Chapter 27 - Memories

7 0 0
                                    


Hailey's pov

Sa bawat araw na dumadaan sinisigurado kong may nangyayaring kaguluhan sa kompanya ni brent. Deserve niya yon. At kulang na kulang pa ito sa sakit na ipinadanas niya sakin.

"Ma'am gusto ka daw po mameet ng nga bago nating investors" saad ng secretary nito.

"8:30am. Tomorrow." Maikiling sabi nito habang nakatingin parin sa malaking bintana nito sa opisina.

"Noted. Ma'am" sabay alis.

Hapon na ng mapagpasya ni hailey na umuwi na muna para makapagpahinga nadin at makapagisip pa ng plano para sa mga susunod na araw.

"SUPRISE QUEEN!" sabay sabay na sigaw ng tatlo nitong kaibigan pagkapasok na pagkapasok niya palang sa kwarto niya.

"The hell?! What are you doing here?"

"Queen!!!! Actually di siya suprise! May ibabalita lang naman kame eh" amber.

"Queen. Gumuho ang isa sa pinakamataas na hotel ng mga smith balitang balita naden ito sa lahat" paliwanag ni sofia.

"Yes Queen, nagkakagulo sila tita keizia ngayon dahil nadin sa mga naaksidenteng naka check in na tao noong gumuho ang hotel!" Tarantang paliwanag ni lexie.

"Did someone died?" Walang buhay na tanong ni hailey. Sabay sabay naman umiling ang tatlo nitong kaibigan.

"Then great, its a celebration i guess?" Nakangising saad nito na ikinakunot ng nood ng mga kaibigan.

"I respect you Queen pero hindi ba parang sobra kana? May mga tao nang nadadamay dahil lang sa mga plano natin! Mga inosente yon! Walang kamuwang muwang!" Frustrated na saad ni lexie.

"You don't know anything!" Sigaw nito.

"Alam ko ang buong storya mo! Si brent lang dapat ang ginagantihan mo hindi ang mga taong asa paligid niya! Si tito! Si tita! Sa tingin mo di sila nahihirapan? O naaapektuhan? Kompanya nila yon Queen!" Paliwanag ni lexie

"I agree Queen, hindi kita masisisi sa galit mo kay brent pero sa buong linggong ginagawan naten sila ng butas ramdam na ramdam nadin ang paghihirap ng nga taong wala namang may kasalanan sayo, nanakaw na natin ang investors! Nagpalabas ng mga fake news about sa kanila! Sa mga products at iba nilang business sinisiraan nadin naten!" Sofia


"Baka naman may dahilan din siya Queen kung bakit niya sayo ginawa yon? Bata pa kayo nung nangyari yun, baka naman may dahilan siya diba? Nagkausap naba kayo?" Seryosong pahabol din ni amber. Hindi alam ni hailey kung ano ang mararamdamn. Ang magalit dahil pinagtutulungan siya ng tatlong kaibigan o sumunod nalang sa mga payo nito. Maraming pumapasok sa isip ni hailey sa mga nasabi ng kaibigan tila bigla siyang nagsisi sa mga nagawa niyang kaguluhan nitong nakaraang linggo.

"Get out." Seryosong sabi sabay pasok ng banyo ni hailey walang nagawa ang tatlo nitong kaibigan at tuluyan nang lumabas ng kwarto nito.




Brent's pov

Nakapikit lamang ako habang sunod sunod na sinasabi ng secretary ko nangyari naman ngayon araw, fvck! Araw araw nalang ba? Walang bang araw ang na titigil kung sino mang hudas ang gumagawa ng labat ng to?


"Napadala na po lahat ng mga nasangkot sa insidente sir" nakayukong paliwang nito sumenyas lang siya para palabasin na ito sa opisina dali dali naman niya tinawagan ang private investigator na hinare niya.

"Where is she?"

