Chapter 2

25 2 3
                                    

'Day 1 - Kiss'

Pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang aking asawa na mahimbing na natutulog.

Sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay ngumiti ako rito.

"Good morning." Bati ko rito.

Matagal itong nanahimik bago bumati pabalik.

Tumayo ito agad at nagbabadyang bumaba.

"Hep!" I stop him and he turned around to face me.

"Where's my good morning kiss?" Tanong ko rito.

"I've already agreed with this sh*t----" I kissed him. Smack lang naman!

"Ganun lang naman kadali." Sabi ko tsaka naunang lumabas.

Kumuha ako ng tubig at ganun na rin siya.

"Can you cook for me? Please? I miss your specialty." Sabi ko rito.

"Nandiyan naman sila manang."

"Pinagbakasyon ko muna sila ng 3 weeks." Sabi ko.

"Did I gave you the permission to do that?" He said.

Mapapagalit ko pa yata.

"Asawa moko." Panlaban ko kaya naman napangiti ako ng napabuntong hininga ito.

Halos mag iisang oras ko yata siyang pinilit para lang lutuan ako ng breakfast.

As he finished cooking ay umupo na ito dahil ako na rin naman ang nagready ng mga utensils.

"Thank you!" Masaya kong pasasalamat sakaniya.

"I miss this, kung alam mo lang." I said.

Hindi lang yung luto mo pati yung "tayo" na kumakain ng sabay tuwing umaga.

Natapos kaming kumain at ako ang nag volunteer na maghugas dahil malelate na rin siya sa meeting niya.

Nang matapos na akong maghugas ay saktong pababa na siya ng hagdan at akmang bubuksan na ang pintuan.

"Caleb!" Tawag ko rito kaya naman napalingon ito.

"Goodbye kiss?" I asked him.

He immediately open the door pero nahila ko siya kaya naman for the second time ay ako ang humalik sakaniya.

Natawa ako sakanya, My husband is still cute.

Nang maayos ko na ang mga hinugasan kong pinggan ay naligo ako agad at nag ayos dahil baka ako naman ang malate.

"Good morning!" Masiglang bungad ni CJ.

Nawala ang aking mga ngiti nang makita ang aking lamesa.

"Good morning" Walang gana kong sinabi.

"Hahahaha!" Tawa nito na parang nang aasar pa. "Wala eh. Ganyan talaga ang buhay. Kaya mo yan! Fighting!" Aniya.

Umupo na ako at agad hinarap ang tambak na mga papeles sa aking lamesa. Oh life!

"Ano ba 'tong mga to?" Bulong ko sa aking sarili.

Binuklat ko ang ibang papers and I found out na mga resume pala ang mga ito.

I open each and review everything hanggang sa may pumukaw ng aking atensyon.

"K-kian Hermoso?" My heart beat change its way on how it beats.

Bakit ba niya ito ginagawa?!

"Hey!" Napukaw ang tingin ko kay CJ.

"Why?" I asked and he pointed my hands na sobrang higpit ang pagkakahawak sa papel.

30 Days LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon