Chapter 4: The Truth (Flashback)

56 3 1
                                        

Chapter 4: The Truth (Flashback)

Clarisse's P.O.V.

•●Fight & Truth●•

April 15,20**

"Ano ba talagang problema?!" pasigaw kong sabi. Nakakainis lang naman kasi nag tatanong ako ng maayos, kanina pa ako ayaw sagutin ng tama. kung sasagot naman siya yun pang mga walang ka buhay-buhay at non-sense na sagut!

"wala" cold niyang sagut! di ba! nakakaasar!

"Jed naman! Nakakainis na!" di siya sumagot. Nabwibwiset na ako ha! "Jed! Ano ba talagang problema? Nakakaasar na ha! Alam mo bang para akong tanga na umaasa sayo tapos ganito lang! Tapos bogsh! Isang araw naging cold ka na sa akin?! Wow!" di ko na napigilan ang sarili ko.

"Lets break up. Wala ng patutunguhan tung relasyon natu" what?!

"Brea-break up?! Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo ha, Jed? Alam mo ba anong ibig sabihin niyang mga pinag--"

"Oo, at nasa saktong katinoan ako ngayon! alam ko ang mga pinagsasabi ko! Maghiwalay na tayo!"

"pero bakit? mapag-uusapan natin tu. Maaayos natin tu Jed!" pinipigilan ko na yung luha ko.

"hindi na natin tu maaayos! kung pinagmukha kitang tanga dahil naging cold ako. pwes! quits na tayo! pinagmukha mo din akong tanga dati dahil akala ko mahal mo din ako!" ha? teka! di ko maintindihan. Tumalikod siya sakin at nag simula ng maglakad.

Hinabol ko siya hanggang sa naabutan ko siya at hinawakan ko yung kamay niya.

Humarap siya sakin na parang worried yung mata niya! Mahal niya ako. Alam ko yun!

"Jed, huwag mo namang gawin tu. Akala ko ba forever tayo? di ba im yours and your mine. Yung promises natin. Alam mo yun di ba. Alam ko mahal mo ako. di ba? di ba Jed. Mahal mo ako." nauutol kung sabi kasi sa sobrang iyak. Di ko na natigilan yung mga luha ko. Sinasabi ko yun habang hinahawakan ko yung mukha niya. Alam ko naman na mahal niya ako eh.

"Akala ko din dati nag eexist ang Forever! hindi pala! dahil sayo di na ako naniniwala sa Forever." kinuha niya yung kamay ko na nakahawak sa mga mukha niya.

"hindi kita maintindihan,Jed!" nakakainis! di ko alam yang mga pinagsasabi niya. anong quits na kami? di ko maintindihan.

"Dapat maghiwalay na tayo ngayon. Nang maaga pa, nang di na rin ako nasasaktan. ang sakit lang kasi isipin na ang taong minamahal ko ay pinaglalaruan lang ako" sabi niya.

"Jed! di kita pinaglalaruan!" mahal kita!

"huwag mo ng ideny! huwag mo ng bilogin ang ulo ko please! nahihirapan na ako! gusto na kitang kalimutan! gusto na kitang patayin sa isip ko! sa dinami-daming pwedeng mang trip sakin. ikaw pa talaga! ang galing mo! napaniwala mo akong mahal mo ako. sana at the first place di na ako lumapit sayo!" binitiwan niya ang kamay ko.

"hindi! hindi! Jed! di mo naintindihan. minahal na kita. nung Christmas Party. Tama! nung Christmas Party dun kita minahal. Maniwala ka sa akin Jed! please!" nagmamakaawa ako sa kanya.

Pero tumalikod siya.

"I dont want to hear all your lies, Clarisse. Just move-on. Bye Chai" bago siya tuluyang umalis. nakita ko yung luha niya na tumulo. di niya naiintindihan.

Yumuko nalang ako habang iyak pa rin ng iyak.

Iyak pa rin ako ng iyak. Minamasdan ko lang siya na paalis na naglalakad palayo sa akin. Medyo blurred na rin ang paningin ko. Nawala na siya ng tuluyan sa paningin ko sabay naman nun ang pagbuhos ng ulan. Umiyak pa ako lalo kasi binansagan kami nina Monic na RainyCouple kami ni Jed! Umiyak lang ako kahit nababasa na ako sa ulan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stranger (Destiny?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon