Queens 1: Moon

588 15 0
                                    

Diana

babe bakit kaba nag kakaganyan? Ano bang problema mo?" naiiyak nako habang pinag tatabuyan ng boyfriend ko paalis,

"Ayoko na sawang sawa nako sa pag mumuka mo ayoko na" Sigaw nya sakin hiyang hiya nako sa mga kapit bahay nila at pinag titinginan kami. Hindi ako pangit lalo ng hindi naman ako masyadong maganda, masyado kong payat at Hindi din ganon ka puti pero lahat ginawa ko para sakanya, nag pakatanga ko kahit harap harapan na nya kong niloloko wag lang syang mawala sakin pero ano to? Ganon ganon nalang 2 years itatapon lang nya para sa isang babaeng maputi lang!

"wag naman ganto Ryan mahal na mahal kita e" umiiyak nako sakanya

Nagulat ako ng hinila nya ko papasok sa kanila at idinikit ako sa ding ding nila

"Ryan Wag please" pilit ko syang tinutulak

"wag ka ng maarte, eto naman yung gusto mo diba?" hinalikan nya ko sa leeg kaya buong lakas ko syang tinulak, at napaupo sya, Aalalayan ko sana syang tumayo pero tinapik nya yung kamay ko, "Im sorry"sabi ko at umiiyak. tumayo sya at bigla akong simpal kaya napadapa ako pero nagulat ako ng saktong pag lagapak ko sa lapag ay Yumanig ang buong lupain

Parehas kaming nagulat pero sinipa pa nya ko palabas ng bahay nila at ibinalibag sakin yung bag nya

"Wag ka ng babalik dito Hayop ka?" sinara nya ng malakas ang pinto, iyak lang ako ng iyak habang umaalis sa kanila, puro bulungan ng mga kapit bahay nila ang naririnig ko

Sumabay naman ang ulan sa pag iyak ko, hindi ko alam pero parang mas naging komportable ako sa pag patak ng ulan, bawat patak nito saakin ay may maanit na pag dampi at parang may umaakap saakin

Pinunasan ko yung luha ko ng makitang may papalapit na trycicle

Huminto ito sa harap ko kasabay ng pagtila ng ulan

"Sakay po?" tanong ng Driver

Tumango ako at pumasok na sa loob, umandar na uli ang trycicle at ilang minuto bago ko makarating samin

"nay" agad kong hinanap si mama dahil nag kukumpulang tao ang bumungad sakin pagkarating ko samin

"Diana" napalingon ako sa may tumawag sakin

"Kuya andi" tumakbo ko sakanya "ano pong nangyayare? Bat ang daming tao dito? Asan si mama?" agad kong tanong

"Dinala ng mga pulis dito si mama" nanlaki ang mata ko at kumalabog ang dibdib ko

"Ha? Bakit Kuya?" naguguluhan nako at si kuya nakayuko lang

"Bago ka umalis nakarinig kaming tawag nasa ospital daw si mama Dead on Arrival, Natagpuan si mama sa bakanteng lote sa Palo Maria humihinga pa daw si mama pero di na nakayanan ng madala ng Pulis sa ospital" umiyak na si kuya habang nakayuko

" Hindi magandang biro yan Kuya" Naalala ko yung napanaginipan ko kagabi katulad ng ikinwento ni kuya pero hindi

Tumakbo ko sa nag kukumpulang tao at nanlumo ako sa nakita ko

"Ma!" sigaw ko at inakap ang bangkay ni mama, Iyak lang ako ng iyak hinihila nako nila kuya pero hindi parin ako bumibitaw kay mama

"Bakit? Sinong gumawa sayo nato ma?" sigaw ko

"Dana tama nayan andyan na yung mag aayos kay mama"

Pilit akong ipinasok ni kuya sa loob ng bahay
"kuya ano ba? Bakit ganon? Ha? Bakit mo hinayaang umalis si mama?"

"sinisisi mo bako diana? Sino ba sating dalawa ang maaga palang umalis na ng bahay? At nag punta sa kung saan?" kita ko ang galit sa muka ni kuya. Alam ko kasalanan koto kung di ako nag punta sa hayop kong boyfriend di sana napigilan ko si mama

"at teka sino ba saating dalawa yung alam ang hinagarap?" nagulat ako sa sinabi ni kuya, pano nya nalaman?

