Chapter 2

13 0 0
                                    

HAILEE’S POV

“Hi girls, please make punta sa coffee shop. I’m on my way there. I’m bored kasi dito sa bahay.” Text ko bago ko binuksan ang kotse ko at nagdrive papuntang coffee shop. Tambayan namin malapit sa school.

Nandito na ako ngayon sa parking area ng coffee shop. Nakita ko ang sasakyan ni Elise at Sheba kaya tiyak kong nandito na ang mga yun. Magre-re-touch lang ako sandali dito sa sasakyan at papasok na sa loob.

 “Hailee!” Rinig kong tawag sa akin ni Sheba. Kahit kailan talaga eskandalosa tung babaeng tu parang hindi anak ni Senator Vinluan. Napatingin naman ako sa kung saan nanggaling ang boses ni Sheba at agad ko siyang nakita na kasama si Elise na nakaupo sa mesa na malapit sa counter. Tumungo naman ako sa direksyon nila.

“Hi” Nakita kong tumayo at humalik sa pisngi ko si Elise. Talagang ang babaeng to oh, napakahinhin talaga at talagang may poise sa kahit anong ginagawa niya. Hindi ko naman talaga siya masisisi eh, ikaw ba naman ang anak ni Eleonore Cruz, na isang beauty titlist at Alejandro Cruz na isang supermodel actor ang tatay mo eh, ewan ko lang kung hindi mag-uumapaw ang class sa katawan mo eh.

 “Hi!” Si Sheba ay tumayo din at humalik.

“So, how’s the vacation girls?” tanong ko ng makaupo ako sa tapat nilang dalawa.

“Hay, naku! Ano pa ba? E, di walang katapusang pangampanya.” Sabat ni Sheba. “Hanggang ngayon nga pag naiisip ko ay parang nahihilo pa rin ako sa pagod.” Bumuntong hininga siya at nagsalita ulit. “Pero, worth it naman. Nanalo si papa kaya salamat din sa mga tulong niyo girls.”

“Parang iba ka pa kina mommy’t daddy sheb. Okay lang yun nu.” Sabi ni Elise.

Sinuportahan kasi ng isang Eleonore at Alejandro Cruz si Senator Julio Vinluan sa pangangampanya nito at siguradong malaki ang naitulong nun sa kandidato nito.

“Tama si Elise, you’re like a sister to us na nu. So, don’t worry about it na. Congratulate tito Julio na lang for us. Okay?” Sabi ko naman. Tinulungan din siya kasi ng daddy. Kinausap ng daddy ang lahat ng mga trabahador namin sa factory na tulungan si Senator Vinluan dahil malaki rin naman ang naitutulong ng papa ni Sheba sa kompanya.

“Okay. And speaking of that, invited kayo sa Victory Party ni papa ha. Tell tita and tito, okay?”

“Of course.” Sabay namin na sabi ni Elise.

Since grade school ay magkasama na kaming tatlo, classmates kami noon pa at hanggang ngayon kaya naman kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa. Kaya ganoon na lang nagmamalasakit ang mga pamilya namin sa isa’t-isa.

“So, you girls, ready and excited for college life?” rinig kong sabi ni Elise.

Oo nga pala, college na kami sa pasukan at excited na ako sa mga bagong mukha sa campus pero siempre hindi pa rin kami papatalo sa mga bagohan nu.

“Duh, Elise!” rinig kong sabi ni Sheb. “Ready? Absolutely yes but damn, excited? What the hell? Why would I? Stupid question there, huh?” Nakita ko pang umirap si Sheba at inirapan din siya ni Elise.

 “Sheb has a point Lis. Why on hell na ma-e-excite kami for school? St. Jo will always be St. Jo that we used to know.”

Pagkasabi kong yun ay nagkibit-balikat na lang si Elise. Paano ba naman kasi kami ma-eexcite, eh, makakatanggap na kami ata ng loyalty award dun sa St. Jo.

“But, girls, my point is, college life na tu ah nu. Maraming bagohan, and you know naman when we speak about college ay walang panama ang ibang schools sa St. Jo nu. Kaya tiyak kong magsisilipatan ang mga varsities ng ibang high schools dito.”

Nagpalitan na lang kami ng tingin ni Sheb. May point din naman itong si Elise. Isa ang St. Jo sa papangarapin mong pasukan sa college, yun ay kung afford mo ang tuition fees. Tanging may mga sinasabing tao lang ang nakakapasok dito.

Uminom ako sa kape ko at nagsalita, “Pero girls, whatever happens, mag-sta-stand-out pa rin tayo sa iba, okay?

“Of course, wala naman ata sa vocabulary ko ang magpatalo.” Sabi ni Sheba.

“Mas lalo na—“ sagot ni Elise na hindi na naituloy at mukhang na tulala sa kung ano man ang nakita niya sa likuran ko. Napatingin din dun si Sheba kaya tiningnan ko na rin.

May babaeng papasok sa coffee shop na  blonde na naka-wavy curls ang mahabang buhok. Maganda at sexy ito. Pero mas nakaagaw ng atensyon ko ang hawak niyang bag, isang designer handbag ng Prada na gustong-gusto ko.

Napasunod kami ng tingin sa kanya sa counter at nagkakatigan. Palipat-lipat ang mga mata naming tatlo sa isa’t-isa na parang hindi namin alam ang sasabihin sa nakita. Nang hinanap ng mga mata ko ang babae nakita ko ay naka-upo na pala sa katabing mesa namin.

Nakita kong tinitigan siya ni Sheba kaya tinitigan ko na rin. Nakita kong bluish-gray ang mga mata nito kaya tiyak akong half-filipino lang ito at may lahi itong banyaga na sa tantiya ko ay ka-edad lang namin.

“Whoa! That gold traditional watch ng Piaget oh.” Narinig kong mahinang sabi ni Sheba para hindi marinig ng babae sa tabi.

“Ang sandals nga eh Christian Louboutin pa.”

“And that Hermes leather bracelet.”

“And the belt.”

Nanatili pa rin akong walang kibo at patuloy pa rin na mina-mataan ang babaeng nasa tabi namin. Ang lahat naman kasi ng gusto ko ay nasa kanya na at ginagamit lang sa ordinaryong araw na ito? Ganoon ba siya ka-yaman? O sadyang, mahangin lang ito at dapat talagang ipakita na may kaya siya sa buhay.

May mga Christian Louboutin’s shoes din ako pero hindi ko ginagamit ang mga yun kapag walang mahalagang okasyon, ganun din yung mga designer bags ko, pero sa kanya parang wala lang talaga. Nakita ko pang itinabi lang niya sa kape niya ang Gucci designer wallet niya na parang walang paki-alam kung mamantsahan man ito ng kape.

Inggit na inggit man ako sa babaeng nasa kabilang mesa ay hindi ko pinapakita sa mga kaibigan ko, paano ba naman kasi, ka-edad lang namin siya pero talo niya pa ang mga CEO ng mga kompanya sa mga mamahaling gamit na mayroon siya.

“Hailee?” tawag sakin ni  Sheba sabay snap ng mga daliri niya sa harapan ko na nakapukaw naman sa akin sa mga iniisip ko.

“Yes?!” Padabog kong sabi.

“You’re still with us? Masyado ka atang tulala diyan?” tanong naman ni Elise.

“Of course nu.” Patawa ko pang sagot. “So, after natin dito let’s go shopping? Or what?” tanong ko sa kanila. Sa tingin ko kailangan ko talagang makapamili ng mga bagong gamit for school.

*Votes and comments will be highly appreciated*

MEAN GIRLS AND LACEY EDWARDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon