Prologue

8 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, character, business, places, events, incidents are either the product of the author imagination or used in a fictitious manner. Kung may pagkakahalintulad man sa totoong pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng gumawa.

****

Prologue

    Napabuga ako ng hangin ng makita kong tumatayo ang demunyong pinabagsak ko. Marami na itong tama sa katawan at nalalapnos na ang balat nito na dahilan kung bakit napakabaho ngayon.

Tumayo ako bigla at umatras. Nakakasuka ang kanyang amoy. Tila sinusunog na patay na hayop at tao ang kanyang amoy.

"Give up, bitch." Saad ko. Sumigaw naman siya sakin bilang sagot. Pulang-pula na ang mata nito at lumuluha na ng kulay itim na dugo.

"Ang pangit na ng itsura mo." Panglalait ko sakanya. She just growled and she tried her best to stand up. Napailing na lamang ako at hinugot ang isang dagger sa loob ng coat ko. Nang makita niya ang hawak ko ay bigla siyang napaatras at napalitan ng takot ang galit sakanyang mukha.


"Accept your fate. Ikaw ang nagdesisyon nito at hindi ako o ang kung sino 'man." Malamig na sabi ko sakanya at dahang-dahan akong lumapit sakanya.

Napangiti naman ako ng maamoy ko at maramdaman ko ang takot niya. Nararamdaman ko ang lumalabas na enerhiya na nagmumula saking katawan. Nag-uumpisa na ring magliwanag ang mga runes saking braso. Nag-uumpisa ng magsimula ang huling ritwal ng matapos ang pesteng assignment ko na 'to.

Kailangan ko ng tapusin ito dahil mag-uumpisa ng magising ang mga tao. Madadagdagan ang trabaho ko kapag nagkataon na may nakakita sakin na mortal. Tinaas ko ang magkabilang sleeve ng coat ko upang ilabas ang mga runes ko. I started to chant a spell.

"Trot trall frall tran trez flluz flen!
  Trot flav vlen xrat vab nezy tlem!"

I chanted until a black smoke surrounded the demon. Napaluhod ito at nag-umpisang magsuka ng kulay itim na dugo at maglabas ng itim na usok sa bibig.

"Stop! stop!"

Napangiwi ako ng marinig ko ang napakapangit na boses nito. Tila napakaraming tao ang sabay-sabay na nagsasalita.

Malamig na tinapunan ko ito ng tingin. Kahit kailan hindi ako makaramdam ng awa sakanila, kahit lumuhod sila saking harapan at lumuha. They are sinner at alam nila sa sarili nila na mali ang kanilang mga ginagawa. Nagbigay na ang nakakataas ng babala sa kanila ngunit hindi sila nakinig. Kaya pagdudusahan nila ang desisyon na pinili nila.




Itinaas ko ang hawak ko na dagger na ngayon ay umiilaw na rin ang mga nakasulat na runes.

"I'm Dawn and I'm sending this demon to Darkness!"

Kasabay ng huling mga kataga ay isinaksak ko ang patalim sakanyang dibdib. Nagsilabasan ang napakaraming itim na dugo sakanyang bibig at biglang kumuwala ang ingay ng napakaraming taong umiiyak sakanyang bibig.


Nag-umpisang magliwanag ang kanyang katawan at unti-unting naging abo ang kanyang paa paakyat sakanyang katawan.




"You will be live in hell for almost 50 thousand years and you will be punished. You will be whipped non stop." saad ko at unti-unting sumulpot ang scythe ko. I chanted a some spell. A spell to open the hell gate. Pagkatapos ko mag chant ay nag-ilaw ang kulay ube na mga runes sa talim ng aking scythe.





"There is a chance I will be reborn again? I want to make a second chance."


Bigla akong napatingin sakanya. Half of her body is becoming dust. Unti-unti naring bumabalik ang pagiging tao niya. The soul of demon is slowly leaving her body kaya agad akong gumawa ng barrier upang hindi ito makatakas.



"I don't know. I'm not the one who will decide that thing." sagot ko at itinaas ang scythe at tila hiniwa ang hangin saking harapan. Suddenly a magic circle form at biglang may lumabas na isang lagusan. Biglang lumakas ang hangin at pumasok ito sa loob ng magic circle. Kasabay ng hangin ay ang pagpasok ng katawan niya na naging abo.



I just watched her until the magic circle closed. Pagkalipas ng ilang segundo ay tila walang nangyari sa paligid at bumalik sa normal ang lahat. Niisa ay walang natira na bakas ng demunyong pinabagsak ko.





It's time to rest. Tinungo ko ang motorsiklo ko at sumampa at pinandar ito.






'I'm Dawn a creature who fought the uninvited guest here in earth. Hindi ako isang reaper at hindi rin ako si kamatayan at mas lalong hindi ako isang anghel. I can be an anybody. I can kill anyone if I want.'
















Dawn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon