'Day 3 - M and K'
I opened my yes and there I saw my husband still sleeping.
I kiss him quickly tsaka ako bumangon para bumaba. I check the time and it's 6:00 am in the morning.
Bakit ganun? I slept late and just woke up so early in the morning? Is that normal?
Nang marating ko ang kusina ay nakita ko si Manang na naghahanda ng mga rekado para sa pang umagahan.
"Oh gising ka na pala." Aniya nang makita ako kaya naman tumango ako rito kasabay ng isang ngiti.
"Ano pong lulutuin niyo manang?" Tanong ko rito.
"Bacon at Tocino, okay lang ba sa'yo na ito ang pang umagahan?" Tanong nito.
"Ang mahalaga may makakain manang hahaha!" Tawa ko rito.
"Eh para saan naman po 'yang mushroom manang?" Tanong ko rito.
"Gagawan kita ng soup para diyan sa hang over mo." Aniya sabay ng pagkuha sa mga mushroom.
Hindi naman ganun kasakit yung ulo ko kasi di naman ako ganoon nalasing. Anyways mataas rin kasi ang tolerance ko when it comes to alcohol.
"Salamat manang." Sabi ko rito pagtapos ay tinabihan ko si manang at tinulungan sa kaniyang mga lulutuin.
"Hindi na kailangan, maupo ka na dun at hintayin mo nalang ito maluto." Ani manang pero syempre hindi ako nagpatalo sakaniya.
Nang maluto na ang lahat ay umakyat ako para gisingin si Caleb.
I kiss him on his lips 3 times, smack lang naman, bago ito nagmulat ng kaniyang mga mata.
"Good morning!" Bati ko rito sabay hulma ng isang napakalaking mga ngiti.
"Good morning." Aniyang walang emosyon atsaka ito bumangon.
"Nakahanda na yung breakfast sa baba, kain na tayo." Sabi ko rito habang siya naman ay papalapit sa salamin.
"I'll go next, mauna ka na." Aniya atsaka ito pumasok ng CR.
Bumaba na ako't nagsimulang kumain at sa kalagitnaan ng aking pagkain ay bumaba itong nakabihis na.
Umupo ito sa hapagkainan atsaka kumain kasabay ko.
Sa kalagitnaan ng aming pag kain ay biglang may nag doorbell.
Dali daling lumitaw si Manang at nagtungo sa may pintuan para pagbuksan kung sino man ang nasa labas.
Medyo malayo ang dining area at main door kaya naman halos isang minuto ang tinagal ni manang at ng bisita.
Nang marinig kong tumawa ang babae ay nanigas ako sa aking kinauupan.
Hanggang sa natatanaw na ng dalawang mata ko kung sino nga ba ang dumating.
"Hello there! Good morning!" bati niya sa akin nang makarating ito sa aming harap.
"Hmm, so y'all having a breakfast? Can I join?" tanong niya pero hindi na niya hinintay na may sumagot pa dahil umupo ito agad sa tapat ko.
What I saw last time when I am having lunch with CJ and the whole staff is right. She's here. Megan's here, Caleb's first love and first ex-girlfriend.
Napatingin ito sa aming kamay at tumama ang kaniyang mga tingin sa wedding ring na suot namin. Dali daling binaba ni Caleb ang kaniyang kamay na para bang tinatago niya ito sa paningin ni Megan.
"What are you doing here?" Ani Caleb.
It hurts! Ang sakit! Ang sakit sakit!
Huminga ng malalim si Megan tsaka ito nagsalita.
BINABASA MO ANG
30 Days Left
RomanceNasanay tayo na kapag kinasal ang magkasintahan sa wakas ng isang palabas ay happy ending na. Ngunit naisip mo ba kung ano na ang mga pangyayari pagkatapos ng isang kasal? Magiging forever ba sila? o baka naman maghiwalay sila? Ang kasal ba sa isang...