Chapter 18
Hindi ako nagsalita. Ayokong sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot. Bakit niya pa kailangan sabihin 'yon? Mas lalong gumugulo ang isipan ko.
Hindi ko nga alam kung bakit niya ako hinalikan. Ngayon ay mas dinagdagan niya pa ang mga tanong ko.
Katahimikan ang muling nangibabaw sa pagitan naming dalawa. Pinagdarasal ko na huwag na siyang magsalita o magtanong pa. Hindi na kaya ng dibdib ko dahil parang kakawala na ito sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
Lumipas ang segundo, minuto, at oras. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Paano ako makakatulog kung ang taong iniiwasan ko ay sobrang lapit lang sa akin ngayon?
Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Masarap matulog dahil malamig pero hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung tulog na ba si Atlas. Gusto kong i-check kung tulog na siya pero ayoko namang humarap sa gawi niya. Baka mamaya ay gising pa siya at mahuli akong tinitingnan siya.
Kasabay nang paghinga ko ng malalim ay humataw naman ang isang pinagsamang kulog at kidlat.
"Ay—" tinakpan ko agad ang bibig ko. Sobrang lakas noon kaya gulat na gulat ako.
"Are you okay?"
Hindi ko inaasahan ang pagtatanong ni Atlas. Wala naman akong ideya kung tulog na ba siya o hindi kaya nagulat din ako nang magtanong siya.
"A-Ayos lang," sagot ko.
"Are you...afraid?" tanong ulit niya. Kumunot ang noo ko. Inakala niya sigurong takot ako sa kulog at kidlat.
"Hindi ako takot," sagot ko. Hindi naman talaga ako takot. Nagulat lang dahil hindi ko inaasahan.
Hindi ko na siya narinig sumagot pagkatapos noon. Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit matulog. Napadilat ako nang muling magtanong si Atlas.
"Can't sleep?" maaligasgas ang kanyang boses.
"Oo," maikling sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Me too," aniya.
"Bakit?" nakagat ko ang labi ko dahil sa biglang pagtatanong. Hindi ko naiwasan.
"Can't sleep with the lights off," sagot niya. Napa-'o' ang aking mga labi sa sagot niya. Hindi naman niya nakikita ang reaksyon ko dahil nakatalikod ako sa gawi niya. Hindi ko naman alam na ayaw niya pala ng nakapatay ang ilaw kapag natutulog.
Kabaligtaran ako.
"I can't sleep with the lights on," sambit ko.
"It's okay." wika niya.
Bigla na namang kumulog at kasabay na noon ang pagkamatay ng electric fan. Walang kuryente. Bumaba ako sa aking kama at hinugot ang saksak ng electric fan. Ni-off ko rin ang refrigerator.
Hindi ako nag-react dahil normal lang naman mawalan ng kuryente lalo at may bagyo.
Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan ang oras. 2:23 am. Ito na yata ang pinakamalalang pagpupuyat ko. Usually kasi 9pm tulog na ako.
Ibababa ko na sana ang aking cellphone nang bigla iyong mag-ring sa isang tawag. Kumunot ang noo ko nang makitang unknown number ang tumatawag. Sino naman ang tatawag sa akin ng ganitong oras?
Sinagot ko ang caller para malaman kung sino ang tumatawag.
"Hello?"
Walang sumagot sa kabilang linya.
"Hello po? Sino po ito?" magalang na tanong ko. Wala pa ring sumagot.
Nilayo ko ang phone sa tenga ko para tingnan kung naputol ba ang tawag pero hindi naman. Nag-hello ulit ako at nang wala paring sumagot ay pinutol ko na ang tawag. Siguro ay walang signal dahil sa bagyo.
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
Roman d'amourCaroline Therese and Atlas Jimenez both had their own lives before they met. Caroline is a self-sufficient young woman who wants to work for herself. Her ambition has always been to live in peace. Then she met Atlas Jimenez, an egotistical guy who b...