Chapter 4: Masakit eh !

177 14 0
                                    

Chapter 4: Masakit eh !

Louisse's  POV

"Ahh-ahh- hooh. Masakit, tama na Louisse, ahh-ouch!"

Bwisit na Nathan 'to ! Ungol ng ungol, eh kasalanan naman din nya. -_-

Nandito kami sa kwarto nya ngayon.

OoopsS ! Baka kung ano ng iniisip nyo ha. Wag masyadong GREEN :P

Nadapa kasi sya tsaka sumubsob yung mukha nya sa sahig kaya ayun, pumutok yung bandang labi nya..hahaha ang tanga lang kasi talaga nya !

"Tumigil ka nga sa kakaungol mo, ang pangit pakinggan !"

"Masakit eh !" Reklamo nya

Hahahahaha, natural ! Sugat eh. !! Edi masakit talaga. Aitx. Tanga talaga neto. -,-

"Ang engot mo kasi" sabi ko

"Bakit mo kasi ako hinahabol ! Tuloy nadapa ako"

"So kasalanan ko pa kung bakit ka nadapa?! Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! At sadyang tanga ka lang kaya nangyari yan sayo, di naman kita hahabulin kung hindi mo ko pinadalhan ng daga!"

"Eh bakit kasi nilagyan mo ng pandikit yung sapatos ko?!"

"Aii shangee. Sapatos mo ba yung nilagyan ko?! Yung sahig kaya"

"Kahit na ! Parehas lang yun!"

Hindi na ko sumagot, nonsense naman tong kausap ko.! Parang walang utak. !!

"Oh? Natahimik ka jan? Tama naman ako diba?"

TsS. Oo na tama ka na, bwisit. !! Ang tangang kausap, mahawa pa ko sa pagkatanga nya !

"Aray naman!" Reklamo nya

Diniinan ko kasi yung pagpupunas dun sa may sugat nya tsaka ko sya binatukan at iniwan..

  Argggrh ! Nakakabanas !!

Nakakainis yang Nathan na yan !!!

Kumukulo ang dugo ko sakanya ngayon !!

--------------------------------------------------------------------------------

Nathan's POV

Nakakaasar yung Louisse na yun ! Sabihan ba nya ako ng engot?!

Eh, sa masakit nga eh, bwisit. ! Witch nga talaga -,-

Aiitx! Nakakairita dito sa bahay ! -,-

Makalayas nga muna dito

----------------------------------------------

"Hahahahaha grabe, ang gwapo mo dude ! Hahahaha, sinapak ka ba ni Louisse? Kaya ka nagkaganyan?haha tae pare !"

Tsk ! Isa pa 'tong Carl na to. ! Akala ko naman icocomfort nya ako! Tatawanan lang pala, bwisit talaga! Nagmukha ata akong clown dito! >_<

Nandito ako sa bahay nila Carl, iniwan ko muna si witch dun,

Kabanas sya eh, parang ang laki ng pagkaasar nya sakin ngayon.

"Ha-ha-ha, nakakatawa!" Sarcastic na sabi ko

"Ano ba kasing nangyari dude?"

Kinuwento ko sakanya yung nangyare.

"Hahahahahahahaha loko ka! Tama naman si Louisse, sahig yung nilagyan nya, sa tingin mo malaglagyan nya yung sapatos mo directly? Hahaha utak dude. Kaya ka pala nagpabili ng sapatos."

So anong pinapalabas nya?! Na tanga ako ganon? Tsk. Kabanas talaga tong Carl na 'to. Bagay sila ni witch!!!

"Aray ko naman! To naman, parang di mabiro" reklamo nya, binatukan ko nga, ang ingay eh! Wagas makatawa! -,-

"Manahimik ka jan! Pengeng pagkain nyo!"

At pumunta nga ako sa kusina nila, grabe, ang dami talagang stock ng beer tong refrigerator nila,ang hilig kasi uminom ni Carl, samantalang yung samin, puro chocolate at icecream ni Louisse yung nakastock. Ang damot pa nya, di man lang mamigay eh halos hindi nga nya maubos yung mga yun. Tsk. Palibhasa kasi naispoil sya ni tito eh.

-------------------------------

Kumuha lang ako ng chips tsaka nagtimpla ng juice, feel at home lang n0h?? Wala naman yung parents ni Carl kaya okay lang,

Yung mommy at daddy nya kasi nasa ibang bansa, ate lang nya ang kasama nya dito. Pinapadalhan lang sila ng parents nila kasi every six months lang sila umuuwi.

Oh? Diba? Ang ganda ng buhay nya?. Kaya nagagawa nya lahat ng gusto nya eh.

---------------------------------

Susubo na sana ako nang, biglang nagring yung phone ko,

...Witch calling...

Bakit kaya to tumatawag. Ano nanaman kayang problema neto?!

"Oh bakit witch?!"

"Na-san~sob~ ka ~sob~?"

What the?! Bakit sya umiiyak?!

"Teka, witch, bakit ka umiiyak?anong nangyare?!"

Tinignan ko yung wrist watch ko, sh*t ! 7:30 pm na pala, baka wala pa sila dad dun, ano na kaya nangyari kay Louisse.

Hindi sya sumasagot kaya inend call ko na.

Nagmadali akong lumabas ng bahay nila Carl, hindi pa ako nakapagpaalam, ano ba yan, ang bastos ko naman ata.

Sumakay na ko ng kotse tsaka ko pinaharorot hanggang sa bahay.

Parang kinakabahan ako na natatakot na ewan, parang may mangyayaring masama. Dapat hindi ko sya iniwan mag isa, malalagot ako neto eh. !

pagdating ko sa bahay.    Agad agad akong lumabas ng kotse tsaka pumasok sa bahay,

"Louisse, nasan ka Louisse! Ow sh*t"

Pano , nadulas ako, tae ! Ang sakit ng pwet ko!! Bakit ba palagi nalang ako nadudulas at nadadapa! -,-

"Bakit ba ang ingay mo Nathan?!"

Huh? Si daddy? Nandito na sila?

"Dad, nasan si Louisse?!"

"Ayan oh, nanunuod ng t.v! bakit ka ba sumisigaw?!" Sabay turo ni dad sa may sofa kung saan naka upo si Louisse habang nanunuod nga.

"Oh, hi Nathan? :) nandyan ka na pala, nagustuhan mo ba yung surprise ko? Ang sarap madulas noh? ^_______^"

Arrrrgh!! Pakulo nanaman nya to!! Sabi ko na nga eh, may masamang mangyayari at eto na nga yun!

Ang lapad pa ng ngiti nya habang kumakaway sakin, yung kaway na nag ha-hi.

Naka-ilang prank na yang si witch ha.?! Namumuro na sya ! >>___<<

Akala ko pa naman may nangyari na sakanyang masama, sayang effort ko, sayang yung pagod, sayang yung gas ng kotse, at sayang yung pagkain ko dun kina Carl.

kahit kailan talaga mahilig mantrip netong witch na to !!

hindi ako makatayo, yung pwet at bewang ko, masakit eh. >,<

A/N: nyehehehe, short update, walang maisip eh. haha,

btw, itong story ko po is trip trip ko lang.hehe kaya nga Love trip yung title eh, pero promise, biglaan lang po tong story ko, kaya pasensya po kung boring.

sana more reads and votes naman po, nakakainspire po kasi yun eh. :)

thankyou for reading ! :')

-VL

Love Trip (On-Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя