Sulat sa Tag-Puan

25 0 0
                                    

Sa isang araw sa panahon ng tag-init, kapag naririnig ang huni ng mga kuliglig; ang tunog ng hangging huhampas sa berdeng damuhan. Napaka gandang araw upang mabuhay. Kinuha at sumakay ako ang aking bisikleta, pababa sa kalsada, ginawa ko ang bagay na aking ginagawa. Ako'y lumabas.

Habang ako'y nasa aking bisikleta, naglalakbay, aking nakita ang mga pamilyar na tindahan, lugar, mga tao at mga aktibidad.

Sa sulok ng aking mga mata, nasulyapan ko ang isang babaeng nakaupo sa tabing-ilog, nakatingin lamang sa tubig na para bang may inaantay. Ginawa ko ang lagi kong ginagawa, pinagpatuloy ko ang aking paglilibot at siya'y hindi ginambala.

Nung sumunod na araw, muli ko siya'y nakita, at ng sumunod na araw, at ng mga sumunod pang mga araw.

Para bang siya'y nag iintay na hugutin nga tubig at dalhin ng mga agos nito palayo sa mundong ito; papunta sa ibang lugar. Ginawa ko ang bagay na hindi ko pa ginagawa. Ako'y naglakad patungo sa kanya.

Walang hiwaga ang tubig na iyan. Walang mangyayari pag iyo'y tinitigan lamang, aking sinabi sa dalaga.

Siguro hindi niya inakalang maykakausap sa kanya kaya't siya'y nagulat at muntikan pang malaglag sa tubig. Ng kanyang maayos ang kanyang tayo, siya ay lumingon sa akin. Kanyang mata na kulay tanso; napakahabang itim na buhok. Ako'y kaagad na bighana ng kanyang ganda.

"Nagiging kalmado ang aking pakiramdam kapag aking ito'y tinitignan," kanyang sabi sa akin.

Ako'y di makapag salita. Walang magawa kung hindi tumitig sa kanyang mukha. Kanyang mga ngiting nakabibighani.

"Ako nga pala si Dina, ikinagagalak kitang makilala," sabi ni Dina.

Sa loob ng mahigit isa't kalahating buwan, ako'y lagi nang nakipag kita sa kanya upang maglakbay sa iba't ibang lugar. Isang beses pa nga'y kami'y nahulog sa isang ilog habang natakbo, kami'y basang basa pagkauwi sa aming kapwa tirahan. Habang tumatagal kaming magkasama, patuloy ang pagsibol ng aking nararamdaman sa kanya. 

Kami'y minsan nag-away, hindi nag-pansinan o magusap man lang, at umuwi sa aming tahanan nagtatampo sa isa't-isa. Ngunit ng dumating ang sumunod na araw patuloy parin kaming nagkikita sa aming tagpuan, at sa huli'y nagtumawa na lamang sa isa't isa. 

May mga oras na pakiramdam kong may gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya ito matuloy at sa halip ay nag kwekwento na lamang siya ng iba't ibang istorya. Kaya't di ko nalaman ang kanyang sasabihin hanggang sa huli.

Dumating ang oras na kung saan ako'y pumupunta na lamang upang makita siya, dahil alam kong magtatapos ang kaligayahang ito kaya't aking binibigay ang lahat upang makasama lamang siya. 

Pagkatapos ng napakasayang araw, hindi ko na muli siyang nakita sa aming tag-puan. Siya'y na wala ng walang paalam; nawala ng parang abo; dumaan na para bang hanggin. Hindi ko alam kung makikita ko siya muli sa aming tagpuan, kaya't ako'y laging pumupunta araw-araw; nagiintay oras-oras; umaasa minu-minuto.

Habang nagaabang at nakaupo; pinapanood lumubog ang araw, aking naramdaman, nakabaon sa lupa ay isang kahoy na tila may laman sa loob. Aking hinukay ang kahoy na ito at nakita ang aking pangalan, nakasulat sa katawan nito. Agad ko to'ng binuksan at sa loob ay isang sulat. Laman ay salitang isinulat ng aking babaeng minamahal at iniintay, ito'y galing kay Dina.

Hindi alam kung anong laman ng sulat na ito; anong mga salitang aking makikita, agad kong binuksan ang sulat.

Iba't ibang ideya ang pumasok sa aking isipan kung ano ang laman ng sulat na ito habang ito'y binubuksan. Maaring mga saloobin niya sa akin; maaring siya'y nagalit sa akin, mga pangyayaring aming ginawa o maaring hindi ginawa, baka ang mga salitang gusto niyang ipahayag at sabihin ng mga oras na iyon, o kaya't kanyang rason sa pag alis ng walang paalam.

Aking binasa ang laman nito, at sa bawat salitang aking binabasa, hindi ko mapigilan ngumiti at tuluyang tumawa. Ako'y sumambulat sa tawa.

Nang pagtapos basahin ang sulat, ako'y napa tingin na lamang sa kalangitan at sinabing:

"Ikinigagalak rin kitang makilala Dina, Ako nga pala ay si Kale," at tsaka sinarado ang sulat, at naglakad papalayo sa aming mumunting tagpuan.

FIN.

Sulat sa Tag-InitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon