three

82 1 0
                                    

Hi kay Mushy o Aprille o kilalang @BadRille, para  sayo itong chapter na ito.

I love military guys.... Hahaha. Nabaliw na ako.

________

Hindi pumalya si kumag na supresahin ako sa nakalipas na tatlong araw. Yes bebegurl! You heard it right, oo nga't hindi niya ako naihatid noong isang hapon kasi may inasikaso sila ng kambal niya.

Pero sa nakalipas na tatlong araw na iyon ay medyo pagod ito. Halata namang pinipilit niyang hintayin na  matapos ang duty ko para lang maihatid ako ng matiwasay sa bahay. Ganda ko eh!

Friday ngayon and it's TGIF talaga ang mga tao ngayon. Puno ang bar ni Bossing, meaning pagod nanaman kami ni Elo nito. "Mukang mapapagod tayo ngayon Elo, ki dami naman kasi ng tao ngayon oh..." Alas diyes pa lang ng gabi pero puno na ang bar.

"Don't you like that? Maraming tips?" Sabay kiskis ni Elo ng daliri niya. Natawa naman si Lindsey sa sinabi ni Elo. Kayod kung kayod kasi ang kaibigan niyang kasama sa likod ng bar counter. "Wala pa ata si Loir, ten na ng gabi. Karaniwan naman iyong dumarating ng eight kapag hindi kayo magkasama ah?"

Napansin na din ni Lindsey iyon. Pero ikinibit balikat niya lang, baka kasi pagod nanaman ito sa trabaho niya. Nalaman niyang may pinapatakbong kompanya si kumag kaya hinayaan na lang niya.

"Hayaan muna. Nga pala..." May kinuha ito sa bag niya sa ilalalim ng paanan niya at ibinigay kay Elo, "galing kay bossing, gumawa daw tayo ng timpla at ng mailagay sa pwedeng i-serve dito sa bar"  bote iyon ng isang alak. Lambanog at galing daw sa bayan ng Naguilian sa La Union.

Tinanggap naman ni Elo ang bote at nagsimula ng magtimpla..este.. magexperiment. Mukang sila nanaman ang iinom non. Matapos gumawa si Elo ay binigyan siya nito ng isang baso na may kulay na blue at dahon ng mint. "Tawag mo dito? Baka naman sumakit agad tyan ko?"

"Ewan ko sayo Lin. Bottoms up?" Sabay nilang nilagok ang laman ng baso. Dumaloy ang mainit pero swabeng pakiramdam ng alak sa lalamunan nila. "What do you think to blue's maiden" tanong ni Elo.

Isang approve naman ang sagot ni Lindsey rito dahil masarap ang lasa ng ginawa ni Elo sa alak. "Ayos din!  Avatar inspired ba?" Tumawa lang si Elo rito at si Lindsey naman ang gumawa ng mix. Kumuha si Lindsey ng pitong klase ng alak at isang passion glass kung saan naglagay ito ng shots ng iba't ibang klase ng alak at ng lambanog at nilagyan ng tatlong piraso ng ice at hinalo. Inilagay niya ito sa counter pansamantala dahil may umoorder ng alak at inasikaso muna niya ito.

Ng balikan niya ang ginawang mix ay wala na ito sa counter. "Teka na saan na? Dito ko la---" natigil ito ng makitang ibinada ng lalaking nakasuot ng puting v-neck fit shirt ang baso kung saan niya ginawa ang mix. "Oi, bakit mo ininom?" Tanong niya.

Kumunot ang nuo ng lalaki at napailing at hinawakan ang ulo. "I ordered whiskey, what did you put on my drink lady?" Nakailang ulit pa itong napailing bago niya natitigan ang asul nitong mata. Sa sobrang pagkaasul nito ay parang lumiliwanag ito sa dilim. "Oh never mind, whiskey on the rocks, triple" the man said to her.

Mabilis na tumalima si Lindsey sa sinabi ng lalaki at gumawa ng order at inilapag sa harap nito. Magandang lalaki ito. Sobra. Square jaw, clean shave, thick brows, pointed aristocratic nose and messy brown hair. So all in all, gwapo talaga ang lalaki. Halatang dayuhan ito.

"Hey man! We're been looking for you. Sizat got something for us" sabay akbay ng isa pang gwapong lalaki rito.

Diyos ko day! Mamamatay na ba ako bukas at nag sisilabasan na ang mga gwapo ngayon sa harap ko?

"Fuck..let me guess, his ready to fuck again?" Sinabi iyon ng may asul na mata sa kasama niya. "Hey beautiful, gin here please" sabay sabi ng kasama nito sa kanya at ginawan niya ito ng gin.

Whipped By The Sexy BartenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon