CHAPTER 1

41 5 0
                                    


"Mahal na Prinsesa..bumangon na ho kayo."
Mahinang sambit ng aking tagapagsilbi, dahang-dahang kong binuksan ko ang aking mga mata upang makita ito ngunit napapikit rin agad ako dahil sa sinag ng araw na tumatama saakin.

"Mahal na Prinsesa kailangan niyo ng bumangon.. ipinag-uutos ho ng hari.. kailangan niyo ng mag-ayos dahil may mga panauhin na magtutungo rito sa palasyo." Tuluyan na akong bumangon ngunit nanatiling lamang akong nakaupo sa aking hinihigaan. Nakapikit pa rin ang aking mga mata at natili lamang na ganun ang aking posisyon, tumingin sa mga kasama ko sa loob ng silid na ito.

Napabuntong hiningan na lamang ako ng nakita kong nakatingin lamang sila saakin winawaring hinihintay ang susunod na hakbang na aking gagawin. Walong babaeng tagasilbi ang nasa harapan ko ngayon lahat sila ay may kanya kanyang dalang mga gamit na alam kong may kinalaman saakin. Tinignan ko ang pinaka mataas na taga silbi sakanila..Gori ang tawag sa matataas na tagasilbi ng palasyo at Yunti naman ang pinakamamabang tagapagsilbi ng palasyo. Silang walo ang nagsisilbi saaakin at sampung taon na silang naninilbihan dahil mga bata palang sila ay ipinasok na sila upang magsilbi sa palasyo.

"Sabihin mong hindi na naman ito tungkol sa pag-asawa ko.. hindi ba?" Pagkukumbinsi ko rito kahit alam kong yun talaga ang pakay nila.

"Paumanhin ho mahal na Prinsesa." Tanging sagot lamang nito napabuntong hininga na lamang ako at tumango sakanya dahil wala naman siyang magagawa. Tumayo na ako sa aking hinigaan at pumunta sa aking palikuran. Nakita ko namang nakasunod sila saakin kaya sinamaan ko sila ng tingin alam nilang ayaw na ayaw kong may sumasama saakin kahit sa pagligo. Yumuko naman sila at lumabas isa-isa pero nanatiling nakatayo si Emilia ang pinaka mataaas na aking tagasilbi at tinuturing ko lamang pinagkakatiwalaan sa palasyong ito. Isa-isa kong tinangal aking mga saplot at ibinigay sakanya ito. Ilang minuto akong nanatili at naisipan ring lumabas, nakita ko roon na may iniwan itong labakara pamunas saaking katawan ginamit ko na ito.

"Mahal na Prinsesa..nakahanda na ang inyong susuotin." Sambit ni Liza isa sa mga tagasilbi ko..nakita ko naman sa aking higaan ang isa sa mga isusuot ko. Kulay asul ang magkabilang gilid nito at ginto naman sa buong kasuotan, napakahaba rin nito. Gothic ang tawag rito at kadalasang ito ang isinusuot ng mga mayayaman at makapangyarihang rito. Ako ang nagtatahi ng lahat ng kasuotan isinusuot ko, mabibilang lamang ang mga ibinibigay o inihahandog sa akin lalo kung nagustuhan ko ang kulay at dibuho nito. Kadalasan kinukuha ko lamang ang nihahandog saakin ngunit hindi ko rin ito nagagamit.

Ipinasuot nila saakin isa-isa habang nakatingin lang ako sa salamin at pinagmamasdan ang aking sarili. Hinahayaan ko na lamang sila na mag-ayos saakin. Hindi rin magtatagal kailangan ko ring mamili ng aking mapapangasawa dahil kong hindi ang hari ang pipili para saakin. Wala pa akong balak sa ngayon pero responsibilidad ko bilang isang dugong bughaw, kailangan noong labing walong gulang palamang ako. Ikakasal na sana ako ngunit kinumbinsi ko ang hari na marami pa akong kailangan matutunan bago makapag-asawa ng maharlika at hindi naman ako nabigo roon dahil pumayag ito at pinagpaliban ang pagpapakasal. Noong sumapit ang ika-labing siyam na gulang ko kinakailangan ko ng maikasal  wala na ako nagawa, ngunit sinabi ko sakanya na ako ang pipili ng mapapangasawa ko kaya halos buwan- buwan may isang iniimbitahan itong mga maharlika na kailangan kong kilalanin sa loob ng isang linggo, kailangan niyang tumira rito sa palasyo. Isang taon na ang nakalilipas at wala pa rin akong nahahanap, naiinip na ang hari at alam kong sa loob-loob nito ay naiinis na rin ito ngunit hinahayaan niya pa rin akong sa gusto ko sana  lamang ay hindi pa nasagad ang pang-unawa nito saakin. Dahil ang totoo hindi naman talaga ako pumipili at hindi ko sila kinikilala lahat minsan tatakasan ko, minsan mapipilitangkilalanin.  Ang iba sakanila ay hindi ko agad nagugustohan ang mga pag-uugali. Ang iba naman ay masyadong mapagmataas.

LUMABAS na ako saaking silid, tuwid na paglalakad, kailangan hindi nakayuko at mahinhin na gumalaw. Lahat ng nakakasalubong naming mga kawal at tagasilbi ay bumabati kaya binabati ko rin sila pabalik. Tumigil ako sa harapan ng napalaking pinto kung saang silid ito ng aking ama, kailangan ko itong batiin bilang isang prinsesa, ganoon ang kadalasang ginagawa ko araw-araw. Ipinagbinuksan ako ng dalawang kawal na nagbabatay sa labas ng kuwarto ni Ama kaya pumasok na ako, pinaghintay ko na lamang ang mga tagasilbi ko sa labas upang hintayin ako dahil hindi rin ako magtatagal sa pakikipag-usap.

DEAD RINGER (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon