3Chapter 8: what happen?!

76 6 3
                                    

Chapter 8: what happen?!

Jaide's POV

Kagigising ko lang, pero tanghali na ako nagising dahil tumatagos na yung sikat ng araw sa bintana.

ShemsS ! Ang sakit ng ulo ko ! Napasobra ata yung pag-inom ko kagabi. Bwisit kasi na manyak yun ! Hindi ko naman alam na nandun din sya sa bar. Tsk.

Hinanap ko muna yung cellphone ko.

Hindi ko mahanap yung cellphone ko.. tinignan ko sa side table pero wala din.. tinignan ko din sa bed pero wala talaga.. hindi parin ako bumabangon kasi nga masakit ang buong katawan ko at ulo ko..

Inaalala ko kung saan ko huling nilapag yung phone ko nang biglang bumukas yung pinto at pumasok si Mr. Manyak at sa kwarto na may dala-dalang tray.

Huh?! Teka bakit nandito yang manyak na yan ?!

"Oh, gising ka na pala. Eto oh, dinalhan kita ng tea pampaalis ng hangOver mo." -carl

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" -me

"Wow ! Ang kapal mo namang angkinin ang kwarto ko, FYI ! Kwarto ko 'to at nakikihiga ka lang sa malambot kong kama!" Sigaw nya sakin

Inilibot ko naman ang mata ko sa buong kwarto at ngayon ko lang narealize na hindi ko nga talaga kwarto 'to pero panu ako nakarating dito?

Wait.. lasing ako kagabi, at wala akong maalala ni isa.

Wag nyong sabihin na...

"Wag mong sabihing..."

tinignan ko yung ilalim ng kumot ko.. may damit naman ako, at pinakiramdaman ko yung sarili ko kung may masakit, pero wala naman, tanging upper body ko lang ang masakit.

"What happen?! May na-nangyari ba?"-me

"Panu kung sinabi kong Oo?" -sya with evil smile

Hindi, hindi pwede 'to. Malalagot ako kay kuya neto ! :'(

Naiiyak na ako dahil dun sa sinabi nya. Pano na 'to? Pano pag may mabuo? Papanagutan ba nya ako?? Huhu bata pa ako. Ayoko pa maging batang ina. TT_TT

"Joke lang ! Asa namang gagawin ko yun. Excuse me ! Wala akong balak gawin yun sa'yo at mas lalong wala akong gusto sa'yo ! Feeler ! -,-"

Tsk. ! Bwisit na 'to ! Hindi nakakatuwa yung joke nya, pero buti nalang hindi totoo yun.

"Pero iba na damit ko ?! Tsaka san mu kinuha 'tong damit? Ee pambabae 'to?! Tsaka panu ako nakapagbihis ee lasing ako? !"

Umupo sya sa couch sa gilid ng bed.

"Sa ate ko yang damit at pinabihisan kita sa katulong namin! Ang baho mo kasi ! At wag mong iisipin na tinabihan kita kagabi ! Asa ka naman!"

"Wala naman akong sinasabi ee, napaka defensive mo naman!"

Nakahinga ako ng maluwag sa mga paliwanag nya. May respeto pa pala to sa mga babae.

Umupo sya sa bed na dala dala yung tray.

"Ohh, eto inumin mo muna. Pampatanggal ng hangover mo. Iinom-inom kasi hindi naman kaya"

Iniabot nya yung tea at inalalayan nya ako uminom.

I find it sweet at nakakatuwa lang.haha

"Hindi ko alam may taglay ka din palang kabaitan, since sweet ka, pinapatawad na kita sa ginawa mo."

Napataas naman yung kilay nya. Yung parang nagtataka. Nakalimutan pa ata nya yung ginawa nya sakin. Tsk. Pero Ngumiti din naman na sya nung narealize nya siguro, ang gwapo naman nya pag nakangiti.

Love Trip (On-Going)Where stories live. Discover now