Ikalawang Kabanata: Mataas na paaralan ng San Miguel

32 2 0
                                    

Dahil kakalipat lang namin ng bahay. Di ko na yata alam kung pailang lipat na kami ng bahay at pagtransfer sa school ang aking nagawa. Lumipat ako sa paaralan malapit sa bahay namin.
Hayyy.. Bagong paaralan. Bagong mga kaklase at oo..

Bago na namang kababalaghan ang tiyak na aking mararanasan.
Ikalawang markahan na noong lumipat ako sa mataas na paralan ng San Miguel kaya halatang halata na baguhan lamang ako.
"Academic Bldg. No. 1 Room 109"
Ang hirap maghanap -_- hindi ko makita ang aking silid dahil may kalawakan ang paaralan at magkakalayo ang mga silid.
Kaya naisipan ko na magtanong sa isang estudyante na mag-isang nakaupo sa bench malapit sa gymnasium.
"Ate? Pwede po magtanong?"
Ang suplada naman nito. Ang tahimik at hindi humaharap sa akin. Ilang segundong katahimikan nat hindi pa rin niya ako sinasagot.
"Ate? Saan yung Academic Bldg. No. 1 Room 109?"
Hindi pa rin sya lumilingon.
"ATE? SAAN--". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil humarap sya sa akin.
Duguan.
Duguan ang kaniyang mukha.
Wala ang isang mata na tila may dumukot.
May tahi ang bibig at ang natitirang mata'y lumuluha ng dugo.
O____O
"WAAAAAAAAAAHHHHHHH!! " sigaw ng babae nang pilit niyang tanggalin ang taling nakatahi sa kanyang bibig.
Napatulala ako. Nananaginip lang pala ako ng gising. Napahilamos ako sa aking mukha at nahimasmasan.
"Kuya, okay ka lang?" tanong ng babae na sa guni-guni ko'y may nakakakilabot na mukha.
"Ah, eh.. Sa-san y-yung ano ahm Academic Bldg. No. 1 room 109?" ano ba yaaaaan hanggang ngayon nangangatal pa din ako sa takot.
"Nakikita mo yung ICT room kuya? Katapat noon ang hinahanap mo"sagot niya sa akin.
"Salamat ate" nakangiti kong sabi.
Nagpunta na ako sa ICT room para makita ang hinahanap kong silid. Dumating ako sa silid na hinahanap ko, mukhang kararating lang din ng sa palagay ko'y guro namin.
"Okay class--" hindi nya natapos ang sasabihin nang nakita nya ako sa labas.
"Iho, maaari ka ng pumasok. Ikaw ba yung bagong estudyante?" tanong ng guro.
"Opo ma'am, ako nga po." sagot ko habang naglalakad papasok ng silid.
"Ako si Ms. Edna Dimasalang. You can call me Ms. Eds". Pagpapakilala niya
"Ikinagagalak ko po kayong makilala Ms. Eds". magalang kong sabi.
Inutusan ako ni Ma'am na ipakilala ang aking sarili. Kaya nagpunta ako sa unahan. Medyo kinakabahan dahil bihira ako magsalita sa harap ng madaming tao.
"Ako si Clyde Rodriguez, 16 na taong gulang. Kakalipat lang namin ng bahay diyan sa Kalye Masalukot kaya bago lang ako dito sa inyong lugar. Sana magkalapit ang mga loob natin."pagpapakilala ko. Kitang kita ko na nakangiti lahat ng magiging kaklase ko kaya gumaan ang pakiramdam ko.
"Maaari ka ng umupo Mr. Rodriguez" sabi ng aming guro.
Naghanap ako ng pwedeng maupuan at dun ako pumwesto sa tabi ng isang babae dahil wala syang katabi.
"Patabi ha, salamat". Pagpapalam ko sa babaeng nakaupo. Hindi siya sumasagot pero umupo na ako.
"Anong pangalan mo? " tanong ko sa aking katabi.
"Ako si Jane". sagot ng nasa nunahan ko.
Ha? Di naman siya ang tinatanong ko pero dibale ang mahalaga ay nakilala ko sya.
"Matapang ba si Ms. Eds? "pagtatanong kong muli subalit hindi pa rin sumasagot ang babaeng katabi ko.
"Hindi naman, wag ka lang maingay". sagot muli ni Jane na nasa unahan ko. Masyado na pala akong madaldal kaya napansin ni Ma'am ang kaingayan ko.
"Clyde? May problema ba? "
"Wala po Ma'am"
"Masyado kang nasa likod, lipat ka dito sa unahan".
"Dito na po Ma'am. Wala po kasing katabi si--"hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang putulin ni Ma'am ang sasabihin ko.
"Lipat ka na sa unahan, nag-iisa ka dyan".
Ha?? Nag-iisa? P-pero may katabi ako..
"Pero Ma'am may katabi po a-- hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil wala akong nakitang babae sa tabi ko.
"Kanina ka pang nagsasalita, ako ba ang kausap mo? "singit ni Jane.
Hindi na ako lumipat ng upuan, nakatulala ako buong klase dahil sa nangyari sa akin.
Sino yung katabi ko kanina? Sino ang kinakausap ko kung mag-isa lang naman ako sa hilera ng inuupuan ko? Pinalagpas ko ang araw na iyon. Maraming araw pa ang lumipas, naging normal naman ang takbo ng buhay ko sa aking paaralan. Ngunit isang araw nagimbal ang lahat dahil sa isang pangyayari, maraming estudyante ang sinapian. Nagsisigaw sa buong campus at nagwala. Maraming natakot at nag-iyakan.
"KAYONG MGA TAO! SINIRA NYO ANG TIRAHAN NAMIN!! "sigaw ng estudyanteng babae na naging boses lalaki.
"NANANAHIMIK KAMI!" BAKIT NYO SINIRA AT GINAMBALA ANG BAHAY NAMIN?"sigaw ng isa pang estudyante na may matinis na boses na pakiwari ko'y babae ang sumapi.
Bumuhos na rin ang malakas na ulan. Madilim ang paligid. Naglabasan ang matatalim na kidlat at tila bawat segundo ay kinukuhanan ka ng litrato dahil sa mga kulog at kidlat. Tila nangibabaw ang pwersa ng kadiliman. Nagdatingan na ang mga pari upang dasalan at basbasan ang mga sinapian at ang aming paralan.
"San ngalan ng Diyos Ama na makapangyarihan sa lahat! Kayong masasamang espirito na nasa katawan ng mga estudyanteng ito ay inutusan ko na umalis na dito!!"sigaw ng pari sabay binasbasan ang mga estudyante.
"HINDI MO KAMI MAPAPAALIS!! " sigaw ng isang estudyante.
Lumapit ako sa mga may sapi at nilakasan ang aking loob para sila'y makausap.
"Nakikita ko kayo.. " mahinahon kong sabi. Ang mga sigaw ay napalitan ng katahimikan. Muli akong nagsalita.
"Ano bang problema nyo? Ipaliwanag nyo sa amin para matulungan namin kayo"sabi ko. Unang nagsalita ang estudyanteng may malaking boses.
"Sinira ninyo ang tahanan namin" panimulang salita ng estudyanteng may malaking boses. Sa puntong ito, umiiyak na siya.
"Pinutol nyo ang punong naging tahanan namin ng madaming taon. Yan ang problema sa inyong mga tao, akala nyo wala na kami, akala nyo hindi kami tunay. Nagkakamali kayo, hindi kami kailanman mawawala. Wala kaming ginagawang masama, pero bakit sinira nyo ang tahanan namin? " madamdaming paliwanag ng estudyanteng may sapi.

