Chapter 21: She's Hurt

11 3 0
                                    

Chloe's POV

Kakauwi ko lang sa bahay. Si Kuya Clark lang ang nagsundo sa akin kasi umuwi na raw si Kiya Raf, Kuya Matt at Kuya Ruzzell. Hay, ewan ko kung bakit simula nung nakita ko si Markus na nakatitig sa babae parang may part sa akin na na-hurt.

Halata pa sa mukha niya na masaya siya. Makatulog na nga dahil may training pa ako bukas.

- - - - -

*tok tok*

"Anak, hindi ka pa ba babangon d'yan?"

"Ito na po babangon na."

"Sige, ready na ang breakfast sa baba maligo ka na."

Pagkaalis ni Mama sa pintuan ay bumangon na agad ako. Tinatamad pa naman ako. Gusto ko pang matulog : (

"Hala may training pala kami ngayon."

I'll call Xhiara para tanongin kung anong susuotin niya. Kung mag pa-pants or short. Kung susuotin niya na ba agad or babaunin niya na lang. Parang sira rin kasi 'to si Chloe eh, halos buong araw magkasama kami ni Xhiara tapos hindi ko pa natanong.

[ Hello Chloe, ba't napatawag ka? ]

"May training tayo mamaya diba?"

[ Ah oo, buti pala pinaalala mo. ]

"Anong susuotin mo?"

[ Nakabihis na kasi ako eh, magbabaon na lang ako ng jersey ko. ]

"Okay sige, bye bye."

[ Bye. ]

Pagka-end ng call ay naligo na agad ako. May flag ceremony pala kami ngayon kaya dapat maaga talaga ako. Pagkatapos kong maligo ay syempre ng blower muna ako. Hindi muna ako magku-curl ng buhok ko ngayon dahil magpo-ponytail ako mamaya sa training.

Pagkatuyo ng buhok ko ay sinuot ko na ang uniform ko. Tapos hinanap ko rin yung white t-shirt ko. Ayaw ko kasi suotin yung mga jersey ko rito dahil sa dati ko pa 'tong school. Kinuha ko na lang yung short ng iba kong jersey tapos nagbaon rin ako ng cycling. Binaon ko na rin yung rubber shoes ko.

Nang malagay ko na lahat ng babaunin ko ay bumaba na ako para mag-breakfast. Nakasalubong ko si Mommy at Kuya na kumakain sa baba. Napatingin naman sila sa akin. Teka, bakit parang ang sama ng tingin sa akin ni Kuya Clark?

"Hello honey, kain na at baka ma-late ka pa sa flag ceremony mo."

"Bilisan mo rin dahil hahatid kita."

"Bakit Kuya, ayos naman kotse ko ah."

"Nako, hayaan mo na 'yan si Kuya Clark mo. Naglalambing lang yan."

Parang babae rin minsan 'to si Kuya Clark. Bigla bigla na lang ako ihahatid pero ang sama ng tingin. Sa bagay, last few days hindi kami masyado nakakapagusap ni Kuya siguro gusto niya lang ng bonding hehehe.

"Hihintayin na lang kita sa labas." sabi ni Kuya Clark tska dumeretso sa labas.

"Ah Ma, may training pala kami ng volleyball mamaya kaya baka medyo late ako umuwi."

"Sige, text mo na lang ang kuya mo kung magpapasundo ka na."

"Okay ma, bye."

"Bye, sabihin mo sa kuya mo ingat sa pag-drive."

"Yes ma!"

Tska ako dumeretso sa labas. Nakita ko naman si Kuya Clark na nasa loob ng kotse. Sabi niya hihintayin ako sa labas, dapat pala ang sinabi hihintayin kita sa loob ng kotse. Baliw baliw rin 'to si Kuya eh.

Unexpectedly In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now