Chapter 19: Coming Back

19 4 0
                                    

Chloe's POV

*riing riing*

Nagising ako sa ingay ng ring ng phone ko. Hindi naman ako nag-alarm ah. Ano ba yan, inaantok pa ako eh. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong tumatawag si Xhiara.

"Ano na namang meron sa babaeng 'to at napatawag na namang ng ganitong oras?"

"Yeah, hello?"

[ Waaah! Chloe ~ ] nilayo ko na agad ang phone ko dahil sa tinis ng boses niya.

"Ano na naman ang problema mo at nagsisigaw ka ng ganiyan?"

[ OMG! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. ]

"Talagang hindi ako maniniwala hangga't hindi mo sinasabi."

[ Ito naman, umiiral na naman ang pagiging sarcastic mo. ]

"Hahaha sige na, anong sasabihin mo."

[ Di ba kanina ang dinner namin para ma-meet ang fiancé ko? ]

"Ah yeah!"

[ Omg! Na-shookt talaga ako kanina. ]

"Bakit, ano nangyari?"

[ Hindi ako makapaniwala kung sino ang fiancé ko! ]

"Bakit, sino ba?"

[ Si Keith! Grabe, hindi talaga -]

"Sino?"

[ Si Keith. ]

O.o

Ano raw?

"Si Keith?!"

[ Oo, si Keith - ]

"Waaaaaaah! Omg! Omg! Si Keith talaga?"

[ Oo nga. ]

"Hala! Omg, nakakakilig! Oh tapos anong nangyari?! Hihihi."

[ Sa Monday ko na lang sasabihin. ]

"Ano ba yan! Sa monday pa? Ngayon na!"

[ Inaantok na ako eh. ]

"Ano ba yan, bitin naman kwento mo."

[ Hehehe sorry. ]

"Sige na kasi!"

[ Mamaya na lang, mag-mall tayo. ]

"Sige sige!"

[ Text na lang kita ha! ]

"Okay, bye bye!"

[ Bye. ]

Omaygash. Kinikilig ako. Excited na ako sa kwento niya mamaya. Eh? Teka, paano na ako makakatulog nito?
5:30 am na pala.

"Eh kung mag-jogging na muna ako?"

Bumangon ako para maligo at makapag-jogging na.

- - - - -

"Hooo! nakakapagod."

Umupo muna ako saglit sa tabi ng kalsada para magpahinga. Nakakailang ikot na ako dito sa subdivission namin eh. May sunlight na rin, siguro mga na sa 6:00 am na.

Hindi pa naman ako nagugutom eh. Hays, makauwi na nga lang muna.

Naglakad na lang muna ako pauwi ng bahay. Gusto ko sanang cafe kaso hindi pa ako nagugutom eh. Hindi rin ako nakapagpaalam kaynila Mama at kuya kaya baka hinahanap na ako nun.

Unexpectedly In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now