Chapter 17: Angel

71 10 0
                                    

Jacob's POV

Kakauwi ko lang sa bahay. Mga 7 na rin kami umuwi nila Sean at Brylle. Buti nga at umuwi na kami eh. Nakakainis kasi do'n sa loob ng Starbucks. Nakakairita. Sa dinami daming café or Starbucks malapit sa school, nakasama ko pa si Chloe. At hindi lang 'yun ah, kasama niya rin yung Keith na 'yun. Magde-date na nga lang sa harapan ko pa. Tsk!

Pagkaakyat ko sa kwarto ay kinuha ko na agad ang towel atsaka dumertso sa banyo para maligo.

- - - - -

Pagkatapos kong maligo ay syempre, sinoot ko na ang favorite pajama ko na spiderman. Natanggal tuloy ang pagka-irita ko dahil dito. Komportable kasi ako sa pajama, plus! favorite ko pang character si spidey. Tuwing natutulog ako pajama lang suot ko. Topless, no boxer, no underwear, no — as in pajama lang talaga kaya sobrang presko.

Umupo muna ako rito sa sofa dito sa kwarto ko. Then, I get my phone. Nang ko ang phone mo ay tinignan ko na muna kung may mga messages na hindi ko pa nababasa.Nakita ko ang isang message ni Sean.

   Tayo raw magsusundo kay
Maika sa airport. Sa Sunday.

Oks.
Sent ✅ 7:32 pm


Pagkatapos kong reply-an si Sean ay nag Facebook muna ako. Pagka-bukas ko pa lang ng internet ay ang dami ng notification na nag pop up. Mga message, reacts, and mostly ay friend requests. Scroll lang ako ng scroll sa news feed ko dahil wala naman akong balak magbasa ng mga messages or mag-chat sa mga group chats. Habang nagii-scroll down ako ay may biglang pumasok sa kokote ko..

"May facebook kaya yung babaeng yun?" tanong ko sa sarili.

Agad kong sinearch ang pangalan niya. Ang daming lumabas na kasing pangalan niya kaya medyo nahirapan ako maghanap. Maya maya pa ay nakita ko na rin account niya. Nice, single.

"1,272 follewers? Wow, famous rin pala 'to." usal ko.

Scroll lang ako ng scroll sa timeline niya. Hindi ako masyadong nahirapan mag-scroll dahil hindi naman siya nagshe-share ng kung ano-ano. Karamihan at mga posts niya lang. Pumunta naman ako sa photos niya para tignan mga mukha niya kung maganda ba hahaha.

Tinignan ko ang mga profile pictures niya. Hmmm, not bad. Maayos naman. Marami ring reacts and comments. Tinignan ko pa ang mga albums at meron nahagip ang mata ko na album na nakaka-curious.

"My Love? Tss, ano naman 'to?"

Agad kong binuksan ang album na 'yon. Pagkabukas ko ng album, nakita ko picture nilang dalawa ng lalaki. Hindi ko kilala eh. Pero for sure, boyfriend niya 'to. Ang sweet kasi nila sa mga pictures eh.

"Pero ang relationship status niya ay single. Edi sino naman 'to? Ex niya?"


Pinagtuloy ko lang ang pagii-stalk sa kaniya at nalaman ko nga na ex niya pala yun. Ang pangalan niya ay.. Ryle Mariano? Mar.. Marcial.. Marciano? Ay oo, Marciank nga. Nung ini-stalk ko yung Ryle ay nakita ko sa posts at pictures niya ay may iba siyang kasamang babae.

"Hmmm, baka mag-ex na nga lang sila."

Pinagtuloy ko pa ang pag-stalk ko. Bumalik na naman ako sa timeline ni Chloe. Tinignan ko yung mobile uploads at may nakita akong picture niya nung bata pa siya.

Unexpectedly In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now