"Naalala mo ba? Nung sinabi mo sakin na wag akong pupuntang Bayan kasi may mag sasaksakan don? nag ka totoo yun" hindi ko alam na mag kakatotoo yun pero nakita ko na masasaksak si kuya kaya sinabi ko sakanya sa sobrang takot ko pero hindi ko naman sure non kung mag kakatotoo at wala rin naman akong nababalitaan na may saksakang naganap kaya ang akala ko hindi totoo ang mga nakikita ko sa panaginip

"at diba nung sinabi mo kay mama na tayaan nya sa lotto ang binigay mong numero pero di nya natayaan kasi nag kasakit ka at ibinili nalang nya ng gamot mo pero lahat ng binigay mong number ay yun ang lumabas" tama sya naala ko pa nung 11 years old ako nun

"Di ako tanga para di mapansin yon Dana pero bakit ngayon? Di mo nakita ang mangyayare kay mama?" halos manlumo ako dapat ay sasabihin ko na kay mama yun pero nakalimutan ko dahil kay ryan

Lalo akong napahagugol ng maisip ko lahat, kasalanan ko kung bakit wala na ngayon si mama, kung bakit sya namatay

Lumipas ang mga isang linggo at nilibing na si mama, hindi nadin ako nakakapanaginip ng mangyayari sa hinaharap siguro ay wala ng mangyayareng masama pa saakin at sa pamilya ko

"Ate Dana may Kotse sa labas" Sigaw ng pamangkin ko na anak ni kuya "Hinahanap ka" kumunot ang noo ko sa sinabi ng bata at lumabas na

Pag ka labas ko at pag bukas ko ng gate at tumambad sakin ang muka ng tatay ko

"Ano pong ginagawa nyo dito?" agad kong tanong

"Lets talk" tumango naman ako at binuksan ang gate para makapasok si papa

"My condolences to all of you" Tumingin sya samin ni kuya at sa asawa ni kuya, Hindi papa ni kuya ang papa ko, magkapatid lang kami sa nanay

"Pa bat di kayo pumunta, nalibing na si nanay di manlang kayo pumunta" yumuko si papa sa sinabi ko

"Anak sorry, Huli na ng malaman ko ang nanyare pero tumawag sakin ang mama mo bago mangyari ang lahat, nagalit pako sa mama mo dahil kung ano ano ang sinasabi nya"sabi ni papa na halata ang lungkot sa muka

"Ano po yung sinabi ni mama?" tanong ko kay papa

"Gusto nyang sumama ka sakin" nag katinginan kami ni kuya sa sinabi ni papa

"ah sir mukang ibang usapan nayan, mag uumpisa na ang pasukan nakapag enroll na dito si dana" sabi ni kuya kay papa, ayoko din naman umalis dito syempre Since birth nakasama ko nayang si kuya mahal na mahal ko yan

"pwede namang ayusin natin yung paglipat ni Diana right?" tumingin sakin si papa, Grade 12 nako next Year, wala pakong trabaho alam kong magiging pabigat ako kay kuya lalo na ngayon at buntis pa ang asawa nya

"Kuya"ngumiti ako sakanya "Siguro its time na ang papa ko naman ang kasama ko" sabi ko kay kuya

Huminga ng malalim si kuya at bahagyang tumango

"o sige wala nakong magagawa"tumayo si kuya at ginulo yung buhok ko "Mag iingat ka don ah" inakap ako ni kuya

"Ikaw din kuya mag iingat ka dito, alagaan mo si Ate Carmen pati si Baby Andrew at ang magiging baby nyo pa ah" kumalas kami sa pag kakaakap ng isat isa

"Pangako yan mag send ako ng mga Picture ng Baby pag nakapanganak na yung ate mo tsaka wag kang makakalimot ah lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari kapatid moko at kapag gusto mong humiling Tumingin ka lang sa Moon, Diana"

Tumango ako at inakap uli si kuya. Hindi nadin ako pinakuha ng gamit ni papa sya na daw ang bibili ng bago kong mga gamit

Bago ko tuluyang umalis ay lumapit uli si kuya sakin

"Lagi kang titingin sa Liwanag at Buwan don mo makikita ang katotohanan" sabi ni kuya sakin, kahit hindi ko maintindihan ay ngumiti ako at kumaway sakanila

Liwanag at Buwan? Ang Katotohanan?

"Bukas na bukas ie-enroll na kita sa bago mong School"sabi ni papa, tumango lang ako at tumanaw sa bintana at dinama ang init ng liwanag

Hanggang sa nakatulog nako

----

Hope you like my newest story!

CHARM OF QUEENS The Journey

Charm of Queens #RosesAwardsJune2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon