Chapter 22: Ready to Rescue

15 3 0
                                    

Jacob's POV

Kakatapos ko lang magbihis ng jersey. Maya maya pa naman ang call time eh. Pupunta muna ako sa favorite tambayan ko.

Ang Garden!

Dito ako laging pumupunta kaba nabo-bored ako or hindi naman kaya naiinis ako. Basta pag gusto kong kumalma dito ako pumupunta. Paupo na sana ako nang may nakita akong babaeng nakatayo.

Teka, parang familiar siya ah. Katkat? Teka, bakit parang umiiyak siya? Oo nga umiiyak siya. Ano naman nangyari sa babaeng 'to? Tinignan ko kung saan siya nakatingin. Nakita ko si Brylle at si Maika magkayakap. Nako naman, hays!

Agad ko siyang hinila at tumakbo kami. Hindi ko alam kung saan ko sya dadalhin basta malayo ko lang siya doon. Sabi na nga ba mag gusto siya kay Brylle eh. Tsk tsk. Sakin ka na lang kasi.

Tumigil kami dito sa first floor ng building namin. For sure wala namang masyadong tao kasi lahat na sa klase.

"Shhh, huwag ka ng umiyak."

Tumigil naman siya sa pag-iyak at tumingin sa akin. Gusto ko sanang tumawa sa mukha niya dahil nagulat siya. Hahaha.

"Bakit mo ako hinablot?!"

"Galit? Pasalamat ka nga hinablot kita eh."

"Bakit naman?"

"Dahil kung hindi.."

"Kung hindi ano?!"

"Kung hindi masasaktan ka pa lalo."

Natigilan siya sa sinabi ko. Galit pa siya eh buti nga hinablot dahil malamang sa malamang baka naglumpasay pa siya doon. Tsk tsk, mga babae kasi ang hilig magkagusto sa mga taong imposibleng magkagusto sa kanila tapos sa huli iiyak. Tanga talaga eh.

"Ikain mo na lang 'yan tara na," sabi ko tska naglakad. Naramdaman ko naman hindi siya sumunod. "Tara na, ayaw mong kumain?" kaya sumunod siya.

Chloe's POV

Papunta ata kami ni Jacob sa isang cafe malapit dito sa school. Buti na lang at pinalabas kami ng guard. Haaays, naaalala ko pa rin yung nakita ko kanina. Hindi ko inaasahan yun. Hindi ko rin inaasahan na ganito ang mararamdaman ko.

 Ang bilis kasi ng pangyayari eh, parang nung nakaraan lang pinahiram niya sa akin yung panyo niya para ipunas sa uniform ko na nginudngod sa mukha ko ni Jacob yung cake noong first day ko. Tapos nung flat ang gulong ng kotse ko sinabay niya ako papuntang school.

Pinagtanggol niya pa ako sa mga classmates ko na sasampalin dapat ako tapos linibre niya pa ako ng ice cream. Hinatid niya pa nga ako pauwi ng bahay eh. Dahil doon gumaan ang loob ko sa kaniya. Unti unti ko ng na-realize ang feeling ko sa kaniya. Tapos biglang..

Nagbago na..

Dumating lang ata si Maika nawala na lahat. Akala ko pa naman.. akala ko pa naman na may possibility na magustuhan nya rin ako. Pero wala eh, siya ang gusto niya at hindi ako yun. Ito na naman ako nagpapakatanga at nasasaktan. Hay nako Chloe, akala ko last luha mo na yung pagiiyak mo sa bar gaga ka.

"Hoy!"

" Ay luha! A-ano ba! bakit ka naninigaw?"

"Kanina pa kasi tayo nakatayo dito sa labas baka gusto mong pumasok?"

"Tara na nga."

Tska kami pumasok ng lalaking 'to. Kahit papaano thankful ako rito kay Jacob kasi linayo niya ako doon sa garden dahil kung hindi malamang narinig nila Markus at nung babaeng yun ang hagulgol ko. 

Unexpectedly In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now