Gabriella
"Gab andyan na si Father ready naba lahat?" tanong sakin ni Papa andito kami patcho ang tinutuluyan ng mga pari
"Opo pa" sagot ko, its been 14 years since nag simula akong mag silbi sa parokya namin and naging scholar nadin ako nila simula ng magsilbi ako dito
Dumating na sila Father at nag bless ako "Goodmorning po Father" sabi ko at ngumiti, hinawakan ni father ang ulo ko
"Mag 18 kana next month"sabi sakin ni father at parang nag bago ang ekspresion ng muka nya
"Opo father" Ngumiti ako at hinalikan ni Father ang Ulo ko
"Father" biglang sumagot si papa sa amin ni father
"Ano yun Rodolfo?" sabi ni father sabay umuupo, kakain na kami
"Balak ko po kasing ilipat si Gabriella ng School" sabi ni papa, nagulat ako sa sinabi nya hindi ko inaasahan iyon! Bakit kaya? Wala naman akong naging problema sa academics ko this year ah
"Pa? Bakit po?" tinignan lang ako ni papa at hindi sya sumagot at binalingan uli si Father
"San mo balak pag tapusin ng Señior si Gab?"tanong ni father napansin kong bumuntong hininga si papa at napayuko
"Sa Enchant academy po sa siyudad" napatigil sa pag sandok si father at parang nagulat sa sinabi ni papa "May pa Scholar po dun at Inaayos ko napo ang papel ni Gabriella" sabi ni papa
Inilapag ni father ang hawak nya at inalis ang salamin "Masyadong malayo yun" maikling sabi ni Father, hindi ko mabasa ang iniisip nila, parehas silang parang may tinatago sakin at hirap na hirap sa sitwasyon
Parang bang may problema kapag umalis ako? Bakit ba kasi kailangan ko pang umalis?
Nag katinginan si papa at si father. Takot. Takot ang nababsa ko sa mga mata nila, anong problema naguguluhan nako
"Sigurado kana ba dyan Rodolfo" tanong ni father, yumuko si papa tinignan ko lang sya na parang labag sa loob kung ano man ang isasagot nya
"Opo Father Sigurado nako"bumuntong hininga si Father sa sinabi si papa at tumingin sakin "I want the best for my daughter" sabi ni papa at tumingin sakin
ngumiti lang ako sa kanilang dalawa kahit na naguguluhan ako at diko maintindihan ang mga nangyayare
"Mag practice lang po ako pa, Father excuse lang po muna" tinanguan lang nila ko at umalis nako, pumasok ako sa loob ng simbahan, kakatapos lang ng misa kaya walang tao ngayon sa simbahan
Umupo ako sa upuan sa harap ng piano
Bago ko pindutin ang piano ay may biglang nag salita
"Gabriella"
Nagpalinga linga ako sa Simbahan, kakaiba ang tunog at boses nayon
"Wag nyo naman akong lokohin"sigaw ko " Emily? Renz? Ate Donna? Kuya Patrick? Michelle??" tawag ko sa mga kasamahan ko sa simbahan baka kasi niloloko lang nila ko
"To Find the Truth, Think. To Find the Answer, Look up in the Sky. The world Tells you Everything" Napatakip ako sa aking tenga sa boses na umaalingawngaw sa buong simbahan
"Who are you?"
"To Find the Answer look up in thr sky, The World Tells you everything" inulit lang nya ang sinabi nya kanina
"Anong kailangan mo sakin?"
"To Find The Truth? Think"
"Wag nyo kong lokohin" sigaw ko at tumakbo palabas ng simbahan, pag bukas ko ng pinto ay Bumungad sakin ang puting liwanang tinakpan ko ang mata ko, nakakasilaw ang puti pag nadampian ka nito sa mata
Naramdaman kong unti unti akong hinihigop ng liwanag
"Welcome to our World My Goddess, Our Purity"
--
"Gabriella"
Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko, inangat ko ng konti ang mata ko nasa kwarto nako bakit ako nandito? Hindi bat- panaginip lang ang lahat ng yon?
"Pa?" idinilat ko na ang mata ko kitang kita ko ang pag aalala.ng mata ni papa
"T-tanghali na gab tapos na ang misa" nauutal na sabi sakin ni papa
Kumunot ang noo ko, so nananaginip lang nga ako? Pero totoong- panaginip lang yon gab this is reality and theres no Fantasy
"Gab yung napagusapan natin kagabi diba?" lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni papa
"Ayst makakalimutin ka talaga" nag iwas ng tingin si papa sakin "Lilipat kana ng school, pumayag na si Father" Ha?! Hindi ba kanina pa yon? Ha? Gulong gulo nako hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali! Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko
"Anak pumikit ka" sabi ni papa, tinignan ko lang sya "ipikit mo ang mga mata mo" utos ni papa at sinunod ko naman
Ang kaninang gulong gulo kong isip ay ngayon ay naginhawahan na hindi ko alam pero.mas gumaan ang pakiramdam ko, napangiti ako
"Thankyou papa"
"Gab mag empake kana bukas ang alis mo papuntang siyudad" sabi sakin ni papa at hinimas ang likod ko
"Opo pa"
Yan ang huli kong sinabi bago ko iwan ni papa at lumabas na sya
I want the Truth and The Answer
---
The Goddess of Purity and Strenght
Charm Of Queen The Journey
Next is?
Queens 3 and 4

BINABASA MO ANG
Charm of Queens #RosesAwardsJune2019
FantasyFantasyxMistery/Thriller "Welcome To Enchant Academy School for people who have special abilities" "The Long wait is finally over, the big war is coming and another power will be released The CHARM OF QUEENS WILL EXPLODE"