Chapter 1

5 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, character, business, places, events, incidents are either the product of the author imagination or used in a fictitious manner. Kung may pagkakahalintulad man sa totoong pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng gumawa.

*****

Chapter 1

Axel Marquez Point of View

   

   Napangiwi ako ng dagdagan pa ng isang file ang dala-dala ko. Halos takpan na ang mukha ko dahil sa nakaparaming dala ko na mga papeles. Parang gusto na bumigay ng mga braso ko sa sobrang bigat ng mga papel.

"Gusto kong ibigay mo 'yan sa lahat ng department." Wika ni Mrs. Chu na assistant ng Boss namin.

Gusto ko sana magreklamo ng bigyan niya ako ng matalim na mga tingin at bigla niyang inaangat ang telepuno na iniwagayway sa ere na tila may pinapahiwatig. Nagtagis naman ang mga bagang ko sa pagkainis.

Hindi ako pwedeng magreklamo at kailangan kong sumunod sa mga utos ng matandang babaeng ito, kundi isusumbong niya ako sa Big Boss.

"Yes, ma'am." Bored na sagot ko at tumalikod at nag-umpisa gawin ang trabaho ko ng makatapos agad ako at makagawa pa ng iba. Gusto ko ng matapos ang bagay na 'to. Napapagod nako.

Napangingiwi ako sa tuwing nararamdaman ko ang pagtulo ng pawis ko mula sa noo ko. Kahit may aircon ang buong floor ng kumpanya ay pinagpapawisan parin ako. Letche. Mag-aamoy pawis agad ako nito. Kakasimula ko palang!

Pagkabigay ko ay hindi ko na inaantay ang sagot ng mga binigbibigyan ko at iniiwan ko agad ang table nila at pupunta agad sa another table.

"Wait lang, Sir. Axel!"

Napahinto ako ng may biglang tumawag sakin. Tumakbo siya papalapit sakin at ibigay muli ang papeles na ibinigay ko sakanya.

"Hindi po 'yan sakin ibibigay. Dapat 'kay, Sir Arthur po." Saad niya na tila nang aakit pa. Napasimangot ako bigla.

"Eh, kung ganun, dapat ibinigay mo na hindi yung ako pa! Marami pa akong gagawin!" Masungit na saad ko sakanya. Natakot naman siya at muling binawi ang papeles at pinuntahan ang table ng sinasabi niyang Sir. Arthur na head ng department nila.

Bweset. Kung alam niya edi siya ng magbigay. Pahihirapan niya pa akong maghanap at maglakad. Tsk. Stupid. Paano kasi puro landi ang iniisip.

Muli kong pinagpatuloy ang ginagawa ko at ng matapos ako ay sakto ay lunch break na. Napaupo ako sa isang couch kung saan pwedeng mag relax o magpahinga saglit ang mga empleyado. Allowed sa kumpanya namin ang pagpahinga just make sure ay tapos na ang lahat ng ginagawa mo.

"Lunch po tayo, Sir. Axel." Aya sakin ng isang empleyadong babae. Umiling ako bilang sagot. Ayuko makisama sakanila dahil sa oras na makisama ako sigurado akong hindi ako makakain dahil puro sila tanong sakin.

Agad naman nila akong iniwan. 'Shit. Nagugutom nako. Siguro pupunta na lang ako sa malapit na fast food. Tatayo na sana ako para umalis ng biglang sumulpot ang Big Boss namin na si Sir. Manuel.

"Come to my office, Axel." Striktong sabi niya at hindi inantay ang sagot ko at tumalikod agad.

Nakaramdam naman ako ng kunting kaba. 'Shit. Sana wala namang nagreklamo sakanya dahil sa attitude ko kanina. May ilan kasi akong sinungitan habang nagtatrabaho ako. Dala ng pagod at inis kaya nagagawa ko 'yon.

Agad akong sumunod sakanya at pumasok sa loob ng kanyang opisina. Napakalaki ng kanyang opisina at napaka modern tingnan. May makikita kang iba't ibang kulay sa mga gamit. Nakakabuhay tingnan ang kanyang opisina.

Dawn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon