Laro lang naman ito pero bakit nahulog ako sayo.
Naalala mo ba nung naglaro tayo
Laro na di ko makalimutan
Laro na sa una ay masaya tayo
Laro na tayong dalawa lang ang nakakaalam
Pero bakit sa laro na iyon ay di ko namalayan
Laro na iniimbento nating dalawa na napa-ibig na pala ako sayo
Alam mo bang di kita pinilit na makipaglaro sa akin
Ikaw lang naman nagbigay ng motibo para ipagpatuloy ang laro na iyon
Pero dumaan ang araw at buwan doon ko nahanap ang sarili ko sa tabi mo na maligayang maligaya doon nagsimula ang pagkagusto ko sayo
Minsan nga madulas ako ng sabi na Gusto kita pero sagutin mo lang ako ng Nagbibiro ka na naman lahat ba ng sasabihn ko ay di mo mapaniwalaan
Sa bagay magkaibigan nga tayo minsan nga magbiro ako ng Tayo na at ikaw sumabay ka naman sa mga biro ko
Alam mong mapagbiro ako at biro lang ang lahat pero paano na ngayon na totoo na ang naramdaman ko sayo na wala ng halong biro
Paano ko na sasabihin sayo ang katagang Gusto Kita kung para sayo ang lahat ay kasama pa sa mga biro ko
Pero di ko kasi kaya na makita kang tumanaw sa malayo at nakatitig sa taong Gusto Mo kaya lahat ng nasabi ko na Gusto Kita ay sinabayan ko ng biro para di mahalata na nasasaktan na ako
Sana di mo sinabayan ang biro ko para hindi sana ako nahulog sayo eto na ang Karma ko, biro mo, biro ko, biro natin at dahil sa biro na yan nahulog ako sayo
Dahil sa laro natin nahulog ako sayo ngunit hindi mo ako sinalo ng dahil sa may iba kang gusto at Hindi ako!! 😭😭😥