Buzz! Buzz! Buzz! Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock.
5:30 Am
I'm still lying on my bed as if I have no class to attend.
After 10 minutes, bumangon na ako. Agad Kong tinungo ang banyo, nagmumog at naghilamos.
'Kung hindi lang ito ang unang araw ko sa Catalina High School, baka quarter to six ako gumising. Haystt!'
Nagbreakfast muna ako bago ako naligo. Mga 25 minutes siguro akong nasa loob ng banyo.
Suot ko ngayon ang school uniform ko sa bago Kong school. Plain na kulay maroon na palda at longsleeve na blouse na may ribbon na kulay maroon rin.
Pumunta ako sa harapan ng salamin at sinipat ang kabuuan ko. Bagay na bagay!
7:00 Am
I reached the school. Nagkalat na ang mga estudyante. Mabuti nalang at nai-submit ko na ang mga form ko nung Friday kaya hindi ko na kinakailangan pang maghanap sa classroom ko.
Since 7:30 pa naman ang start ng class naglibot na muna ako. Hindi kasi ako nakapaglibot nung pumunta kami dito dahil sa pagmamadali ni mama na umuwi, dahil nga mag-e-empake pa kami.
Namangha ako sa kabuuan ng school. Halos lahat ng wall may mga mural paintings na colorful at meaningful. Naka-landscape din lahat ng halaman kaya naaliw ako sa paglilibot.
'Sana kasing ganda ng school na to ang mg ugali ng estudyante rito'
Sa sobrang pagmamasid ko sa paligid, hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Napatingin ako sa relo ko at...
'WTF'
Hindi umaandar ang mga kamay nito! Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang oras.
7:35 Am
'Lagot! Hayss, kaasar!
Patakbo kong tinungo ang classroom ko at gaya ng inaasahan naglelesson na sila.
"Good morning, Sir!" Hinihingal kong bati sa gurong nagtuturo.
"Transferee?" Tanong niya na nagpatango sa'kin. "Come in! But, before you take your seat... Kindly introduce yourself first." Utos ng matanda at medyo panot na lalaki.
Since madalas akong magtransfer, piece of cake nalang para sa'kin ang pag-i-introduce sa sarili ko.
"Hi! Good morning everyone, im Trinity Villafuente... 16 years old from Helena's Village. I hope that im gonna be friends with you guys. And i am pleased to meet you all."
Itinuro niya ang bakanteng silya sa likod. "Please take a sit."
"Thank you, sir!"
Tinungo ko agad ang bakanteng silya at inilagay ang aking bag.
Napatingin ako sa lalaki sa gilid ko at pinagmasdan ang kabuuan niya. Maputi, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata, manipis ang labi at itim na itim ang buhok. Siguro pag dinefine mo ang ibig sabihin ng gwapo, mapapaturo ka nalang sa kanya."Hi!" Bati ko sa suppose to be seatmate ko. Nagsayang lang yata ako ng laway sapagkat wala manlang ni Hi ni Ho na lumabas sa bibig niya.
Baka hindi niya lang nadinig kaya inulit ko ang aking sinabi. "Hi! I'm Trinity Villafuente." Sabay lahad ng aking kamay.
Dahan dahan siyang napatingin sa'kin ng nakataas ang isang kilay. "Didn't you introduced yourself a while ago, did you?" Binalik niya ang kanyang tingin sa guro naming naglelecture about science.
BINABASA MO ANG
Para Lang Sa'yo
القصة القصيرةAng pagmamahal ay my kaakibat na sakit. Kapag nagmahal ka dapat handa kang tumanggap Ng sakit dahil hindi ka tunay na nagmamahal Kung hindi ka nasasaktan at hindi ka masasaktan Kung hindi ka tunay na nagmamahal.