'Day 2 - Holding hands'
I was about to close my eyes nang biglang pumasok si CJ.
"Hindi ka pa uuwi?" Tanong nito.
"I don't know." I don't know, hindi gumagana ang utak ko ngayon.
"Parang kanina ka pa stress na stress jan ah." Aniya,"Edi sana hindi mo muna ako sinamahan." Patuloy niya.
"Hindi, hindi dahil dun yun." Paliwanag ko.
"Then why? Dahil saan?" Tanong niya.
"S-siguro dahil gutom ako." I lied.
"Sus! Yun lang pala eh. Want to join?" He asked with excitement.
"Saan?"
"Sa bar." Pinipilosopo niya ba ako or what?
Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman napatawa ito.
"I'm serious Mrs. Funtuero." Aniya.
"Gutom ako sabi ko."
"You're lying." Aniya "Sometimes, you need to let it out with some drinks, kaya tara na." Hinila niya ako patayo and I sigh tsaka ko kinuha ang aking bag.
"I'll text your husband at sasabihin kong nakipag date ka sakin hahaha." Halakhak niya.
"Sira!" Sabi ko dito na lalong nagpatawa sakanya.
"Just kidding." Aniya tsaka kami lumabas.
Iniisip ko kung kailangan pa ba niya akong ipagpaalam? Parang hindi na eh. Does Caleb care for me? May paki pa ba siya kung nasan ako? Kung anong ginagawa ko? Hays.
"Nag away ba kayo ni Sir?" Tanong niya habang nakatingin sa daan.
Umiling ako rito.
"Hmm, pagod ka na magtrabaho? Ayaw mo na ba akong makasama?" Alala niyang tanong kaya naman napatawa ako ng mahina.
"Ang OA mo talaga." Sabi ko rito.
Napabuntong hininga siya sabay ng pagliko sa may gate.
"Okay, I won't ask anything but I'm sure everything will be okay." Aniya tsaka nagpark.
Sana nga ganun kadali maging okay ang lahat.
Pumasok na kami at pinili ni CJ ang table na nakapwesto sa may dulo.
"Just give us your best liquor but not the strongest, yung light lang." Aniya tsaka naman umalis yung waitress.
"Teka" pagtawag ko sa atensyon niya. "Hindi ba magagalit girlfriend mo niyan? Hindi ba't nagseselos sakin 'yan?" Tanong ko rito.
"I already asked her, actually yinaya ko siya but she can't join us today, sobrang busy daw nila." Aniya.
"Ahh, pero sure ka ha? Okay lang talaga sakanya? Baka mamaya mag awa---"
"She's now okay with our friendship, nag usap na kami about dito and she said, she want the three of us to have some time soon." Pagputol nito sakin.
"Good to hear." I'm relieved.
"Sorry ulit--" Ba't ba pinuputol niya lagi lahat ng mga sasabihin ko.
"You've already said that hundred times. Tama na." Aniya tsaka dumating ang order namin.
He opened the bottle and he pour it on our glass.
I quickly drink mine, samantalang inuunti unti naman ni CJ ang kanya.
Kinuha ko ang shot glass at uminom ng tatlong tuloy tuloy na tagay.
"Woah!" He was amazed.
"Take it easy Mrs. Funtuero." He said.I didn't listen to him at mas dinamihan ko pa ang pag inom.
Kian Hermoso, that jerk! Aish!
I can't trust that stranger!Stranger? Pero alam ko yung name? Ang stranger ba, masasabi mo lang pag hindi mo alam yung pangalan? Paano naman pag hindi mo alam ang pagkatao? Can't we consider that as a stranger?
Am I talking to myself? Lasing na yata ako. Impossible! Dapat blanko na ang isip ko kung lasing nga talaga ako.
Kinuha ko ang mas malaking shot glass at tuloy tuloy akong umiinom.
"Tama na." Pag agaw ni CJ sa bote.
"Are you that stressed?" He asked and sip his drink.
I sigh tsaka ako tumango.
We talked about anything, I know he wants me to be distracted with other things.
I feel so dizzy, ugh!
"I think you can't walk properly." Paglahad niya ng kamay.
Inalalayan ako ni CJ hanggang sa makapasok ako sa kotse niya.
Nasa tapat na kami ng bahay ngayon.
Bumaba muna ito tsaka ako inalalayan na lumabas ng kotse.
"Thank you." I said and smiled at him.
"I'm sorry, I don't know how to help you---" Ako naman ang pumutol sa mga sinasabi niya.
"You helped me a lot. Sobrang thank you." I said and he smiled.
"Sige na, gabi na. Thank you ulit. Mag iingat ka!"
"Can you walk---" Bawian lang hahaha!
"Yep! Don' t worry. Sige na." I said and watched him drive away.
Nang mawala na ito sa paningin ko ay pumasok na ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
"Nariyan ka na pala?" Bungad ni manang.
"Opo, kararating lang po."
"Uminom ka ba?" Tanong nito at napatango nalang ako.
"Ikaw talagang babae ka! Sino naman ang kasama mo? Gabing gabi na oh!" Nag aalala nitong sambit.
"Sorry manang." I smiled a little bit and so she calm herself.
"Si Caleb po?" Tanong ko.
"Baka nakatulog na iyon." Ani manang.
"Sige po, aakyat na po ako. Good night manang!" Sabi ko at ganoon rin siya.
Tama nga si manang, nakatulog na si Caleb.
I took a shower dahil ang init ng buong katawan ko at para na rin mahimasmasan ako.
I sat on Caleb's side nang napalingon ako sa dalawang frame. One is we're kissing, while the other one, ay magkaholding hands kami.
I looked up on the center of our wall and I saw us smiling while he's hugging me from the back and we're wearing our wedding suits.
Sana ganiyan parin tayo, sana ganiyan pa rin yung pagmamahal mo sakin, sana ganiyan ka pa rin kasaya pag nakakasama mo ako.
Bakit ganiyan ka kadaling nagbago? Bakit nakayanan mong burahin kaagad ang pagmamahal mo sakin? Nang dahil lang, dahil sa k.... hayst.
Humiga ako sa tabi niya at pinagsiklop ko ang aming mga kamay na para bang kami ay magka holding hands.
I closed my eyes nang biglang gumalaw ang kaniyang kamay.
He tighten his hold onto my hands.
Nilingon ko siya but he's still asleep.
When I closed my eyes for the second time, may isang butil ng aking luha ang tumulo pababa sa aking pisngi.
I can feel the warmth of his hands, kay tagal kong hinanap hanap ang pakiramdam na'to.
BINABASA MO ANG
30 Days Left
RomanceNasanay tayo na kapag kinasal ang magkasintahan sa wakas ng isang palabas ay happy ending na. Ngunit naisip mo ba kung ano na ang mga pangyayari pagkatapos ng isang kasal? Magiging forever ba sila? o baka naman maghiwalay sila? Ang kasal ba sa isang...