Twenty-third Chase

5.3K 108 9
                                    

Twenty-third Chase 

Xavier University Alumni Homecoming 

"Hi Cha!" Lumapit sa'kin yung isa kong blocmate mula sa Econ at nagbeso. 

"Allison! Hi! Long time no see!"

"I know, right? Huling nagkita tayo ay nung kasal mo pa."

"Kamusta?"

"Eto. Nakabase na ko ngayon sa America. Pinadala ako ng company ko doon eh."

Ngumiti ako. "Kasal ka na?"

Tumawa siya. "No. Not yet. Career muna. Tsaka ano ka ba, syempre malalaman mo kung ikakasal na ko no, dahil sigurado namang iimbitahin kita."

Napailing ako. Nung college, puro pag-aaral inaasikaso nung babaeng 'to at ayaw daw niya ng love life. Ngayon naman, career?

"I like your bracelet, Cha! San mo nabili?"

Tinignan ko yung bracelet na suot suot ko. "I don't really know. Regalo lang kasi 'to sa'kin eh."

"Nino? Ayieee, ng asawa mo no?"

I smiled. "Yeah, he gave this way, way back."

* * *

3rd year college. December.

"Ooh. End of the world na ba?" Ngumisi si Maggie at umupo sa kama ko habang pinapanood niya ko sa ginagawa ko.

Tinatanggal ko kasi lahat nung pictures namin ni Zeke na dinikit ko sa dingding ng kwarto ko. Iniipon ko din lahat ng mga remembrance and other stuff na galing sa kanya. Nilalagay ko lahat ng 'yun sa isang box.

Tinaasan ko ng kilay si Maggie. "End of the world ka diyan?" 

She shrugged. "Himala at tinatanggal mo lahat ng 'yan. Asan na 'yung, 'magkakabalikan kami ulit someday' na motto mo?"

"Tse." Tumingin ako sa paligid. Nope. Wala nang kay Zeke dito. Dumiretso naman ako sa closet ko at kinuha yung isang hoodie at isang tshirt ni Zeke na binigay-slash-inangkin ko nung kami pa. Nilagay ko rin yun sa box. "Eto na lang lahat no?"

"Yep. Ano bang gagawin mo diyan? Iuuwi mo sa Garay next week?" Next week na yung simula ng Christmas break namin. Friday ngayon at wala na kaming klase at Christmas celebration na lang na school namin.

"Oo, para maibalik ko na lahat 'to kay Zeke next week."

"May nakalimutan ka."

"Huh? Alin?"

Chasing Mr. Right [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon