po? Maganda yan!" sabi ko naman.

Pangatlong pelikula na ito ni Direk na ako ang sumulat. Close din kami kasi siya ang nakadiscover ng mga gawa ko. Simula ng gawin niyang movie ang una kong libro at pumatok ito sa masa ay naging kilalang manunulat na din ako. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Hindi nagtagal ay dumating na si Jane at ang ibang actors. Ang lead nalang ang hinihintay.

Kinakabahan ako kung sino ang tinutukoy nilang sikat at magaling na aktor.

Thriller-Romance ang genre ng libro at pelikula, hindi din masyadong madami ang cast.

'Madami namang magaling na mga aktor ah. Madami din namang sikat. Huwag kang OA Mae!' pangaral ko sa sarili.

Hindi naman siguro siya diba? Masama talaga kutob ko ngayon. Umiling-iling ako at huminga ng malalim.

"Good morning! Pasensya na po natagalan kami ng alaga ko, traffic e." nagulat ako sa pagsulpot nang isang lalaking kalbo at medyo may katabaan. Manager ata to.

"That's okay. Nasaan na siya?" tanong naman ni Direk.

Sasagot na sana yung lalaki ng biglang bumukas ang pinto.

Pakiramdam ko lumamig ang hangin sa paligid ko. I stilled in my seat.

I heard giggles. I heard a baritone voice greeting us good morning. I couldn't move.

Because in that door...
A face from the past emerged.

Back to YouWhere stories live. Discover now