His Voice

94 2 0
                                    

Confession#3:
I was never fond of your singing fantasy. Thus, how deep and husky your voice is when calling my name, is to die for.

_____

Nakahiga sa folding bed si Lea habang nagpapahinga galing sa isang eksena nang pumasok si Aga sa kanyang tent.

Alam niyang gising ang diwa nito kaya tinawag niya ito ng ilang ulit pero hindi siya nito pinapansin.

Habang nakapikit si Lea ay nagpipigil siyang magpahalata na gising siya at nagkukunwaring tulog.

Gustong-gusto lang niya talagang pinapakinggan kung paano bigkasin ni Aga ang pangalan niya ng paulit-ulit.

Akala naman ni Aga na walang epekto ang pangungulit niya kaya naisipan niya na ilabas na ang huling baraha.

"You're just so good to be true.. can't take my eyes of you.."

Nakapatong pa ang mga palad niya sa dibdib habang damang-dama ang pagkanta. Hindi naman nagpa-apekto si Lea sa first line ng kanta ni Aga.

Pero kilala niya si Aga na hindi agad sumusuko.

"You're like the heaven's touch... Ooh I wanna hold you so much. You're just so good to be true can't take my eyes of you..."

Mas lalo pang nilakasan ni Aga ang pagkanta at inilapit pa sa tenga ni Lea ang kanyang bibig.

Dinilat naman na ni Lea ang mga mata, tinaas ng bahagya ang ulo saka binigyan ng isang matalim na tingin si Aga.

"Don't try me. Don't you dare sing that part inside my tent. Oh God please don't!" Himutok niya saka bumalik sa pagkakapahinga.

Hindi naman natakot si Aga at mas lalo pang ginanahan na mang-asar.

Huminga muna siya ng malalim bago ibuga ang pinaka ayaw na part ni Lea sa kinakanta niya.

"Tenen-tenen-tenen-tenenen-tenen-tententen... I lo--"

Bago pa matapos ni Aga ang parte ng kanta ay nabalibag na siya ni Lea ng unan na tumama mismo sa kanyang mukha.

"Wala na nga ikaw sa tono, mali pa ang lyrics mo!!" Bulyaw ni Lea na halatang pikon na.

Tumawa ng malakas si Aga dahil nanalo na naman siya sa pang-aasar niya dito. As usual, pikon na naman 'yung isa.

"I was just trying to get a power nap here tapos you'd enter my tent and disturb me with your panget voice?"

Hindi alam ni Aga kung matatawa pa siya o mao offend sa pagkaka-describe ni Lea sa boses niya.

"Grabe naman sa 'panget voice' ha?"

Ginaya pa niya ang sinabi ni Lea tungkol sa boses niya.

"Wala akong pake! Che ka d'yan!"

Tumayo si Lea saka lumabas ng tent na nagdadabog. Medyo naguilty naman si Aga sa ginawa dahil mukhang napikon na talaga ang ka-partner kaya sinundan niya ito agad.

"Uy Lea sandali lang! Eto naman pikon agad. Uy! Lea!"

Pasigaw niyang tawag dito.

Confessions | LeAga FanFic StoryWhere stories live. Discover now