First

197 4 0
                                    

Confession#1:
I will never forget the first glance I get of you, the first time I hear you call my name and the first time I had my heart pound that fast. It was all because of you.

___

"Hi."

Lea greeted him first. Hindi niya alam kung paano magsasalita sa harap ng bago niyang ka-partner.

"Why are you so quiet? Na-a-awkward ka sa'kin noh?"

Naupo si Lea sa tabi niya at mas lalo pa siyang naging tensyonado. Nakatitig lang siya sa mala-anghel na mukha ng dalaga.

"A-ano... Hindi, hindi naman hehe.."

Natawa naman si Lea sa naging sagot niya dahil kahit sa boses niya ay halatang na-star struck ito. Lalo naman siyang na-cute-an sa ka loveteam.

"You know what, lalo kang guma-gwapo when you're getting shy and awkward hahaha."

Natawa din naman si Aga sa pagka conyo ni Lea. Sa wakas ay nabawasan na ang pagkabog ng dibdib niya.

"Thank you, Lea."

Napa-bow ng ulo si Aga nang nagpasalamat sa katabi. Nasanay na kasi siya sa ganitong gawi na napapayuko sa tuwing nagpapakita ng pasasalamat sa kahit na sino.

"Oh you! You don't have to do that thing anymore. Let's be casual okay? Besides, araw-araw naman tayong magkakasama. Right Ags?"

Napatungo naman si Aga sa narinig niya.

"Anong sabi mo?" Pag uulit niya.

Nginitian naman siya ni Lea na parang nabigla din sa nasabi niya.

"Ang sabi ko po, Ags. 'Yan na ang tawag ko sayo ha?"

Pagkasabi ay kinindatan niya ang kasama saka tumayo na at umalis.

Confessions | LeAga FanFic StoryWhere stories live. Discover now