Prologue

31 3 3
                                    

"Huhhh!" Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong maibaba ang mabigat na karton lulan ang mga sapatos at tsinelas namin ni mama.

"Hindi ba't mas maganda rito, anak? Mas malawak, mas maaliwalas at mas sariwa pa ang hangin." Ani mama sa likod ko.

"Mga ilang buwan kaya tayo tatagal dito, ma?" Sarkastiko kong tanong kay mama.

"Here we go again." Malungkot na sabi ni mama na may kasama pang buntong hininga. "Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na kinakailangan kong gawin to, dahil ito ang trabaho ko! Dahil para 'to sa future mo! Kailan mo ba maiintindihan yon, ha?" May bahid ng iritasyon ang kanyang boses.

"Ma, pwede naman kasi akong magboard na lang. Nahihirapan din kasi akong mag-adjust! Halos lahat na yata ng paaralan dito sa Laguna na pasukan ko na e! Hindi ko na nga mabilang sa daliri ko!" Dire-diretso kong sinabi sa kanya.

Sabagay, hindi ko naman masisisi si mama dahil nga part to ng trabaho niya. Isa kasi siyang clerck sa isang kompanya kung saan idinedestino siya sa iba't-ibang lugar.

"Basta! I've made my decision. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa'kin at hindi ka magbo-board!" Sabay bagsak sa hawak niyang mga bag.

Alas siyete 'y media na ng gabi nang matapos kami sa pag-aayos at paglilinis nitong bago naming Home Sweet Home. Kumukulo na ang aking tiyan sa amoy ng paborito ko.

"Ma, matagal pa ba 'yan? Nabubusog na'ko sa amoy, Baka mamaya Hindi na ako makakain niyan e!" Pabiro kong sabi Kay mama.

"Mga five minutes. Medyo
matigas pa kasi ang karne!"

Habang nag-aantay na maluto ang aming hapunan, inihanda ko muna ang hapag para diretso kain nalang mamaya kapag naluto.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay, maayos at maganda na. Hindi mo maaaninag na bagong lipat kami. Walang bakas ng bagong lipat.

"Triny, Kain na!" Sigaw ng matinis na boses ng aking ina.

"Opo!" Maikli kong tugon.

Pagdating ko sa hapag nakahain na ang lahat.

Agad kong dinampot ang kutsara't tinidor at sumubo ng isang slice ng karne. "Uhm! Wala pa ring pagbabago ang lasa ng luto mo, ma!" Nangiti naman si mama sa sinabi ko.

"Siya nga pala, bukas hindi mo na ako maabutan paggising mo! Maaga ang pasok ko kaya ikaw na ang bahala sa sarili mo. Ihahanda ko naman na ang breakfast mo, kaya kumain ka nalang!"

"Opo!" Maikling tugon ko.

'Para namang bago pa sa'kin ang maagang pagpasok niya!'

Pagkatapos naming kumain, pumunta na ako sa banyo at nagshower. Kailangan kong matulog ng maaga.

Pagdating ko sa kwarto ko agad akong humiga at agad din akong nakatulog dahil sa pagod.

PS:
This is my first story here in Wattpad. Kung may mga grammatical error  pasensya na. But if you have suggestions just comment here and I promise that I will apply or do that as long as it will make my story better.

Para Lang Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon