"Well you only need the light when it's burning low. Only miss the sun when it starts to snow.
Only know you love her when you let her go." (let her go - passenger)
Unknown number. Calling...
"Hello Sino to??" Ako
"Hi Akiel! Issan Espanto 'to! Bagong number ko, save mo na lang. Buh-byeeeeeee!!" tapos binaba niya na yung tawag.
Parang timang? pwede naman itext na lang ako, tumawag pa.
"AKIEL!!"
"Ano?!! At bakit ka nandito?" ako
"pinapatawag ka na nila mommy sa 1st floor! Kumain ka na daw! Ewan ko ba kung bakit sakin ka pa pinatawag! bumaba ka na doon. Hinihintay ka na nila." sabay labas at balibag ng pintuan ko. aba uki3 ah!
haaaaaaaaaaaay. buhay. Sino yon? Ate ko yon.
Bumaba nako. Nag elevator ako. Hello! Nasa 4th floor kaya ko ng bahay namin. Nakakatamad gumamit ng hagdan. Teka teka.
Papakilala ko muna sarili ko kahit ayoko. Sympre kailangan niyo din malaman kung sino ako diba.
Ako nga pala si Kae Akiel Scott, 17 years old. Sa Adison University ako nagaaral. 2nd year, college student. turning 18 sa January 15. Okay na ba? Wanna know more about me? Read this story.
"Im here. " ako
"Kae Akiel. ano yung sinasabi sakin ni Jing na hindi ka daw pumapasok sa klase?! Na nakita ka daw niya kasama boyfriend mo sa empty room na kahalikan mo siya? Kailan ka ba titino?!! katulad ngayon! bat hindi ka pumasok sa unang klase mo?!" bakit ba tinatamad ako eh.
"Ma. Hindi totoo yun. -_-"
"Na kahalikan mo boyfriend mo?"
"Hindi totoo na boyfriend ko yun."
"Hay nako anak! kailan mo ba ko bibigyan ng magandang buhay. Halos araw araw may nasasabi tungkol sayo. Kung sino sino nalang kahalikan mo. Ang ganda ganda mong babae tapos ganyan ka?!"
"Wag mo na kong intindihin ma, alam ko ginagawa ko. Kaya ko sarili ko. asikasuhin mo na lang po yang trabaho mo."
"Anak magbago ka na, Matanda ka na kaya nga alam mo na ginagaw--------"
"Sige ma, Alis na ko."
di ko na siya pinatapos. Ang daldal eh. papasok na lang ako. Mas okay pa sa school kaysa dito.
pumasok na ko sa kotse.
"Kuya gie! Ihatid mo na ko sa school. Pakibilisan."
hindi na siya sumagot dahil alam niyang badtrip ako. ta3 naman kasi eh!
naging ganito attitude ko simula nung nagbreak kami ng ex-boyfriend ko.
THROWBACK....
First day ng klase, eto ko ngayon. Nasa canteen. Pakain kain. Hahaha ^_^ Mga tao dito makikita mo, pag lumingon ka sa kaliwa. May naghaharutan (naglalampungan). Sa kanan, may nagaaral. Sa likod, may naglalaro parang bata. -.- sa harapan ko ngayon, may nagkukumpulan. Teka? Ano nga bang meron? pero sympre, wala akong pakielam. May sarili akong mundo.
"Hi girl. Pwede kaming makiupo? Wala na kasing bakante eh. May kasama ka ba?"
"Uhm. wala naman. sige upo lang, di ko naman pag mamay-ari to eh." ako
"Oo nga pala. Ako si yesha." sabay ngiti at nakipagshakehands sakin.
"Ah. okay. Ako si Kae. Pero tawagin mo nalang akong Akiel. Sila? Sino sila?" ako
"OY! Magpakilala nga kayo, kayo na nga lang tong nakikiupo eh." yesha
may tumabi sakin. nakipagkilala siya.
"HI! Ako si issan espanto. ^_____^ Tawagin mo kong issan. :)"
"AKO NAMAN SI GELAI! Gelai labajo. Ela nalang itawag mo sakin. :)"
"Ako naman si Ching. At siya (sabay turo sa katabi niya) naman si denisse."
"Ako naman si Kae akiel. :)"
tiiiiiiiiiiiingggg. tiiiiiiiiinggggggggg
opps! umpisa na ng klase. kailangan ko ng tumayo dito sa inuupuan ko. baka maistock na ko dito, kanina pako nakaupo. -.-
"Kae! Anong year mo na pala? At saan room mo?" tanong sakin ni yesha. yesha ba yun?
"Ay. 3rd year. section leo. Kayo? anong year niyo na?"
"Pare-parehas pala tayo kae eh! 3rd year din kami. Tara, sabay ka na samin. :)" yesha
at ayun nga. sumabay na ko sa kanila. hindi ko naman alam tong pasikot sikot dito eh. Mamaya malate pa ko. hahaha! oo nga pala, 7:20am ang pasok namin. At 6:30am nandto na ko sa school. Hahaha aga diba? Mabait na bata eh. ♥ ngayon, nandto na kami sa hallway? Oo, hallway nga ito.
after 5 mins.
nandito na kami sa classroom. nays naman! Ang laki. hahaha, marami rin kasing estupidyante. :D dito kami umupo sa may dulo. mayamaya, pumasok na ang aming teacher. Adviser namin. ^___^
"GOODMORNING MAAM!!"
"Goodmorning class! Im miss, ruth ellen abines. Call me ma'am ruth nalang. :) so let's start! Introduce yourself with your favorite color and food. Motto also. Magumpisa tayo sa likod. You! Yung mayroong, headband sa ulo na kulay pink."
"Ako maam? O.o" hala? si yesha? ahahaha. buti nalang ako ung pang anim sa kanila. :D kinakabahan ako. -_-