Tula 1: Nagraragasang Alon

0 1 0
                                    

Gusto kong balikan ang panahon
Kung paano bumabalik sa dalampasigan ang alon
Para akong lumulutang sa loob ng isang kahon
Hindi ko alam kung kakayanin ko bang lagpasan lahat ng hamon

Pinipilit kong tumakas mula sa gabing madilim at bumangon
Iniisip na di ko na kayang tahakin lahat ng balakid ng buhay,
At wala ng ibang paraan kundi tumalon
Tumalon at asahang mababalik pa lahat ng mga maling desisyon

Araw araw pakiramdam koy ako'y nalulunod at tila hindi ko na kayang umahon
Nagtataka, nagtatanong kung mabibigyan pa ba ng pagkakataon
Na ang puso ay mabigyan ko ng atensyon
Katulad ng kung paano pagmasdan ang nahuhulog na barya sa loob ng isang balon

Pero dumating ka, dumating ka't ginising mo ako sa pagkakatulala
Tinulungan mo akong bumangon at kayanin lahat ng hamon at maging masaya
Tinulungang magdasal sa alapaap at iwanan na ang pagpapakatanga
Hindi ko alam nung una kung ba't nakilala pa kita
Pero ngayon alam ko na

Ikaw kasi yung rason kung bakit araw - araw kaya kong bumangon
At ikaw naman ang tumutulong sa aking umahon mula sa mga nagraragasang alon
Tinulungan mo akong makatakas mula sa pagkakakulong ko sa apat na sulok ng kahon
At pinakita mo sa akin na wa'g sumuko at kayaning bumangon

Tumagal ang ating pagkakaibigan ngunit alam kong nararamdaman moy higit pa diyan
Ngunit pasensya na, galing lang ako sa pagiging wasak kaya hanggang diyan lang muna
Kahit na kaibigan lang ang turing ko sayo inaalagaan mo parin ako at nererespeto
Tila ulap at ulan lang tayong hindi na kailanman magkakalayo

At habang nakatitig sa asul na kalangitan
Masaya akong isang taong katulad mo ang magbibigay ng milyon- milyong rason upang akoy lumaban
Pero bakit ang mga yumayabong na alaala'y tila malapit nang mawala
Nang malaman kong ika'y kukunin na ni Bathala

E, bakit ngayon pa, ngayon pa na mahal na kita
Ngayon pa na nalaman ko nang kailangan kita
Ngayon pa na ako na'y masaya at tila nakatira malapit sa mga tala
Ang matatamis na tawa'y mapapabilang na lang ba sa ating mga alaala?

Alam kong hindi ko kakayaning haraping mag- isa ang lahat ng hamon
Parang gusto kong bumalik ang panahon at pigilan ang pag-iyak ng mga luhang tila ambon
At kahit tayo'y hindi na magkikita, sana'y maging masaya ka parin doon
Alalahanin nating muli ang pagkikita natin sa nagraragasang alon.

Salitang Mula sa TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon