Chapter 3

12 0 0
                                    

ELISE’S POV

Nandito na kami ngayon sa parking lot ng mall, sasakyan na lang ni Sheba. Siempre nakaagaw naman kami ng pansin mula sa karamihan. Ikaw ba naman ang sakay ng maganda at mamahaling sasakyan ng Mercedes-Benz na SLR McLaren eh. Nagre-retouch pa rin sina Sheba at Hailee at kakatapos ko lang kaya tumingin-tingin na muna ako sa paligid.

“Whoa!” Sabi ko ng mahagip ng tingin ko ang sports car na tiyak kong pa-park sa gilid ng sasakyan namin. Napatingin naman sa akin si Sheba at Hailee na kakatapos lang din naman mag-ayos.

“Hu-wow!” Hangang-hanga na sabi rin ni Hailee.

“The Ferrari Laferrari.” Sabi ko. “Diba yan ang gustong sasakyan ni Jacob, Sheb?” tanong ko pa sa kanya na hanggang ngayon ay naka-nganga pa rin. Napatango na lang siya sa akin na halos nanlalaki ang mga mata sa bumaba sa sasakyan at pati rin ako ay hindi makapaniwala.

“Bitch!” Mahinang sabi naman ni Hailee na hindi rin makapaniwala na babae ang nagmamaneho at ang babaeng yun ay ang may hawak ng designer handbag na gustong-gusto din niya.

“Napaka-swerte naman ng babaeng ‘to oh!” Sambit ko na lang na napatungo sa babaeng papasok ng mall. Tiningnan ko si Hailee na masama ang tingin sa akin, ayaw na ayaw kasi niya na may mas nakakataas sa’ming tatlo especially sa kanya.

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Sheba na masama din ang tingin sa’kin. Itinaas ko naman ang mga kamay ko na parang tama na, pasensiya na, binabawi ko na ang sinasabi ko. “C’mon girls. Pasok na tayo?” tanong ko pa.

Sumunod naman sila sa akin pero makikita mo pa rin sa mga mata nila ang halong galit at parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayong hapon.

Wala pang may nakakatalo sa’min, I mean nagsta-stand-out kami sa lahat ng bagay, sa ganda, ka-sexyhan, yaman, popularity at pati na rin sa pagandahan ng bag, damit at sapatos lalong-lalo na sa sasakyan, ngayon pa lang talaga. Nakukuha namin ang lahat ng gusto namin. Pareho kaming nag-iisang anak kaya nga kapatid na ang turingan namin isa’t-isa.

Napatakip ako ng bibig ng sinabi kong, ngayon pa lang, sinabi ko ba talagang ngayon pa lang? Mabuti na lang at sa isip ko lang nasabi yun dahil kung narinig yun nina Sheba at Hailee siguradong sabunot ang makukuha ko.

“Parang nawalan na ako ng gana magshopping, mag-o-online shopping na lang ako mamaya.” Sabi ni Hailee na bagsak pa rin ang balikat.

“Ako rin.” Sabi naman ni Sheba.

Ngayon ko lang nakitang walang gana ang dalawang ‘to magshopping, nakakapanibago ah! Ikaw ba naman kasi ang makakakita ng mga inaasam mong bagay sa isang tao lang. Nakaka-lula. Nakakahanga talaga ang babaeng yun. Isipin mo yung, flat sandals pa lang, Christian Louboutin na. Wallet na Gucci at Prada Designer handbag tapos ang leather bracelet, Hermes pa ah at ang belt. Tapos ang sasakyan ay Ferrari Laferrari.

“So, saan na tayo ngayon?” tanong ko sa kanilang dalawa na parang balisa pa rin.

“Uuwi na lang ako. Nakaka-walang gana.” Sagot ni Sheba.

Sabagay, kung ako man din sa kanya eh, mawawalan din talaga ako ng gana. Mahilig kasi si Sheba sa sasakyan kaya nga nagkagaanan sila ng loob ni Jacob Salazar na isang car racer. Nagkakilala sila noong 3rd year high school kami dahil sa political meeting ng pamilyang Vinluan at Salazar. Simula noon, mas naging hilig ni Sheba ang sasakyan kaya nga bumili agad ito ng SLR McLaren nang nakaraang pasko kasi nakita niyang mas maganda ang sasakyan ni Leila sa kanya at interesado doon si Jacob. Ayun, ayaw magpatalo.

MEAN GIRLS AND LACEY EDWARDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon