Tula 2: Pagpatak ng Ulan

1 1 0
                                    

Sa bawat pagpatak ng ulan
Ay luha ng isang taong nasasaktan
Sa bawat pagpatak ng ulan
Ay isang maling desisyong iyong pinagsisisihan

Sa bawat pagpatak ng ulan
Ay panibagong aral na iyong matututunan
Sa bawat pagpatak ng ulan
Ay isang alaalang hindi mo malilimutan

Sa bawat pagpatak ng ulan
Ay pagbangon mo mula sa putikan
Sa bawat pagpatak ng ulan
Ay isang taong maaari mong tulungan

At sa pagtila ng ulan
Ay mga luhang iyo nang napunasan,
Paghupa ng iyong nararamdaman
At muling pagbangon ng isang taong minsan rin ay nasaktan

Sa pagtila ng ulan
Ay mga pangarap na unti unti mo nang makakamtan,
Mga problemang hahanapan mo na ng paraan
At mga taong dapat mong tulungan

Sa pagtila ng ulan
Ay bagong buhay na iyo ng sisimulan
Mga karanasang iyo nang susubukan
At mga kaalamang iyo nang bubuksan

Lahat ng iyan ay mangyayari lang tuwing papatak ang ulan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salitang Mula sa TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon