Chapter 32 - Im sorry

14 0 0
                                    


Hailey's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko shit! Umaga na pala dali dali naman akong tumayo at muntikan nang madapa ng agaran ko ding naalala ang nangyari kagabi! Damn! Totoo ba yon?! Ang stupid stupid mo talaga hailey! Ang bobo bobo mo na naman! Pero napaisip din siya sa naging paliwanag nito. Totoo kaya ito? Pero bakit? Maraming pagkakataon ang pwede niyang sabihin sakin to pero bakit ngayon lang? Ngayon lang kung saan sobra na kong nasaktan? Pero nasaktan din siya hailey bulong ko din sa sarili ko! Arrrrghhh! Ano bang gagawin ko?! Pumasok na lang siya sa cr at ginawa ang morning routines.

"Queen! Ito na po yung pinapagawa mo!" Masayang sabi ni amber inabot ko naman ang nga information na inilagay nito sa desk ko.

"Nacontact ko na din ang mga iilang investors natin at ang mga tauhan na din" sofia

"Nalagay ko na sa closet mo yung mga bago mong outfit my Queen" nakayuko namang sabi ni lexie

"Good job girls, papasok tayo sa school today at kokompletuhin ang nga gawaing naiwan natin" paliwanag niya sa tatlong kaibigan agad naman silang dumeretso sa labas para dumeretso na ng school lutang pa rin siya habang iniisip ang gabing yon, isang buwan na silang walang communication ni brent na parang ayaw na parang wala na talaga itong balak para guluhin pa siya.


"Nabalitaan niyo yun? Nagdrop out ang BK!"

"Huhuhuhuhu! Di ko kayang di sila makita ni isang oras lang!!!"

"Bakit kaya sila bigla biglang nag drop out? Wala namang problema sa mga grades nila ih!!"

"Kaya pala sa buong buwan hindi ko na sila nakikita! Huhuhuhuhu kahit ilang linggo nang nakalipas bali balita pa rin talaga ito satin!"

"Masakit kasi talaga yung balitang to!"

Napatigil ang apat sa balitang kumakalat ngayon sa buong paaralan.

"Queen? Uhm kakasabi lang kanina ng tauhan natin na nagdrop out nga ang apat noong isang linggo pa" nakayukong paliwanag ni sofia umiiyak na ngayon si amber at si lexie naman ay tulala hindi din niya alam ang gagawin sa nangyari bakit parang sa pagkaalis nito sa paaralan ay para nading may mensahe itong ipinaparating na pati sa buhay niya'y ito'y mawawala? Dali dali siyang bumalik sa parking lot at pinaharurot ang kotse ang hirap hirap magpanggap di ko na kayang itago pa ang totoo kong nararamdaman alam kong kahit ano pa ang nangyari nananatili pa rin niyang hawak ang puso ko at paulit ulit ko pa rin siyang mamahalin ng buong buo malaka ang kutob niyang may hindi magandang nangyayari kaya agad niyang pinunasan ang luha niyang kanina pa nagbabadya please skyler wag mo kong iwan stay baby please stay.


"Ohhh iha anong ginagawa mo dito?" Nakangiting bungad sa kanya ni keizia pero halata pa rin dito ang pamamaga ng mga mata nito mas lalo siyang kinabahan sa nakita niya.

"Uhm hello tita" alanganing sabi nito pinapasok naman agad siya nito sa sala at sabay silang naupo sa sofa hindi muna siya umimik dahil hindi niya alam ang unang itatanong niya rito.

"Alam mo ba iha? Itong si brent? Hay napakamalihim talaga" tumawa naman ito ng peke habang kinuha ang picture frame ni brent sa katabing mesa.

"Bata pa lang siya alam na niya kung ano ang gusto at ayaw niya sa buhay o sa iba ding bagay. Lumaki siyang ayaw niya kaming nadadamay o nahihirapan ng papa niya" naluluhang saad nito parang may sumasapak sa puso niya habang naririnig ang ina ni brent na nagkwekwento.

"Labis siyang magmahal iha, sobra sobra kaya halos lahat gagawin niya para lang hindi tayo madamay o masaktan. Alam mong sinabi na ng anak ko lahat sayo kaya wala na din siya dito" tuluyan nang tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan hinawakan naman agad ni tita ang kamay ko at humagulgol na din.

"Umalis na siya iha, hinintay lang niya talagang umuwi ka para sabihin sayo ang lahat at ako na ang magsasabi sayong totoo iyon iha, sa lahat ng nangyari huli na ng nalamn namin ang pinaggagagawa sa kanya ng mga hayop na sindikato na yon, at-at hindi din namin inaasahan na" mas humagulgol si tita sa harapan ko mas lalo akong kinakabahan sa mga bawat sinasabi nito

"Tita, bakit po please sabihin niyo po sakin asan po siya?! Maayos lang po ba ang lagay niya?!" Sunod sunod kong tanong dito.

"Mahal na mahal ka niya iha lahat ng pagbabago sa kaniya pinilit niya para sayo, naging duwag man siya noon pero ngayon pinilit niyang nagpakatatag at mas lumakas para sa inyong dalawa" mahinang sabi nito.

"Tita mahal ko din po ang anak niyo kaya please sabihin niyo po sakin kung asan siya?? Susundan ko po siya tita!" Nagaalalang sabi ko rito pero umiling lang siya.


"Hindi namin inaasahang magkakaron siya ng cancer sa utak iha dahil sa mga bugbog na tinamo niya noon nag ka internal bleeding ito at hindi namin alam yon iha tinago niya iyon! Galit na galit ako sa araw na nalaman kong malala na ang cancer niya! Bigla nalang kasi siyang natumba non iha eh hin-di namin inaa-sahan yun" hagulgol na paliwanag nito nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ba-bakit skyler? Bakit?! Ang unfair unfair mo naman eh! Hindi mo inisip na nandito pa kaming nagmamahal sayo! Bakit kailangan mong ilihim at pagdaanan to magisa? Hindi ko na nakayanan at tumayo na ko at umalis sa bahay nila tita iyak lang ako ng iyak at sinisisi ang sarili ko naging makasarili ako hindi ko man lang inisip ang dahilan niya sa lahat ng to! Ang tanga tanga ko! Patawad mahal please magpakita ka sakin nakayuko lamang siya ng may tumawag sa kanya.

"Ye-yes?" Nanginginig na sagod nito.

(Queen! Umiiyak kaba? Please be strong! Natagpuan na namin kung asan sila) sagot sa kanya ni lexie pinatay niya agad ang tawag at agad na binasa ang address na ipinadala sa kaniya.

Navarro Medical Hospital

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapasok ko ang kwarto ni skyler kitang kita ko ang daming nakakabit sa kanya at ang mga kaibigan niyang tahimik lang na nasa gilid nito tila nadurog ang puso ko sa kalagayan ng taong mahal ko lumapit agad ako dito sabay yakap at humagulgol.

"Skyler baby im so so sorry! I didn't know! Pleaseee stay don't leave me! I love youu please baby wake up" alog ko dito nagsimula namang maiyak ang mga kaibigan ko sa gilid.

"Baby please alam ko na, alam ko na lahat lahat kaya pwede kumapit ka pa? Patawarin mo ko please? Bakit kasi hindi mo sinasabi?? Bakit mas pinili mong sarilihin ang lahat? Sila tita oh hindi nila alam na nacomatose ka non! Hindi nila alam lahat ng mga nangyayari sayo! Baby naman bakit ka ganyan! Ang unfair unfair mo!" Hagulgol kong sabi dito

"Queen huhu may nakakita lang sa kanya sa kalye na nakahandusay kaya naconfine siya dito" naiiyak na sabi ni sofia

"Hindi din namin alam ang lagay niya hailey, kaya pala lagi nalang sumasakit ang ulo niya nitong mga nakaraan" mahinang sambit ni ethan

"Nakausap namin ang doctor kanina, kung naagapan sana sa mga lumipas na taon hindi ito lalala" mahinang sabi ni alex

"Iwan na muna natin sila kung pwede?" Pagpupumilit ni steven dito sabay sabay naman silang kumabas ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni brent.





























Tuwing naaalala ko ang mga alaalang iyon na kasama ang mahal ko hindi ko pa rin maiwasan ang maiyak at magsisi sa mga nagawa ko masyado kong sinara ang isipan ko sa posibleng dahilan nito sa akin. Tama siya hindi lang ako ang nasasaktan kundi siya rin hindi lang ako ang nagmamahal kundi siya rin. Kung maibabalik ko lang sana. Itatama ko ang lahat sabay yakap ko sa sarili habang nakatingala sa buwan at nga bituwin.

"Patawad mahal ko" mahinang bulong ko sa sarili habang sabay sabay na ring pumatak ang aking luha.

The Indignation of his love  (INWTCN Book 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant