Chapter 4

3 0 0
                                    

Gabriel's POV

" Liah " pagpapakilala nya sabay abot ng kamay nya sakin. Inabot ko din naman ito at nakipagshake hands sa kanya.


Tumingin ako sa kanya at ngumiti, ganun din ang ginawa nya.


Ang tamis nyang ngumiti, at yung mga mata nya, itim na itim at parang inaalam nito ang buong pagkatao ko sa titig palang ng mga ito.








Ang ganda nya.









Kinakabahan ako ngayon sa harap nya pero kumportable ako dahil sya ang kasama ko.


Anong nangyayari sakin?
Anlakas ng dating nya sakin.
Sino ka ba Liah?


" Gabriel " tinawag nya ang pangalan ko. Parang tumatalon yung puso ko.


"Bakit?" Mabilis na sagot ko sa kanya.


"Pwede na" dugtong nya. Napakunot yung noo ko sa sinabi nya. Pwede na?


"Pwede nang ano?" Tanong ko sa kanya.


"Pwede mo ng bitiwan yung kamay ko" sabi nya. Tinignan ko yung kamay nya at nakitang nakahawak pa rin ako dito. Agad-agad ko naman itong binitiwan at nagsorry sa kanya.














" Liah " banggit ko sa pangalan nya. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at inaalala ang nangyari kanina.

Kakauwi ko lang galing sa burol at dumeretso na agad ako sa kwarto ko pagkauwi ko.

Nakita ko syang dumating at umupo dun sa may burol nung hapong yon. Hindi nya ko nakikita pero nasa may kabilang bahagi lang ako ng burol at tinitignan ang buong lungsod.

Sanay akong makipagkaibigan sa ibang tao, pero mukhang malalim ang iniisip nya at kailangan nyang mapag-isa.

Kaya sinamahan ko sya kahit di nya alam. Hanggang sa dumaan na nga yung tatlong lasing na lalaki at nangyari na ang mga nangyari.

" Liah " banggit ko ulit sa pangalan nya. Ang ganda naman ng pangalan nya. Bagay na bagay sa kanya.

Tapos yung mukha at aura nya. Mukhang di sya ordinaryo at basta-bastang babae lang.

" Liah " pag-uulit ko pa sa pangalan nya. Ang ganda talaga e. Kelan ko kaya sya makikita ulit.

Hanggang sa nakatulog na ko na sya ang nasa isip ko.















Kinabukasan...


" Gabby ! Baby ! Gising na anak, magbreakfast na tayo " tawag ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. Saktong gising na din ako bago tumawag si mommy.

"Pababa na po Mie, wait lang po" sagot ko kay mommy.

"Okay anak" pagkasabi nya nun ay umalis na din si mommy. Kaya lumabas na din ako at dumeretso na sa kusina.

"Oh son, kain na. Pagkatapos mo maligo ka na at samahan mo ko sa hardware ha. Madami pa tayong bibilhin para sa renovation ng nitong bahay kaya tulungan mo muna ako ha. Baka medyo hapunin na din tayo dun."  Sabi sakin ni Dad na nagkakape na.

"Sige po Dad." Sagot ko naman.
Pagkatapos nun ay naligo na nga ako at sumakay na kami ni Dad sa sasakyan at dumeretso na hardware.

Pero habang nasa daan kami napansin ko ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa garahe ng isang malaking bahay.

Inisip ko kung san ko nakita yun at nagulat nang maalala ko.

Kotse ni Troy, yung kagabi, yung pinsan ni Liah. Agad kong nilingon ulit yung bahay at tinandaan kung anong street yon.

Pagkauwi namin ni Dad galing hardware nagpaalam ulit ako para umalis.

Nagbike na lang ako kase medyo malapit lang sa street namin yung bahay na yon.












Sana dun sya nakatira.











Nakarating na ko sa may tapat ng bahay pero nasa may kabilang kalsada lang ako. Kokonti lang ang bahay dito at parang subdivision din.

Ang laki ng bahay na to. Nakatingin lang ako mula sa labas ng bahay nang may lumabas sa pinto at dumeretso sa gate. Hindi ko sya masyadong maaninag dahil sa mga halaman malapit sa gate.

Nagulat ako sa nakita ko pagkalabas nya ng gate.











Si Liah...











Napangiti ako nang makita ko sya. Nakita ko ulit sya. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako. Masayang masaya ako.

Napatingin sya sa direksyon ko. Kaya parang natauhan ako. Pero hindi naman sya mukhang nagulat.

"Gabriel" tawag nya sa pangalan ko. Bakit ba kinakabahan ako sa tuwing tatawagin nya ang pangalan ko.

"Uh, haha. Hi Liah ! Um dito ka pala nakatira ? Haha, ang ganda ng bahay nyo ah, kamusta na ?" Nagmamadali kong pagsasalita. Ano yung mga sinabi ko? San ba galing yun ?

"Ah oo, dyan nga ko nakatira. Ayos lang naman ako, ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin.

Anong sasabihin ko napadaan lang ? Bakit naman ako mapapadaan sa lugar na to ? Ano namang gagawin ko dito ? Hays, ayokong magsinungaling.

"Uuuuh..." Bumuntong hininga ako at sinabi na ang totoo sa kanya.

"Nakita ko kase yung kotse na yan kanina, e pamilyar sakin, yan yung dala ni Troy kagabi diba?" Sabay turo ko dun sa kotseng nasa garahe nila. Nilingon nya din naman ito at binalik ang tingin sakin.

"Naisip kong baka dito ka nga nakatira kaya, pumunta ako dito pagkauwi ko kanina." Pagpapatuloy ko pa.

Nakatingin lang sya sakin kaya hindi na ko ulit nagsalita. Pero . . .












Dahan-dahan syang ngumiti.







Para nya kong hinihypnotize ngayon. Para syang nagliliwanag.








Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.








At sa simpleng pagngiti nyang yun...
















Parang nahuhulog ako . . .

Out of ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon