Broken hearted na pumunta si Lacey Edwards sa Pilipinas. Nang una, bakasyon lang ang nasa isip niya pero talagang napahiya siya sa ginawa sa kanya ng karibal at kaaway niya sa lahat ng bagay: beauty, body, brain, popularity, and kay Aaron. Masyado siyang pinahiya ni Tara sa karamihan at masyado siyang nasaktan sa ginawa sa kanya ni Aaron.
Napagpasyahan niyang ayusin muna ang sarili sa Pilipinas bago bumalik sa Illinois. Hindi sa tinatakasan niya ang lahat ng kahihiyan dun pero kailangan niyang planuhin ng mabuti ang lahat at habang pinaplano yun ay kailangan niya pa rin mag-aral dahil dalawang kompanya ang nakasalalay sa kanya.
Doon niya naman nakilala ang mga Mean girls na sina; Hailee Maggi Conanan, Batsheba Vinluan at Elissandra Cruz na inggit na inggit sa kanya dahil nasa kanya ang lahat na inaasam ng tatlo. Magiging kaibigan o kaaway niya kaya ang Mean Girls?
Makikilala niya rin sina Jacob Salazar, Nathaniel Rivera at Lawrence Andrada na kinahuhumalingan ng lahat ng babae sa paaralan na papasukan niya na lalong-lalo na ng Mean Girls. Nagustuhan naman siya ng tatlong lalaki at sinuyo pero, sino kaya ang maswerteng mapupusu-an niya sa tatlo?
Matutuloy pa kaya ang mga plano niya sa pagbalik niya sa Illinois? O ma-iinlove na siya dito sa Pilipinas?
*Votes and comments will be highly appreciated.*