Liah's POV
Troy and I, were partners since the beginning. Hindi nya ko iniiwan sa lahat ng bagay, kase bawal. Palagi nya kong pinoprotektahan, at ganun din ako sa kanya. Ayaw nya dahil sabi nya responsibilidad nya daw yon, but I will not just sit pretty in times of peril.
Simula ng nangyari 9 years ago, binago namin ang lahat ng nakasanayan namin. Ang komportable at mataas na antas ng pamumuhay, pati na rin ang pagbati ng paggalang, lalo na sakin.
Hindi dapat ako kinakausap nina Troy at Veronica sa ganitong paraan pero kailangan. Kailangan naming maging maingat.
Pumasok na kami ni Troy sa classroom at umupo na. Nasa pinakahuling upuan sa may tabi ng bintana ang upuan nya at ako sa unahan nya. Ganun lagi ang set-up namin. Or kapag dalawahan yung upuan palagi kaming magkatabi.
Ramdam kong nakatingin sya sakin ngayon, pero ayoko ng magsalita pa kaya hindi ko sya pinansin.
Hanggang sa dumating na ang subject teacher namin at nagsimula ng magdiscuss. Nakinig na lang sya sa discussion kaya ganun na lang din ang ginawa ko.
RIIIIIIIINNNGG (Bell ringing)
"Okay class dismissed" sabi ng last teacher namin.
Lumabas naman agad lahat ng tao sa room at kami na lang dalawa ang natitira sa loob. Kinuha ko na ang bag ko at palabas na din sana nang bigla syang nagsalita.
"Liah" tawag nya sakin. Nilingon ko naman sya.
"Anong plano mo?" Tanong nya.
Anong plano ko? Hindi ko rin alam."Hindi ko alam" sagot ko.
"Mauna ka na umuwi, susunod na lang ako" sabi ko pa sa kanya."Sasamahan na kita" pagpepresinta nya.
"Hindi na, kaya ko na to. Babalik din ako agad" pagtatapos ko. Tumalikod na ko at lumabas ng pinto.
Hayaan mo muna ako mag-isa Troy. Kailangan ko munang mag-isa.
Bigla kong naalala yung pag-uusap namin kanina habang nagdadrive sya...
Flashback...
" I had that dream again. "
Bigla nyang hininto ang kotse at kitang kita ko kung pano nagbago ang expression ng mukha nya mula sa pagkakangiti nya hanggang sa pagkagulat at pagiging seryoso nito.
Binalik nya ang tingin nya sa daan pero nakatigil pa rin kami. Nag-iisip sya nang malalim at ganun din naman ako.
"Bakit kaya sa araw pa ng birthday mo?" Nagtatakang tanong nya sakin.
Ganun din ang ipinagtataka ko. Tuwing mapapanaginipan ko yung pangyayaring yon, may nangyayari. Tulad nung nasa 8th grade ako, pagkatapos kong managinip nun, nadiscover ko ang kapangyarihan ko, ang apoy. Nung 10th grade naman yung pangalawang kapangyarihan ko, ang tubig. At yung huli, last year lang, ang kakayahang maramdam ang energy ng mga nasa paligid ko, kahit kapangyarihan ni Troy at Veronica nararamdaman ko.
Hindi ako Avatar, hindi rin ako anak ni Zeus. Prinsesa ako ng mga taga Norte, at ngayon nagtatago ako dahil may death threat sakin si Victoria, ang Ice Queen.
Kinamumuhian ko sya, tuwing maaalala at mapapanaginipan ko yung gabing yon, yung gabing kinuha nya sakin ang mga pinakamahalagang tao sa buhay ko, pakiramdam ko lalo akong lumalakas dahil sa galit ko sa kanya.
PEEP PEEEEEEP! (Horn blowing)
Nagulat kaming dalawa sa busina ng sasakyang nasa likuran namin. Nakatigil pa pala kami sa gitna habang malalim ang iniisip. Agad-agad pinaandar ni Troy ang sasakyan namin at dumeretso na sa school...
End of Flashback...
Ngayon nasa isang burol ako na kita ang ganda ng buong city habang hinihintay na lumubog ang araw.
Miss ko na po kayo...
Mga katagang tanging laman ng utak ko ngayon. Si mama, sya yung pinakamaunawain na taong makikilala mo sa buong buhay mo. Si papa naman, sobrang lambing nya, tapos antaba nya pa kaya ansarap nyang yakapin.
Nalulungkot ako, sobrang nalulungkot ako ngayon.
Biglang may narinig akong padating na mga taong nagtatawanan. Lumingon ako sa dereksyon nila at nakita ko ang tatlong lalaking naglalakad. Mga kasing edad ko lang tong mga to.
Hindi ko na sila pinansin at tumalikod na lang ulit. Medyo madilim na rin. Pero ayoko pang umalis. Dito na muna siguro ako.
Naramdaman kong tumigil sila sa paglalakad nung nandun na sila sa tapat ko. Pinakiramdam ko lang sila.
"Hello po!" Bati nung isa sakin. Mukhang mga lasing ang mga to.
Di ko sila pinansin para umalis na din sila. Pero, hindi yun ang nangyari.
"Ay pare hindi ka pinapansin, mahina ka" pang-aasar nung pangalawang ulol.
Hindi ko pa rin sila pinansin.
Naiirita na ko sa inyo."Miss wag mo naman ako ipahiya sa mga tropa ko oh, if you want we can hangout tonight" dagdag pa nung unang ulol.
Tsk!
Tumayo ako at humarap sa kanila.
"Oooooy ! Pare papayag na ata hahaha! Ano miss tara na!" Pang-aasar naman nung isa pang ulol sabay ngising pangmanyak.
Pinagmasdan ko lang sila.
"Pipi ka ba ? Alam mo mas okay yan. Wala kang, ibang pwedeng pagsabihan" sabi nung unang ulol.
"Tss! Who the fuck do you think you are ? Huh?" Nabubwisit kong tanong sa kanila.
"Marunong ka naman palang magsalita e, bat di ka na lang sumagot ng oo o hindi kung sasama ka samin? Sabagay, wala ka namang choice e, kundi sumama. Wala kang magagawa" sabi nung unang ulol.
Naglakad na sila papalapit sakin pero hinahayaan ko lang sila.
Nang biglang...
"Wuuuuuuuy! Mga pare! Anong ginagawa nyo sa magandang binibini ha?" Pagpigil nang isa pang lalaki sa paglapit sakin nung tatlong ulol. Sino naman to?
Huminto naman yung tatlo at tumingin sa kanya habang lumalapit sya sakin hanggang sa nakaharap na sya dun sa tatlo at nasa likod nya na ako.
"Sumunod ka lang sakin" bulong sakin nung epal.
"Hoy! Sino ka ba?" Tanong nung pangatlong ulol.
"Ang inyong, bangungot" sabi nya. Sabay higit sa kamay ko at tumakbo palayo sa mga ulol.
"Hoy! Tumigil kang pakilamero ka !" Sigaw nung pangalawang ulol.
Hanggang sa nakalayo na kami kaya tumigil na sya at ganun din ako. Binitawan nya na ang kamay ko at humarap sakin.
"Okay ka lang?" Tanong nya sakin.
"Sino ka?" Tanong ko din sa kanya.
"Wala man lang thank you?" Tanong nya pero tinignan ko lang sya.
"Gabriel"
BINABASA MO ANG
Out of Reach
FantasíaThe man you fell in love with Is the man who can't be with you The man you gave your heart to Is the same man who broke it into two Is there any chance that he can be with you? Is there a possibility that fate would let you see each other again? I...