Natahimik ang paligid. Ngayon alam ko na, pinutol ang punong santol na nasa likuran ng aming paralan dahil ito'y babakuran. Ang babae at lalaki lamang na sumapi ang nagbibigay ng kanilang hinaing na sa palagay ko ay mag-asawa at pinuno nila, ang ibang sumapi ay tahimik lamang.
Labinlima lahat-lahat ang sinapian at karamihan sa kanila ay mga babae, natatakot at umiyak. Siguro dahil mahihina ang kanilang loob. Muli kong kinausap ang mga estudyanteng sinapian.
"Nakikita nyo ba kami? " tanong ko
"Oo"matipid na sagot ng babaeng sumapi.
"Nakikita ka namin? Nakikita namin kayo? " muli kong tanong.
"Hindi". sagot nila.
"Kung gayon, malinaw na karamihan sa mga tao ay hindi kayo nakikita, kaya hindi nila sinasadya na magambala o masaktan kayo. Hindi namin kasalanan na masaktan kayo. Kayo, kayo ang nakakakita sa aming mga tao kaya kayo dapat ang umiwas. Lumayo kayo sa kabihasnan naming mga tao" makabuluhang paliwanag ko.
"Ang bigaaat! Ang bigat ng nararamdaman ko!! Waah!! " sabay-sabay na sigawan ng mga may sapi.
"Kakampi namin ang Panginong Diyos! Malakas ang pananampalataya naming mga tao kaya inutusan ko kayo na lisanin na ang lugar na ito."sigaw ng pari na may hawak na bibliya at holy water.
Ilang sandali pa'y nahimasmasan na ang labinlimang sinapian. Inikot ng mga pari ang buong paaralan at binasbasan ang mga silid. Animoy napakatagal ng mga pangyayari na nagpabago sa pananampalataya ng mga nakasaksi sa nangyaring kababalaghan. Pinilit naming kalimutan ang mga pangyayari. Kada Biyernes ay nagsasagawa kami ng misa para maitaboy ang mga masasamang elemento sa aming paaralan. Alam ko, marami pang pagala-galang kaluluwa dito dahil ang kinatatayuan ng aming paaralan ayon sa mga guro namin sa History, ito daw ay naging tapunan ng mga bangkay na nasawi sa naganap na digmaan laban sa mga Hapon kaya alam ko hindi pa dito nagtatapos ang lahat.

Ikatlong Daigdig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon