Lines

130 3 0
                                    

Confession#5:
I know when to cross the street but when will I learn how to cross the line? The line that divides the two of us.

_____

They were seated outside of their tents. Parehas din silang may hawak na script pero si Lea lang ang masusing nagbabasa at nag-aaral nito. Habang si Aga, palipat-lipat lang ng pages na parang tumitingin ng oorder-ing lotion sa 'avon'.

"Hey! You're madaya!" Pagpuna ni Lea dito.

"Bakit? Inano na naman kita? Wala na akong ginagawa dito ah!"

Praning na tanong ni Aga. Marahil ay nagi-guilty na din siya sa pambu bully niya kay Lea.

"Over! I just said it 'cause I saw you not reading your script. Para lang nagbabasa ng magazine."

Natawa ng kaunti si Lea dahil sa nasabi niya.

"Alam mo kase ganito 'yan eh."

Pasimula ni Aga saka inayos ang upo at humarap kay Lea na nasa kanan lang niya.

"If you memorize it word by word, you'll remember the lines of course. BUT, if you try to understand and reflect in your lines, then you can deliver it more than what direk expects us to do."

Nakatingin lang si Lea kasi wala naman siya masyadong alam tungkol doon. Na-realize din naman niya na may punto si Aga.

"Is that the secret behind your talent?" Curious na tanong niya.

"Anong talent ba?" Confused naman na tanong din Aga.

"Ang galing mo kaya when it comes in delivering your lines! Sometimes nga I feel like everything that you say during the take, it's not you eh. It's like I'm working with the real Jerry."

Pagtatapat ni Lea. Natawa naman si Aga dahil sa sinabing papuri nito tungkol sa kanya.

"What's the hardest line you've delivered so far?"

Kala mong si Tito Boy na tanong ni Lea habang nakangiti at tinataas taas pa ang kilay, senyales na kinukumbinsi niyang maki cooperate si Aga sa trip niyang Q&A.

"Hmm... Meron ba?" Napakamot si Aga ng sintido na animo'y nag-iisip ng malalim.

"What? Dali!" Demanding na utos ni Lea dahil excited na siya.

"Wow ah! May lakad ka ba?"

"Sige na kasi!!!" Pagpupumilit ni Lea habang hinahatak ang damit ni Aga.

"Parang.. wala naman hahaha." Hindi sigurado na tugon niya.

"Owss? 'Di nga??"

Bumitiw na siya sa pagkakahaltak sa damit ni Aga sa wakas.

"Ay meron pala!" Biglang naalala ni Aga.

"Really what is it??" Nanlaki ang mga mata ni Lea at kulang na lang ay matulak niya si Aga sa pagkabigla rin.

Tinignan lang naman siya ni Aga na parang nang-aasar at ayaw pa sabihin ang nasa isip niya.

"Secret!"

Napa frown naman si Lea sa narinig. "Daya!!!" Hinampas ni Lea ang kanang balikat ni Aga at nagkunwaring nagtatampo.

"Look at me." Utos ni Aga ng may pagka seryoso sa tono ng boses niya.

Ginawa naman ni Lea at tumingin kay Aga while waiting kung ano ang sasabihin nito.

"What's the hardest line I've delivered so far?" Tanong ulit ni Aga kay Lea.

Tumango lang si Lea.

Ngumiti si Aga kay Lea saka pumikit. I love you. Dinilat na ulit ni Aga ang mga mata niya.

"Done!" Sabi niya saka binigyan ng kindat si Lea.

Hindi naman maintindihan ni Lea ang ginawa ni Aga.

"What?? Ano 'yun?? A wink? That's it??" Hindi makapaniwalang tanong ni Lea habang pinapalo palo pa si Aga ng script na hawak niya.

Confessions | LeAga FanFic StoryWhere stories live. Discover now