Chapter 4

2 0 0
                                    


This is a work of fiction. Names, character, business, places, events, incidents are either the product of the author imagination or used in a fictitious manner. Kung may pagkakahalintulad man sa totoong pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng gumawa.
•°•°•

Chapter 4

    Axel

  NAKAHALUKIPKIP ako habang pinagmamasdan ang mga tauhan ko na inaayos ang mga papeles na nakapatong sa isang malaking table.

Napabuga ako ng marahas na hangin at tinalikuran sila. Dammit! Sumasakit ang ulo ko sakanila! Pinabaayan ko lang sila ng ilang araw ay nagkaganito na ang trabaho nila. Nagkakagulo na ang mga papeles at hindi nila alam kung ano ang bago at ang mga dapat i-dispose.

Napahilot ako sa'king sintido ng makita kong mangalaglag sa sahig ang mga papel. Natataranta na sila sa kakaayos ng mga papel kaya hindi na nila maayos ang ginagawa nila.

'Take a deep breath and relax. Walang magagawa ang inis mo sa sitwasyon na 'to ngayon.'

Pilit ko na kinukumbinsi ang sarili ko na huminahon at hindi sumabog sa galit. Sa mga oras na 'to ay kahit mainis ako ay wala iyong magagawa at baka lalo lamang silang magkagulo kong matatakot sila at  ma-pe-pressure lamang sila.

Pilit ko namang itinikum ang bibig ko. Ayuko magsalita baka kasi sa oras na bumuka ang bibig ko ay kung ano pa ang masabi ko.

Kinuha ko na lamang ang laptop ko na nakapatong sa coffee table. Pagdampot ko rito ay lumabas ako ng meeting room at hinayaan ayusin ang trabaho nila.

Pagkalabas ko ng kwarto ay agad akong sinalubong ng aking assistant na si Ms. David.

"Sir. Axel, ito na ang mga design for our new packaging." Wika niya at inabot sa'kin ang isang kulay red na folder.

"Thank you, Ms. David. Titingnan ko na lang sa office ko at tatawagan na lang kita kung may kailangan ako." Wika ko at iniwan siya.

Habang naglalakad ako ay napapatingin ako sa grupo ng mga emplayado na busy sa harap ng mga computer nila at sa hawak ng mga folder at paper.

Napakunot ang noo ko ng hindi ko makita ang taong hinahanap ko. Napatingin ako sa relong pangbisig ko para i-check ang time.

'9:40 AM na at wala pa rin siya. Late na siya!'

Pagkapasok ko sa loob ng opisina ko ay agad akong naupo sa upuan ko. Napatingin ako sa bagong table ko. I feel weird. Na ninibago ako sa design ng table ko. Kulay itim ito at may mga letters na kulay gold ang naka-engrave sa table. Nagtataka naman ako dahil hindi ko 'to maintindihan. Tsk. What kind of design is this? Saan ba 'to nakuha ni Papa?

Hindi ko na lamang ito pinansin at binuksan na lamang ang laptop ko at inumpisahan ang trabaho ko. Ang paningin ko ay palipat-lipat sa screen ng laptop ko at sa hawak kong papeles.

Dito sumasakit ang mata ko. Ang pagtingin sa maliwanag na screen at sa maliliit na letters.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ng opisina ko pero hindi ko nagawang tingnan ito. Masyadong okupado ang isip ko sa binabasa ko.

"Sir. Axel."

Biglang napatigil ang mga daliri ko sa pagtipa sa laptop ng makarinig ako ng malumanay na boses ng isang boses. That voice. Ang sarap pakinggan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dawn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon