Confession#2:
Your eyes as deep as the ocean, your hair as stubborn as the waves and your smile as bright as the sun. You are my favorite scenery, it's you.___
"Ang ganda dito." Sinimsim ni Lea ang hangin habang nakapikit saka nagpakawala ng buntong hininga.
Naramdaman naman niya na may kinikimkim ito dahil na din sa lalim ng pagbuntong hininga niya.
"Okay ka lang?"
Humarap siya rito pero nananatiling nakatanaw sa karagatan ang kanina pang matamlay na si Lea.Kahit na may kakaiba sa mga mata nito ay hindi pa rin niya maitatanggi na nakakatunaw ang titig nito. Ang buhok niyang maitim at madulas na hinahayaan lang niyang hanginin ay nakadagdag pa sa ganda niya.
"Can I say I don't know?"
Napabalik naman si Aga sa ulirat ng magsalita si Lea."Paanong hindi mo alam?" Tanong niya muli rito.
"Have you ever wonder about your purpose in life?" Pagka ay humarap na rin siya kay Aga saka tumingin ng mataimtim.
"Oo. Maraming beses na din. 'Yan ba yung kanina mo pa iniisip?"
Nagkibit balikat na lang si Lea dahil nahihiya siyang umamin sa harap ng kapareha.
"Tell me something great." Hinawi ni Lea ang buhok niya saka sinuksok sa kanang tenga. Naghihintay siya sa sasabihin ni Aga dahil magaling ito pagdating sa pagpapatawa, lalo na kapag matamlay siya.
"You want me to be poetic?" He suggested. Napatalon naman bahagya si Lea sa pagka-excited saka tumango na parang batang tinatanong.
Napaubo si Aga bago magsimula.
"I like your eyes, for I see how deep it is like ocean. I like how the wind plays with your hair, how it dances with every strand of your black and silky crown. I like your smile, it is as if the only thing that completes my every day."
Hindi agad nakakibo si Lea sa mga nanggaling sa bibig ng kaharap, parang hindi si Aga ang nagsabi ng mga 'yon kaya natawa siya.
"And from where did you read that peom, aber?" Napa pamewang siya saka tinukso si Aga.
"Oy hindi ah.. Ako may gawa 'non!" Pagdepensa niya sa akusa ni Lea.
"Ows? Kelan pa ka pa naging poetic?"
Hindi pa rin makapaniwala si Lea kaya ayaw niyang tigilan ito hanggang sa umamin.
"Eto, grabe sa akin. Ako nga may gawa 'non. Pramis!"
Tinaas pa niya ang kamay na parang nanunumpa.
"Is that for me?"
Biglang tanong niya. Parang may bumara naman sa lalamunan ni Aga at sumikip ito.
"Kaka recite ko lang sa harap mo diba?"
"No, I mean did you composed that for me? Just now?"
Pumagitna ang katahimikan sa loob ng ilang segundo bago nakakibo si Aga.
"'Yun lang hehe, matagal na kasi yung tula ko na 'yan." Napakamot pa 'to ng ulo dahil sa nahiya.
"Haay naku Aga ikaw talaga! Baka gasgas na 'yang lines mo sa kung sino-sinong babae."
Naglakad na si Lea habang naiwan si Aga sa likuran niya.
"Hindi, sayo lang 'yun." Bulong na sabi ni Aga dahil wala naman siyang balak na ilakas ito.
"What did you say?" Napalingon si Lea dahil sa hindi niya naintindihan ang binulong ng kasama sa likod.
"Wala! Sabi ko hintayin mo naman ako." Pagpapalusot niya.
YOU ARE READING
Confessions | LeAga FanFic Story
Fiksi PenggemarThe things we do not know make the story flame up even more.