KINABUKASAN, araw na ng Miyerkules. Nakasuot ako ng janitor uniform ngayong araw. Ito kasi ang nakatoka sa 'kin kapag ganitong araw, ang maging janitor. Pang-gabi rin kasi ang klase ko, 6:00 pm hanggang 9:30 ng gabi.
Sa hallway ng first floor ako nag-umpisang maglinis. Nagma-mop pa lang ako ng sahig ay ramdam ko nga agad na may ilang estudyante ang ako'y pinagbubulungan at pinagtatawan.
Palagi ko itong nararanasan dito. Hindi ko na lang sila pinapansin dahil lalo lang akong masasaktan sa mga salitang sasabihin nila sa akin.
KINAHAPUNAN, natapos na rin ako sa aking duty. Pagka-pahinga ko ay naghanda naman ako para pumasok. Nakakapagod pero enjoy lang.
Habang ako'y naglalakad papunta sa room ng first subject ko ay may isang bagay akong nakita sa daan. Isang kwintas na may nakasuot na singsing ito. Simple lang ito kung titingnan pero 'yong singsing, mukhang mamahalin. Napansin ko rin na may nakaukit sa ilalim ng nito.
"Te Amo", spanish word na ang ibig sabihin ay 'mahal kita'. Gusto ko nga sanang dalhin sa Student Center pero mahuhuli na ako sa klase at gabi na rin, baka wala ng tao roon.
Alas-dyis na ng gabi nang matapos ang klase ko, nag-extend pa kasi 'yong Prof' ko ng 30 minutes. Bago ako matulog ay pinagmasdan ko muna ang alahas kong nakita. 'Di ko alam kung ano'ng mayroon dito dahil parang nakaramdam ako ng lungkot habang tinitingnan ito.
Hanggang sa nakatulugan ko na ito.
Maganda naman ang naging gising ko kinabukasan. Nakuha ko pa ngang mag-jogging sa oval ng campus. Tutal, 9:00 am pa naman ang klase ko kaya pumunta muna ako sa library para magbasa.
Sa totoo lang, isa talaga ang library sa paborito kong puntahan 'pag walang klase. Nagbasa nga muna ako ng dyaryo at napangiti ako nang mabasa ko ang nasa sports section nito.
"Wow! Champion ang Basketball Team ng USA sa Olympics, Dwyane Wade with 28 points, 7 assists and 5 steals," sabi ko sa aking sarili. Mahilig kasi ako sa basketball, lalo na sa NBA.
Hindi rin naman gaanong marami ang nagbabasa ngayon sa library at habang ako'y nagbabasa, napansin ko na may isang babae ang umiiyak sa kabilang mesa. Lihim ko siyang sinulyapan habang ako'y nagbabasa.
"T-teka... si Lorraine?"
Medyo nagulat ako nang siya'y mamukhaan ko. Bakit kaya siya umiiyak? Hindi ko maintindihan, pero kusa akong dinala ng aking mga paa palapit sa kanya.
"M-miss... 'Eto ang panyo," mautal-utal kong winika at lakas-loob kong iniabot ang dala kong panyo. Pero dahil nahihiya ako, tinakpan ko ang aking mukha. Kunwari'y nagbabasa pa rin ako ng dyaryo nang sandaling iyon.
Nagulat siya sa ginawa ko. Parang nagdadalawang-isip pa nga siya kung tatanggapin ang panyo ko.
"'Wag kang mag-alala, malinis 'yan. 'Di ko pa 'yan nagagamit," paliwanag ko pa at kinuha niya rin ang panyo ko. Pinunas niya ang kanyang luha habang ako'y patuloy sa pagbasa-basahan ng dyaryo.
"Bakit ka nga pala umiiyak?" tanong ko pa.
"H-huh?" sambit niya at marahan siyang yumuko.
"A-ang... totoo kasi," sabi niya na medyo naiilang.
Akala ko ay hindi niya sasabihin pero sinabi pa rin niya ang dahilan kahit hindi niya ako kilala.
Huminga muna siya nang malalim.
"Kasi... Kasi, naiwala ko ang pinakamahalagang bagay na bigay ni Dad' sa akin," mahina niyang sinabi.
Na-curious naman ako sa bagay na 'yon kaya medyo umiral ang pagka-tsismoso ko kaya tinanong ko siya.
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita (Completed)
Roman d'amourPangarap ni Mellard ang makapagtapos ng pag-aaral para sa kanyang pamilya. Nagsusumikap siya sa kabila ng pagkakaroon niya ng malaking pilat sa mukha. Pilat na nakuha niya dahil sa isang aksidente nang siya'y bata pa. Naranasan na niya ang makutya d...