"Asa mall po siya sir, parang pauwi nadin dahil tapos nato magshopping" sagot nito dali dali naman siyang nagsuot ng coat at iniwan ang kompanya para harapin ito.


"Hey mom, yes im done." Sagot ni hailey sa mommy niya habang palabas na ng mall natagalan pa ito sa pagpunta sa parking lot dahil may mga nagpapicture pa sa knya at nag pa autograph. Aabutin na niya sana ang pintuan ng sasakyan niya ng biglang may humawak sa palapulsuhan niya.


"Who the fu—" hindi na nito natuloy ang sasabihin sa pagtama ng kanilang mga mata.


"We need to talk!" Matigas na sambit ni brent sakaniya na ikinalaki ng mata niya ngunit di niya ito pinahalata.


"Sorry, im busy. I dont have time to talk to you" tatalikod na sana siya ng bigla siya nitong kaladkarin at ipasok sa katabing kotse nito.


"What the fvck are u doing?! This is kidnapping! Im gonna call the police!" Sigaw nito habang nagpupumiglas parin sa hawak nito sa kamay niya.

"Go on, im not afraid" galit na baling nito sa kanya na ikinahinto niya sabay iwas at tumingin nalang sa bintana nito. the hell! Ano ba kasing pumasok sa isip nito at nandito ito sa harapan ko?! Bullshit!


"Where are we going?!" Tanong ni hailey sabay baling rito, hindi siya sinagot nila at seryosong nagmamaneho lang ito.


"Hey!! Im talking to you! This is not funny!" Galit paring sabi nito habang nagsisisipa nadin dahil sa sobrang frustration nito sa nangyayare. Ilang minuto ang lumipas tumigil sila sa isang malaking mansion, napatulala doon si hailey at lihim na namangha sa disenyo mula gate palang hanggang sa makapasok na sila.


"Hello po senyorito! Ano pong maipaglilingkod ko sainyo?" Tanong ng isang matandang yaya

"Just don't let anybody to go inside my room" malamig na saad nito habang kinakaladkad si hailey papanik ng second floor.


"Hey! What are we doing here?!" Sabay piglas nito nang makarating sila sa kwarto nito.

"I told you. We will talk! Alam kong ikaw ang may kagabawan ng labat ng ito!" Sigaw ko rito na ikinalaki naman ng mata ni hailey pero di nagtaggal ngumisi din na mas ikinagalit ko.

"And so? You fvcking deserve it!"

"Why?! Why are you doing this? Is this because i rejected you years ago? Oh come on baby! Let's just forget that! Let's live in the present!" Litong litong paliwanag ko kay hailey sabay lapit pa rito.

"Forget that?! Did you hear yourself?! Alam mong hindi lang yon ang kasalanan mo sakin! You bullied me! Pinahiya mo ko sa maraming tao! Ikaw din ang dahilan kung bakit ako naaksidente non na ikinamatay ng kapatid ko!" Napatigil ako sa sinabi ni hailey pero hindi ko ginusto yon! God knows lahat ng ginawa ko para mapatawad niya ko at ng pamilya niya wala akong kaalam alam na dahil sa desisyong kala ko mas makabubuti sa kanya ay hahantong pala sa aksidente.

"Now. You remember?! Naalala mo na ulit yung araw na yon? Alam kong alam mo kung bakit napilitan akong pumuntang bansa noong 3rd yr highschool palang tayo! That's why don't you ever say that we just fvcking need to forget that because you left a scar inside my heart!" Galit na saad nito na ikinahagulgol ko pa yayakapin ko na sana siya ng bigla niyang sabihin ang mga salitang nakapagpatigil sa akin.

"I hate myself for loving you years ago. Sana di nalang kita minahal. At sana ikaw nalang yung namatay." Kasabay ng pagalis nito sa kwarto ko ang panlulumo ko at hagulgol sa nga salitang tumagos sa puso ko. Im so sorry baby i know im weak back then forgive me please.

The Indignation of his love  (INWTCN Book 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant