Drive Thru

74 2 0
                                    

Ika-tatlumput isa ng Oktubre alas onse ng gabi isang oras na lamang at sasapit na ang araw ng undas, pasuya-suyang nagmamaneho si Andrei sa gitna ng expressway patungong norte.

"Haysst konti na lang. . . Konti na lang. . . " Tila inaantok at wala sa katinuan ang papungay-pungay na lalaking ito matapos manggaling sa inuman sa isa nitong kabarkada malapit sa Munisipyo ng Pasig.

". . . Sabi ko na nga ba. . ." Pabulong sa sarili.

Nagkataon din naman na ika-tatlumput isang kaarawan ng isa sa matatalik nitong kaibigan. Ito rin ang dahilan kung kaya't napilitan itong sumama sa inuman at makisaya sa pagdiriwang. Nagkaroon din ng mga biruan dahil nga malapit ng mawala sa kalendaryo ang kaibigan nito. Isang biruan ng mga taong di matanggap ang tinatawag na nagkaka-edad.

Madami-daming tao sa pagdiriwang ng kaibigan nito at samu't-saring mga pagkain ang nakahanda. Iba't-ibang uri ng alak at inumin din ang inorder nila sa isang bar malapit dito.

Malalakas na musika at indak ng ilaw ang buhay ng kasiyahan. Batuhan ng mga kalokohan at kwento at sabayan pa ng halakhakan ang ilan sa iyong maririnig. Tila walang katapusang gabi ang pinahihiwatig sa bawat isang naroroon.

Gayunpaman nag-aalala lamang ang binata sa dahilang malayo-layo pa ang tatahakin niya para makauwi sa bayan nila sa Pampanga. Hindi lang ito nakauwi agad dahil ayaw pumayag ng ilan nilang kaibigan at gustong magpabukas na lang ito bumyahe.

Ayaw lang talaga ni Andrei makipagsabayan sa traffic dulot ng paparating na undas. Dagdag pa nito, hindi rin siya malakas uminom katulad ng mga kabarkada niya. Sinubukan naman ni Andrei maghinay-hinay ngunit tila nawala ito sa huwisyo ng matapos niyang mainom ang kanyang pang limang shot.

"BBBBBBEEEEEEEEeeeeeeeeeeeeePPPPPPPPP!!!" Isang malakas na busina ang umalingawngaw sa kanyang likuran.

"Hoy papatayin mo ba kami?! kung inaantok ka tumabi ka muna!!!"
Pagsulpot ng isang pulang kotse habang nakababa ang bintana nito.

"Pasensya na ho!!! " sambit niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.

Mapapansing naging mas magulo ang pagmamaneho nito kahit kakaunti lamang ang dumadaan ng dis-oras ng gabi.

". . . Sabi ko na nga ba eh, di ako sasabayan ni Chino. . . badtrip talaga. . .kakainis" sambit nito sa kanyang sarili habang sinisisi ang isa nitong kaibigan matapos di ito samahan pauwi.

Tila nagmimistulang mga bituin na sa kalangitan ang mga ilaw sa poste na kanyang nadaraanan. Ang bawat pag-alog ng sasakyan dulot ng mga lubak ay tila hele sa kanyang pakiramdam. Dahan-dahang bumabagsak ang kanyang mga mata dulot ng magkahalong alak at pagod.

"Mukhang kailangan ko lang ipahinga ito. . . " bulong niya sa sarili.

Nagkataon din naman na malapit na ito sa isang gas station kung kaya't minarapat na lang niyang itabi ang sasakyan upang makapagpahinga kahit na ilang sandali. Sa mga oras ding yun ay nakaramdam ito ng pagkagutom at naghahanap siya ng makakainan. Sumaktong may bukas pang establishimento kaya sinubukan nitong umorder sa drive thru.

" tch. . . Good. . . tzz . . .evening po. . . " batid ng mahinang tinig ng isang lalaki mula sa lumang intercom.

"Ah. . . Ahm. . . *hikab. . .paorder ng isang brewed coffee. . . At. . .Tsaka. . . samahan ng burger. . . *hikab salamat" inaantok na pagkasabi ni Andrei.

". . .tch. . . tzz. . . tch. . ."

"Hello? . . .Okay na ba?. . ." Buong pagtatakang pagkasabi ni Andrei ng walang sumasagot galing intercom.

". . .tch. . . tzz. . . tch. . ."

Mula sa di kalayuan ay may nakita itong aninong kumakaway buhat sa dereksyon ng kahera at tinatawag ito upang tumungo doon kung kaya't siya'y nagpatuloy na lamang.

Drive ThruWhere stories live. Discover now