Chapter 11
"Atlas," muling tawag ko sa kanya habang nakahawak sa kanyang uniform. Luminga ako sa paligid at nagbakasaling may tao ngunit wala.
Patuloy ang paglapit sa amin ng mga kalalakihan. Napansin kong ang dalawang kasama niya ay may hawak na kahoy. Mas lalo akong kinabahan at natakot. Tahimik akong nagdasal na sana ay may makakita sa amin.
"Umalis na lang tayo, Atlas. P-Please," sambit ko habang nangingilid ang luha. Hindi tumitingin sa akin si Atlas dahil nasa harap ko siya.
"You call for help," mahinahong sabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging mahinahon sa mga oras na ito habang ako ay natataranta na.
"Paano ka? Umalis na tayo," humigpit ang hawak ko sa kanyang uniform. Lukot na lukot na iyon dahil sa hawak ko.
"Tumakbo kana, Caroline. I'll distract them, then you call for help." sambit niya. Umiling ako bilang sagot kahit alam kong hindi niya ako nakikita.
Hindi pamilyar sa akin ang mga mukha ng mga lalaking ito kaya alam kong hindi sila taga-rito sa street namin. Sa mga itsura pa lang nila ay alam kong may hindi sila magandang balak sa amin.
"A-Ayoko, sumama ka na kasi," wika ko. Natatakot ako pero hinding-hindi ko gagawin na iwan siya rito.
"Tsk. This is not the right time to be hardheaded, go!" pagpupumilit niya sa akin. Madiin akong umiling kaya lumingon siya sa akin. Seryoso ang kanyang mukha ngunit may bakas ng galit at pag-aalala.
"Go, Caroline." madiin na sabi niya. Umiling ulit ako sa pangatlong beses. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa uniform niya.
"Eto ba 'yong sumapak kay Tupe?" sabay kaming napalingon dahil nagsalita ang lalaking nasa gitna. Mas matangkad siya kumpara sa mga kasama niya.
"Oo, yan 'yon. Matangkad na maputi raw e," sagot noong nasa kanan. Lumunok ako ng isang beses bago nagsalita.
"M-Mali po k-kayo. Hindi po kami yung tinutukoy niyo. Dadaan lang ho kami," wika ko. Napatingin sa akin ang tatlong lalaki kaya nagtago ulit ako sa likod ni Atlas.
"Siya nga 'yon, Boss! 'Yan ang babaeng sinusundan ni Tupe noong nakaraang linggo e!" segunda ng lalaking nasa kaliwa.
Ako? Sinusundan nung Tupe? Sino 'yon?
Nabuo ang aking pagtataka nang maalala ang muntik ko nang pagkapahamak last week. May sumusunod sa akin at nabunggo ko si Atlas. Sinuntok niya ang lalaki at pinahuli sa mga Barangay tanod.
Mahinang napamura si Atlas.
"I punched him because he deserved it." seryosong sabi ni Atlas. Nagalit ang mukha noong nasa gitna.
"Putanginamo! Ang yabang mong hayop ka! Pa-ingles ingles ka pa! Sige, palibutan niyo 'yang dalawang 'yan!"
Agad na sumunod ang dalawang kasama niya. Nagpunta sa kaliwa at kanan namin ang dalawang lalaking may hawak na kahoy. Tuluyan nang tumulo ang luha ko dahil sa takot.
"P-Pakiusap ho, baka po pwedeng pag-usapan na lang." wika ko.
"Manahimik ka!" sigaw ng nasa gitna.
"Kaya pala sinundan ni Tupe e, ang ganda pala saka....ang kinis at puti!" tumawa ang nasa kanan namin. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Dalawang kamay ko na ang nakahawak sa uniform ni Atlas.
"Fuck you!" galit na sabi ni Atlas.
"Gago ka! Sinundan lang naman ng pinsan namin yang syota mo kasi nga maganda tapos sinuntok mo!" sigaw ng lalaki.
"Magpasalamat pa kayo at hindi ko binugbog ang pinsan niyong manyakis. Kung hindi dumating ang mga tanod ay baka kung ano pa ang nagawa ko sa kanya," mayabang na sagot ni Atlas. Namula sa galit ang lalaki at pati ang dalawang kasama niya ay napamura.
BINABASA MO ANG
The Two Of Us
RomanceCaroline Therese and Atlas Jimenez both had their own lives before they met. Caroline is a self-sufficient young woman who wants to work for herself. Her ambition has always been to live in peace. Then she met Atlas Jimenez, an egotistical guy who b...