Chapter 6

573 19 0
                                    

Chapter 6

Hindi ko alam kung bakit siya galit. Days had passed pero hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng tanong kung bakit galit si Atlas noong huli kaming nag-usap.

Nakakaramdam ako ng konsensya kahit alam kong wala naman akong maling ginawa para magalit siya. 'Yon ang kadalasang problema sa akin. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko alam ang dahilan ng isang bagay o sitwasyon.

Sinubukan kong kausapin si Atlas pero dinadaanan niya lang ako na para bang isa lang akong hangin. Mas lalo akong nalito dahil nakumpirma kong galit nga siya.

One time, galing ako sa trabaho at nakasalubong ko si Aling Ida sa labas. Hindi raw niya mahagilap si Atlas kaya ako nalang daw ang magpaalala sa bayad niya sa renta.

Gusto kong tumanggi pero naisip ko na opportunity narin 'yon para makausap ko siya.

Sakto naman na pag-akyat ko ng 2nd floor ay nakasalubong ko naman siya. Bagong ligo at nakaporma. Mukhang aalis. Kahit malayo palang ay amoy ko na agad ang bango niya. Simula nung unang beses na naamoy ko kung gaano siya kabango ay hindi na mawala sa isip ko 'yon.

"Uhm...pinapasabi ni Aling Ida...y-yung bayad mo raw sa—-"

"I know," malamig na sabi niya at tuluyan na akong nilagpasan.

Sobrang pagkapahiya ang naramdaman ko no'n. Simula noon ay hindi na ulit ako nagtangkang kausapin ulit siya. Galit siya kaya ayaw niya akong kausapin. Hindi nalang ako nagpumilit.

Noon naman okay lang sa akin kahit hindi kami mag-usap dahil nga ayoko sa ugali niya. Iba ngayon dahil pinaparamdam niya na may kasalanan ako sa kanya.

Mas dumadami na ang activities at schoolworks namin. Malapit na rin ang event namin at ang alam ko ay kasabay namin ang mga archi students.

Madalas kong nakakausap si Vincent sa phone. Kinuwento ko sa kanya na lumipat na ako ng Pasay. Pati school at work ko ay sinabi ko rin sa kanya. Hindi rin naman niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi.

Ngayon ay nasa Cebu siya, doon siya nag-aaral at pansamantalang nakatira. Sabi niya ay one of these days daw ay pupuntahan niya ako. Sinabi ko na huwag na dahil malayo. Hindi nagpumilit ang lalaki pero alam kong gagawin nga niya.

Tungkol naman sa hangout namin, sa isang araw na 'yon kaya wala na talaga akong choice para hindi sumama. Isa pa, magtatampo raw silang lahat kapag hindi ako kasama.

Honestly, it warms my heart knowing na hindi sila papayag 'pag hindi ako kasama. Ibig sabihin lang no'n ay pinapahalagahan nila ang presensya ko.

Kakauwi ko lang galing trabaho at nakahiga ako ngayon sa aking kama. Katabi ko si Thor na nakahiga rin at tulog na. Hawak ko ang cellphone ko habang nags-scroll sa Facebook. Na-accept ko na ang friend request nina Jerald at Marcus.

Gumawa pa sila ng GC. 'Mga Delikado sa First Sem' ang pangalan ng group. Si Jessica ang gumawa. Hindi ako madalas mag-chat pero nagbabasa ako ng mga message nila.

Jessica: excited ako sa event, marami daw pogi sa architecture department :>

Marcus: ako lang 'to

Jessica: tanga, hindi ka kasama

Irene: magsitigil nga kayong dalawa, dito pa kayo naglandian

Kadalasan ay sina Jessica at Marcus lang ang madalas mag-chat sa gc na 'to. Dito sila nag-aaway.

Jerald: basta sa saturday ha, g tayong lahat

Jessica: hindi raw sasama si Caroline

Jerald: totoo ba? @Caroline Therese Aranza akala ko kasama kana?

The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon