Liah's POV
" Gabriel "
Ngumiti sya na nakakunot ang noo pagkasabi nya nun. Nakatitig lang ako sa kanya.
"Um, ikaw? Anong pangalan mo? Tsaka anong ginagawa mo dun sa lugar na yon ng gantong oras? Tapos mag-isa ka pa. Nakatira ka lang ba malapit dito? Ihahatid na kita baka balikan ka pa ng mga yun." Tuloy-tuloy na sabi nya. Ang daldal.
"Thank you." Maikling sagot ko. Napatigil naman sya at nakatitig din sakin. Ang ganda ng mata nya.
"Liah" pagpapakilala ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.
Kinuha nya naman ito at nakipag-shake hands sakin. Tapos tinignan nya ulit ako at ngumiti.
Yung ngiti nya, ansarap makita. Parang nakakagaan ng loob.
"Gabriel" tawag ko sa pangalan nya.
"Bakit?" Mabilis na sagot nya.
"Pwede na" sagot ko.
Kumunot na naman ang noo nya sabay sabing...
"Pwede nang ano?" Tanong nya habang nakakunot pa din yung noo nya.
"Pwede mo ng bitiwan yung kamay ko" sabi ko sa kanya.
Tinignan nya to at nakitang hindi pa nga nya binibitiwan ang kamay ko kaya agad-agad nyang inalis ang kamay nya sa kamay ko.
"Sorry" pagpapaumanhin nya.
"Uh, okay ka lang ba? Hindi ka ba nila nasaktan?" Tanong na naman nya."Okay lang, hindi pa naman sila nakakalapit sakin e" paniniguro ko sa kanya.
"Ganun ba? Ihahatid na kita sa inyo. San ka ba nakatira?" Tanong nya ulit.
"Hindi na ayos na ko, kaya ko ng umuwi mag-isa." Sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka? Hindi ka ba natatakot pagkatapos nung nangyari?" Andami nitong tanong. Tsaka bat ako matatakot? Kung hindi lang sya dumating malamang mga kalbong lumpo na yung tatlong ulol na yun ngayon.
Magsasalita pa sana sya kaya lang biglang may dumating na sasakyan at tumigil ito sa harapan namin.
Si Troy.
Lumabas sya sa kotse at naglakad papunta samin. Alalang-alala yung itsura nya. Tumigil sya harap ko at luluhod sana pero pinigilan ko na agad sya sabay senyas ko sa direksyon ni Gabriel. Tinignan nya ito at nakita si Gabriel na hindi makaimik dahil sa biglaang pagdating nya.
Natauhan naman sya at inayos ang sarili bago humarap ulit sakin.
"Liah, san ka ba galing. Kanina pa kita hinahanap. Nag-aalala na sayo si mama." Pagsasabi nya ng may pag-aalala pa rin.
"Okay lang ako, pauwi na rin naman ako e. Sya nga pala si Gabriel, niligtas nya ko kanina dun sa mga lalaking nangharang sakin sa may burol." Pagpapakilala ko kay Gabriel. Humarap sya kay Gabriel at inabot ang kamay nya dito.
"Gabriel, sya si Troy pinsan ko" pagpapatuloy ko.
"Pare salamat sa pagligtas mo sa pinsan ko ah." Magalang na pagpapasalamat ni Troy sa kanya.
"Ah wala yun pare, buti na lang nandun din ako nung naharang sya ng mga yun." Paliwanag ni Gabriel.
"Oo nga pare, buti nandun ka. Kung hindi baka kung ano na nangyari dito sa pinsan ko." Pag-sangayon pa ni Troy kay Gabriel.
"Sige Troy iuwi mo na si Liah. Baka lalo lang mag-alala ang mama mo sa inyo." Sabi ni Gabriel.
"Sige Gab! Salamat ulit ha. Mauna na kami, tara na Liah." Pag-aaya nya sakin. Gab? Close na ba sila ?
Tumango lang ako sa kanya at sumunod na sa kotse. Binuksan ko ang pintuan ng passenger's seat pero tumigil muna ako para tingnan si Gabriel.
Nakatingin din sya sakin. Ngumiti sya at kumaway sakin kaya nginitian ko din sya. Nararamdaman kong mabuti syang tao. Sana magkita pa ulit kami.
Sumakay na ko sa kotse at umalis na kami ni Troy.
Kinabukasan...
Sa kusina habang nag-uumagahan kami. Tahimik lang silang dalawa. Hindi na rin napag-usapan kagabi yung nangyari kahapon dahil ayoko na din namang magpaliwanag, nagpahinga na rin agad ako pagkauwi namin ni Troy. Hindi rin sya umiimik sa byahe nung pauwi na kami. Alam kong nagagalit sya sa sarili nya kase hinayaan nya kong mag-isa. Natatakot syang baka hindi lang yun yung panganib na makaharap ko sa susunod na wala sya sa tabi ko.
"Hindi ba kayo magsasalita?" Napatigil sila sa pagkain ng magsalita ako. Tumingin sila sakin na parehong mukhang madaming gustong sabihin.
Umalis si Troy sa pagkakaupo nya at lumuhod sa may gilid ko habang nakayuko ang ulo.
"Patawarin nyo po ako kamahalan, hindi ko po dapat kayo hinayaang mag-isa kagabi. Hindi ko po kayo nabantayan ng maayos, patawarin nyo po ako."
Paghihingi nya ng tawad sakin."Tumayo ka nga dyan!" Agad naman syang sumunod at tumayo pero nakayuko pa rin sya.
"Tumingin ka sakin" utos ko sa kanya. Agad naman syang tumingin sakin at nakinig.
"Kayang-kaya ko ang sarili ko Troy, hindi ko sinasabing hindi kita kailangan pero napakaliit na bagay lang nun. Tsaka may tao namang tumulong sakin kaya wag mo ng alalahanin yun ha?" Pagpapaliwanag ko sa kanya. Tumingin sya sakin ng may pagtataka. Hindi ko sya maintindihan.
"Sige na, okay lang yun" tumango lang sya at tinapos na namin ang aming agahan.
Pagkatapos ng agahang yun naligo ako at dumeretso sa training room namin. Nagsimula na kong magtraining gamit combat skills ko, sunod kong ginawa ay pakikipaglaban gamit ang espada. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat, ang pana. Mahigit isang oras na din akong nagtetraining ng maramdaman ko ang presensya ni Troy.
Tumigil ako sa paggamit ng pana at humarap sa kanya. Lumapit ako sa pwesto nya at kumuha ng tubig at ininom ko ito. Nakasandal sya sa may pinto at nakatingin sa kabuuan ng training room.
Binaba ko na ang baso ng tubig pagkaubos ko nito.
"Nababasa ko ang isip ni Gabriel" panimula nya.
"Alam ko" sagot ko sa kanya.
"Pero ikaw hindi" napalingon ako sa kanya pagkasabi nya nun.
"Mukhang mabuti naman syang tao, at mukhang na-love at first sight sya sayo kagabi" pagpapatuloy nya pa.
Hindi ko sya sinagot at umupo na lang sa mahabang upuan sa training room. Binabasa nya ko, pero di nya magawa.
"Ganun din ba ang nararamdaman mo sa kanya?" Punong puno ng pagtataka nyang tanong sakin.
Pero tinignan ko lang sya.
Hindi ko alam...
BINABASA MO ANG
Out of Reach
FantasyThe man you fell in love with Is the man who can't be with you The man you gave your heart to Is the same man who broke it into two Is there any chance that he can be with you? Is there a possibility that fate would let you see each other again? I...