12 | twelve.

1.1K 82 59
                                    

[ — SONG YUQI ]

I WAS DONE with all my classes kaya dumiretso na ako sa practice room ng 21st. Pagpasok ko dito ay agad akong namangha sa interior design. Malawak ang space at tama lang ang lighting. Nakadikit ang mga posters nila sa pader at may isang malaking frame na may group photo nila. I roamed around the room and I spotted a mini cafeteria! May namataan akong glass door at makikita sa loob ang lahat ng trophies at awards na napanalunan nila. It's like this room was made just for them.

"You're like a kid in an amusement park," tumalikod ako and I saw Winwin with his arms folded infront of his chest. His head was slightly tilted to the side at mapang-asar siyang ngumiti. Napakamot na lang ako sa aking pisngi. "Do I look ignorant?" I asked.

"Nope. You look cute, actually."

Mas lalo akong nahiya sa sagot ni Winwin. An awkward silence filled the air so I faked a cough, asking him a question again. "Nasaan pala yung iba?" pagbabago ko ng usapan.

Binaba ni Winwin ang gamit niya sa isang gilid at ganoon din ang ginawa ko. "Katatapos lang ng mga klase nila. Papunta na rin ang mga 'yun, nagbihis siguro saglit." sagot niya at tumango na lang ako.

"I'm sorry for what Lucas said to you."

Napatingin ako kay Winwin at nakita ko ang lungkot sa mukha niya, but his hands were balled into a fist. Malungkot ba talaga 'to o galit? "Ano ka ba! Ayos lang, don't mind it. Baka hindi pa sanay si Lucas na nandito ako." sabi ko sabay suntok sa balikat niya ng pabiro.

Biglang umingay nang dumating na ang iba. "Hala! Bakit kayo nagd-date?" pang-aasar ni Haechan sa aming dalawa ni Winwin kaya nagtawanan sila pati na rin ako. Whenever Winwin and I are together ay aasarin kami. Pero minsan ay nakakaramdam ako ng awkwardness dahil kaibigan lang naman ang tingin namin ni Winwin sa isa't isa. I guess he gets uncomfortable too sometimes pero idinadaan na lang niya sa ngiti.

"Tama na muna 'yan. Let's warm-up." utos ni Taeyong kaya nagsimula na kami mag-stretching. Pagkatapos ay itinuro na ni Ten at Taeyong ang steps.

"Yuqi, you're a fast learner." puri sa akin ni Ten at agad ko siyang pinasalamatan. Pinuri rin ako ng iba at si Chenle na nasa aking gilid ay sinundot pa ako sa pisngi. Ilang beses na ako nakakaramdam ng hiya because of their kindness.

As we learned half of the choreography, gumawa na sila ng formations. "So Jisung you're in the middle then beside you is Yuqi tapos. . . Lucas." pinuwesto ni Taeyong si Lucas sa tabi ko. I looked at him but his eyes were just looking directly at the mirror in front of us. "Lahat na kayo may places. Let's do the first figure." binalik ko ang aking tingin sa harapan at sinunod ang utos ni Taeyong.

After doing the first figure, dumiretso na kami sa pangalawa. I stayed at the side at ang mga natira sa gitna na sumasayaw ay sina Lucas, Winwin, Kun, Renjun, at Chenle. The rest of us were about to enter nang biglang may bumagsak and it was Lucas.

Agad akong tumakbo sa kaniyang puwesto at inalalayan siya, "Are you alright? Anong masakit?" tanong ko nang makita kong napapangiwi siya. I think he was surprised with my actions so he stared at me for a few seconds. Nagulat ako nang bigla niyang iniwaksi ang kamay ko palayo sa kaniya. "I can manage." malamig na sabi ni Lucas at tsaka tumayo ng dahan-dahan.

I noticed that the others had surprised expressions on their faces. "Pahinga muna for 15 minutes." sabi ni Taeyong bago nilapitan si Lucas.

"Sino ba talaga, Yuqi?" I was taken aback at Haechan's sudden question.

I don't get it. Anong sino?

step up. lucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon