Sino ka?

107 1 0
                                    

Saying I'm your man... you're my girl...

__________

Mahigit isang linggo na ang nakakaraan ng makaalis na sina bossing at Tito para sa operasyon niya. Nakakamiss din sila. Lalo na si Tito dahil walang maingay at kumukulit kay Migs kapag nasa bahay kami. Sana maging okay na talaga si Tito at makauwi na agad sila dito.

"Lin, we have applicants. Should i tell them to come upstairs?" Elo said. Oo nga't naipaalam ko na kay bosing ito kaninang umaga ng tumawag siya sa akin. Tumango ako kay Elo.

Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong kalalakihan...pero natigil ang tingin niya sa pinakahuling pumasok. Pamilyar ang lalaki, dahil ito iyong uminom ng ginawa niyang Diablo na inumin na may lambanog. Hmmm Shaw.

"Resume please" agad niyang binasa ang unang applicante niya. "Okay, HRM grad. Fresh grad pero nakapagtrabaho ka na ba as waiter?"

"Yes ma'am"

Tumango tango siya. Nagsulat siya sa isang note pad at ibinigay ito sa lalaki. "Hired. This is your schedule and other things to know. You may go"

Bumaling siya sa pangalawa, waiter din ang inaaplayan niya kaya agad niya itong tinanggap dahil may experience naman ito ganoon din ang ibinigay niyang schedule. Ng bumaling siya sa pangatlo ay nakakunot ito ng noo. Aba!

"Hindi kita tatanggapin. Umalis ka na" sabi niya sa lalaki. Eh sa suot pa lang niya ay mukang mayaman ito. Hindi na niya isasali ang Calvin Klein nitong pabango ha.

Mas lalong kumunot ang noo ng kaharap. Malamang dahil hindi siya naiintindihan nito. Hindi nga siya marunong manangalog diba?

"No. I need this job. I'm a fast learner" he said seriously. "Please talk in english lady" he also demanded.

Napalatak si Lindsey dahil doon. Ito lang ata ang nakita niyang demanding na aplikante.

"harika" She suddenly blurted out.

Siya naman ang kumunot ang noo. What was that? Pwes, hindi niya alam. Tumikhim siya at tumingin sa harapan. "Mister, why should i hire a man who can obviously rich before me?" Tinuro niya ang relos nito. "That's a Rolex. So why?"

Imbis na sagutin siya ng lalaki ay humilig ito sa upuan at matiim siyang tinignan ng lalaki. Nailang naman siya dahil doon at tumikhim ulit. "I want to relax that's why. So am i hired?" He said using his boritone voice that can definitely sway any woman.

Kinuha niya ang resume nito at binasa. Wala doon ang hinahanap niya sa isang aplikante. Nagtapos ito sa sikat na unibersidad sa america tapos magaapply ito bilang bartender? Sinong niloko ng lalaki, siya? Kakat'wa.

"No. You're too over qualified Mister"

"Call me Leon, Shaw any will do woman"

Dominante ang lalaki. Iyon ang nakikita niya sa aura nito. Sumasakit tuloy ang ulo niya dahil rito hindi dahil sa mukang ayaw magpatalo ang lalaki kundi dahil sa sinabi niya kanina. She sighed deeply. She pointed the corner, doon sa mga may nakahelerang alak sa maliit na bar area.

"Make five kinds of cocktail mixture. Let's see what you got. If you can then i'll hire you" panghahamon niya sa lalaki.

Tumayo ito, grabe ang tangkad naman nito. He walked with such confidence to himself. Naguumapaw nga eh. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang ginagawa nito. Well, alam niyang wala itong magagawang matinong cocktail kasi hindi naman ito marunong 'no. Yes! Tama.

Tumingin siya sa kanan at alas nuebe na pala ng gabi. Maingay nanaman sa labas nito. Mahirap pala mag-manage ng bar. Lalo't high end bar itong pansamantala niyang minamanage.

Whipped By The Sexy BartenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon